NAGTITIMPING nakatayo ako sa gilid ng pituan ng office ni Mr. Zachary. May ngisi sa labi niya habang may ginagawang office work.
"Miss Celestine.. kamusta ka d'yan?" Ethel asked from my earpiece.
Ako lang ang nandito sa loob ng office nito ni Mr. Zachary at ang mga kasama ko ay nasa labas lang. Sila rin ang kakapa sa mga taong papasok dito sa office ni Mr. Zachary.
Kanina pagdating namin dito sa company niya ay sinabihan lang niya ang mga kasama ko na kung saang floor ang office niya at hanggang sa labas. Hindi rin agad nakapalag nang buhatin niya ako uli na parang sako.
Pinindot ko ang ear piece ko para makapagsalita, "I'm still okay.. nakakapagtimpi pa naman." mahinang sagot ko.
Narinig ko ang pagtawa nila sa earpiece ko.
"May mababasag ba mamaya, Miss Tin?" natatawang tanong ni Kenneth.
"Tss.."
In-off ko nalang 'yong earpiece ko at nagpatuloy nalang sa pagtitig sa malaking bintana ng office niya.
"Miss Celestine.."
I look at him with my impassive face. He was smirking. Ang sarap sapakin ng gwapo nitong mukha!
"Yes, sir?"
"Can you.." 'yong daliri niya ay sumenyas na umiikot, "..turn around?" aniya habang may naglalaro kabulastugang ngiti sa gwapo nitong mukha.
Napakunot ang noo ko sa tinuran niya, "At bakit?" hindi ko na nagawang gumalang pa.
"I'm your boss, you should've obey my order.. so turn around, slowly.." aniya.
Nagtagis ang bagang ko. Huminga ako ng malalim at sinunod ang inutos niya na umikot pero nang naka tapat na ako sa pinto ay pinahinto niya ako.
"Stop!" aniya at hindi na nagsalita.
Nilingon ko siya at halos umusok na ako sa inis dahil nakatitig siya sa pang-upo ko!!
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis na tanong ko nang humarap na ako.
He look at me, "Staring at your ass.. sexy ass." anas niya habang nakangiti.
Naipikit ko uli ng mariin ang mata ko habang hinihilot ang sintido. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya. Isa nalang talaga!
"Talikod ka uli, want to see your ass.." aniya.
Dumilat ako at ngumiti sa kanya, "Gusto mong makita?" tanong ko.
Mabilis siyang tumango, "Yes." aniya.
Tumango-tango ako at lumapit sa kanya sa gilid. Nang nasa harap na niya ay medyo tumagilid ako para bumwelo.
Sa isang iglap lang ay lumapaypay si Mr. Zachary at walang malay dahil sa pagsapak ko sa kanya.
"King ina mo!" saad ko.
Agad akong lumabas ng office niya na agad naman na ikinatayo ng mga kasama ko na mga nakaupo sa visitor's chair.
"Susi ko." Inilahad ko ang palad ko sa kanila.
Agad naman inabot sa 'kin ni Jun ang susi ko. Nilingon ko ang pintuan ng office ni Mr. Zachary.
"Asikasuhin niyo 'yong manyak na 'yon. Aalis na ako." Pagkasabi ko no'n ay agad na akong nagtungo sa elevator na mabuti ay agad na bumukas.
Narinig ko pa ang mga ka-team ko na nagtatanong kung ano ang nangyari pero lahat no'n ay wala akong sinagot.
Sa tanang buhay ko sa pagiging bodyguard ngayon lang ako nabadtrip sa isang client and worst nasaktan ko pa! Hindi ako nakaramdam ng takot kung magsusumbong siya at sisisantihin ako kesa naman patuloy kong indahin ang gano'ng klaseng client.
Pagkababa ay agad akong dumeretso sa motor ko at pinaharurot 'yon pauwi sa bahay.
Naabutan ko nang nagtitinda sina mama at papa. Maraming nakapila sa kanila ngayon sa ihawan nila.
"Oh. Bakit ka umuwi?" takang tanong ni papa habang nagpapaypay ng ihaw.
Nagmano muna ako sa kanila bago sinagot, "Nabadtrip ako, 'Pa.." saad ko, "Mamaya ko na kwento.."
Agad akong pumasok sa loob ng bahay, sinalubong ako ni botchok na agad akong dinamba.
"Yah! 'Yong damit ko nakapitan na ng balahibo mo!" suway ko sa aso ko pero dahil isa siyang aso pinagpatuloy pa din niya ang pagtalon-talon sa sakin.
Inabot ko 'yong bola ng tennis na nginangat-ngat niya at binato sa kusina na agad naman niyang hinabol kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
Naghubad ako para magpalit sana pero nakita ko ang sarili sa salamin ko. Tumalikod ko para tignan ang pang-upo ko. Hindi naman malaki, hindi din maliit— sakto lang ito! Pero bakit gigil na gigil dito 'yong gwapong manyak na 'yon?! Tss.
Agad akong nagsuot ng denim shorts at t-shirt na kulay pula, Pagkatapos ay agad akong bumaba para tulungan nalang sina mama at papa sa pagtitinda.
"Ma, ako nalang dito kay Papa.." saad ko at kinuha ang pamaypay kay Papa ang pang paypay, "Ikaw naman, 'Pa, umupo ka muna.." sabi ko na agad sinunod ni papa.
"Ako na lang magsukli sa kanila." anang ni papa na kinatango ko.
Pinipilahan talaga ang ihawan nina mama at papa mabuti na nga lang at marami gumawa ng pangihaw sina papa pero minsan ay nauubusan pa rin sila.
Si Papa nakaupo at nililista ang mga name at kung ano ang order nila para hindi kami malito. Kinukuha na din niya yung bayad para hindi lalo malito.
Habang nagpapay-pay ay nakarinig kami ng kotseng pumarada sa gilid bg bahay namin. Nang lingunin ko ay nagulat ako nang makita ang mga ka-team ko pero mas nagulat ako nang lumabas sa isang itim na kotse ang gwapong manyak naming boss.
I heard a squels from our female costumers dahil sa dumating na si Mr. Zachary.
"Oh, nandito mga ka-team mo.." anang ni papa.
Nakatingin lang ako sa gwapo ngunit may pasang mukha ni Mr. Zachary dahil sa pagkakasapak ko sa kanya.
"Miss Tin!" bati ng mga ka-team ko na agad na nagsipaglapitan kela Mama at Papa para magmano.
"Order po kami, dito na rin kami kakain." anang ni Ethyl na agad na nag-order.
"May ulam sa bahay, do'n nalang kayo kumain." mama said.
May ngisi ang mukha ni Mr. Zachary habang pinagmamasdana ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit niyo kasama 'tong si Mr. Zachary?" nilingon ko si Bong na siyang nasa gilid ko at nagpapalista nang o-orderin.
"He wants to come, wala naman siyang gagawin sa office.." aniya at binalingan si Mr. Zachary, "'Di ba, sabi niyo babayaran niyo o-orderin namin, boss?"
"Hmm.. Buy all you can." sagot niya pero nakatingin pa rin sa 'kin.
Napailing nalang ako at itinuon ang pagpapaypay sa mga iniihaw ko.
"Oh! Sino 'yang gwapong 'yan?" My mother asked and then my teammates answer her.
"New client po namin 'yan, boss po bamin for one year.. laki ng binayad niya sa company, Tita.." sagot ni Beryl.
Napalingon ako kay Mama nang maglakad ito papalapit kay Mr. Zachary.
"Halika dito, Hijo.. Ano bang gusto mo?" kapagkuwan ay hinatak ni mama 'to papalapit sa'min.
Kita ko ang gulat ni Mr. Zachary sa ginawa ni mama pero hindi pinansin 'yon ni mama.
"Hala ka.. Umorder ka na." aniya at binuksan ang lagayan namin ng mga iihawin, "Barbeque, Dugo, Isaw, paa ng manok, pwet ng manok, inihaw na manok— pili ka lang dyan.."
"Ma!" suway ko pero hindi ako pinansin ng nanay ko.
Napakamot ng batok si Mr. Zachary, "Barbeque will do.." aniya at binalingan ako. Inirapan ko lang.
Nagulat ako ng agawin ni papa ang pamaypay na hawak ko, "Pumasok na kayo sa loob. Tatawagin nalang kita kapag luto na 'to."
Sinunod ko si papa at inaya ko na sila pati si Mr. Zachary na pumasok sa bahay namin.
At dahil pumasok kami at naamoy ni Botchok, agad itong tumakbo papalapit sa mga kasama. thank you. Atleast hindi ako makakalmot ng medyo matulis niyang kuko amp.
"Feel at home.." saad ko at dumeretso sa kusina namin para maghanda ng mga pinggan.
"You need to pay me for what you've did to me ealier in the officw.." a sexy and boritone voice said from my back.
What the heck?! Pati boses niya rin..
Humarap ako sa kanya at halos mapugto ang hininga ko dahil sa lapit ni'ya sa'kin. Namilog ang mata ko.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko. Nagpasalamat sa utak ko na hindi ako nautal.
I smell his manly perfume at hindi ko alam pero ang lakas nang dating no'n.
"Nakatayo sa harap mo."
"Bakit ang lapit?"
"I like standing near you.." aniya with a smirk.
Marahas akong bumuga ng hininga, "Gusto mong ma-doble 'yang pasa mo at makatulog uli?" tanong ko habang pinandidilatan siya.
He chuckle— a sexy chuckle!! "Try, then.." he leaned on me, nasa tapat na ng mukha ko ang mukha niya, "Try and I'll kiss you."
Naamoy ko ang mabango niyang hininga and his aftershave! Bakit parang kakaiba ang dating no'n?
Napatiim bagang ako at inangat ko na ang kamao ko para masapak siya pero agad niya 'yon pinigilan and the next thing I knew, his lips touched mine. Namilog ang mata ko.
May ngising tagumpay nang himiwalay siya sa'kin, "One violent move, one kiss.." aniya at agad akong tinalikuran at nagpunta sa sala.
Habang ako, Namimilog ang mata at pinoproseso pa ang ginawa ng walang hiya— NANG WALANG HIYA!!
That was my first kiss!
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Lumabas ako ng kusina at binalingan ko sila, "Kunin niyo nalang 'yong inihaw niyo kela papa tapos kumain na kayo.." saad ko.
Napatingin ako kay Mr. Zachary aka first kiss stoler s***h gwapong manyak na prenteng nakaupo sa single sofa namin at may pilyong ngiti sa labi na gusto kong lamukasin gamit ang kamao ko!!
Inirapan ko siya at pumunta na ng kwarto ko. Bastos na kung bastos kesa naman masapak ko uli siya. Kawawa naman ang gwapong mukha niya—
Really, Celestine? Talagang may papuri pa amp.
Nagstay lang ako sa kwartp ng kalahating oras nang may kumatok sa kwarto ko.
"Celestine, kakain na.." boses 'yon ni Raquel.
Dahil sa sinabi niyang 'yon ay kumulo ang tyan ko dahil sa gutom kaya no choice, lumabas ako kahit na mas gusto kong magkulong nalang sa loob.
Pumunta na ako sa kusina at napatigil ng makita sila doon pero agad sumama ang mood ko ng makita ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Mr. Zachary.
May ngiti ito labi habang pinapagpag ang upuan na katabi niya, "Seat beside me." aniya.
"Ayoko!" asik ko.
"Upo ka dito.."
"Ayoko nga!" sagot ko at bumaling kay Sonny na magiging katabi ko kung kapag naupo ako sa tabi ni Mr. Zachary.
"Sonny, palit tayo. Dali!" utos ko na agad naman tumalima.
Umupo na ako sa dating pinagpwestuhan ni Sonny.
"Let's exchange seats, Sonny.." anang ni Mr. Zachary.
"Yes, sir." sunod naman ni Sonny.
Napatanga ako habang pinapanood ang pagpapalitan nila ng pwesto ng upuan at ngayon katabi ko na si Mr. Zachar na may matagumpay na ngiti sa labi.
"Let's eat, shall we?" aniya at sumandok na ng kanin.
Mariin akong napapikit. Kung hindi lang talaga ako nagugutom ay magwo-walk-out ako, eh! Pero pesteng tyan 'yan, gutom!
Tahimik lang akong kumakain habang ang mga ka-team ko ay mga nagdadaldalan.
At si Mr. Zachary na katabi ko ay pinapanood akong kumain habang kumakain din siya.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain para matapos agad ako at makaalis na dito sa kusina.
"Masarap 'tong ulam.." komento niya kaya nilingon ko. Nakatingin pa rin sa'kin.
"Luto 'yan ni Papa kaya masarap—"sagot ko at agad akong pinutol.
"Pero mas masarap labi mo.." aniya at mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong napahinto sa pagkain at pag-uusap ang nga ka-team ko.
Namimilog ang matang binalingan ko ang mga ka-team ko na laglag ang pangang nakatingin sa'min.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mr. Zachary kaya nanggagalaiting binalingan ko siya at hindi ko na napigilang pingutin ang tenga niya.
"O-OUCH! FÙCK MASAKIT— STOP IT!"
"GAGO KA! BAKIT KAILANGAN MO PANG SABIHIN 'YON!"
"MISS CELESTINE!"
Ramdam kong pinipigilan ako ng mga ka-team ko. Hinahatak nila ang kamay kong nakapingot sa tenga ni Mr. Zachary. Pero dahil madiin ang pagkakapingot ko ay nahatak din ang tenga niya.
"FÙCK!"
Nagtagumpay ang pag-alis ng mga ka-team ko sa pagkakapingot ko kay Mr. Zachary.
Binalingan ako ni Mr. Zachary at nagtagisan kami ng tingin— masamang tingin sa isa-isa.
"Pagsisisihan mong piningot mo ako.." aniya.
Ngumisi ako, "Hindi! Kung may pakakataon pa ako ay dalawang tenga mo pipingutin ko!" asik ko sa kanya.
Ngumisi siya, "Talaga?" aniya
"Talagang-talaga—" napatigil ako at namilog ang mata nang may lumapat uli sa labi ko.
Nakaramdam akong kuryente mula sa labi niya papunta sa labi ko at dumaloy hanggang batok. kinilabutan ako!
Narinig ko ang mga singhap ng mga kasama ko dahil sa ginawa ni Mr. Zachary.
Lumayo siya sa'kin at muling pinakita ang matagumpay na ngisi.
"I'll leave now at baka mabugbog na talaga ako, but willing naman ako kasi may halik akong matatanggap.." aniya bago umalis sa harap namin.
Habang ako ay nanlalaki ang mata. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko at pag-iinit nito.
"OMG! Celestine!" tili ni Beryl, "May gusto ata sayo si Mr. Zachary!"
"Takte! Unang araw palang 'to, ah.." anang ni Jun na kumanta pa ng sikat na kanta noon na pang patok na jeep, "Unang araw palang minahal na kita~"
"Wow as in wow, 'Tin.." hindi makapaniwalang saad ni Ethyl, "Like kagabi lang hinipuan ka niya tapos ngayon nagbayad siya ng milyon para lang maging bodyguards tayo— ikaw! Then ngayon hinalika ka? What the.."
"Gago! Papaturo ako kay Mr. Zachary kung paano maging matinik!" anang ni Kenneth.
Wala sa sariling napatayo ako at iniwan sila sa kusina at nagtungo sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.
Napahawak ako sa labi at hindi maiwasang magtagis ang panga ko!
Wala pang client na gumagawa no'n sa'kin! Tanging 'yong gwapong manyak lang na yun!!
Dumapa ako sa higaan ko at itinulog nalang ang kabwisetan ko sa lalaking 'yon
MAG-GA-GABI na ng magising ako. Agad akong bumaba at nakahinga nang maluwag ng hindi ko na maabutan ang mga ka-team ko sa bahay.
Pumunta ako ng kusina para uminom at naabutan ko si mama at papa na nagluluto ng hapunan.
"Yong kambal po nasaan?" tanong ko habang umiinom.
"Nasa kwarto nila, gumagawa ng projects.." sagot ni mama.
"Bakit sumama 'yong boss niyo dito?" takang tanong ni papa.
Napangiwi ako, "Baliw 'yon.." sagot ko.
Tinaasan ako ng kilay ni papa, "Bakit naman baliw 'yon?"
Bumuntong hininga ako, "Siya yung nanghipo sa'kin sa bar. Kaya maaga kami pinatawag kanina ng boss namin dahil sa new client namin which is siya, nagbayad siya ng milyon-milyon para kami ang maging bodyguard niya.."
"Siya rin ba ang dahilan kaya umuwi ka ng maaga?" tanong ni papa.
"Opo." sagot ko at ngumisi, "Pero nabawian ko naman, pa."
Nangunot ang noo ni papa, "Ano bang ginawa ng lalaking 'yon sayo?"
Umiling ako, "Okay na, Papa.. Nakita niyo ba mukha niya?" tanong ko.
Tumango si mama at papa, "Oo. Gwapo siya." sabay na saad ng magulang ko.
Bumagsak ang balikat ko, "Hindi po 'yon! 'Yong pasa niya sa mukha!" saad ko, "Ako may gawa no'n.." proud kong saad.
Kala ko matutuwa sina mama at papa pero baliktad 'yon sa reaksyon nila kagabi.
"Ahm.. Bakit mo pinasaan mukha niya, 'nak? Ang gwapo ng mukha niya.. sayang.." mama said.
"Hmm.. tama mama mo.. Akala ko kagabi panget, eh, pero no'ng nakita ko kanina? Kakisig na binata naman pala. 'Yong tipong hindi dapat ginagasgasan ang mukha." napailing si papa, "Naku, maghihintay ng isang linggo 'yon bago bumalik sa pagiging gwapo ang mukha no'n.."
Napanganga ako sa sinabi ng magulang ko. Are they even serious?! Anak nila ako— na nahipuan tapos..
"Dapat lang sa kanya 'yon! Hinipuan niya ako, e!" sabi ko.
"Dapat hindi sa mukha 'nak. Dapat binalibag mo nalang o kaya sinuntok ang ibang parte ng katawan niya— huwag mukha.." anang ni mama na nakakunot pa ang noo.
"Tama! O kaya tinuhuran mo." si papa naman.
Naiiling nalang akong umalis sa kusina at hinayaan mag-luto sina papa at mama do'n. Ewan ko sa kanila! Ako na nga minanyak pero sila pa nanghinayang sa mukha niyang may pasa!
Dahil wala naman akong magawa, pinuntahan ko nalang ang kambal kong kapatid na busy sa school works.
"Anong oras kayo umuwi?" tanong ko habang pabagsak na nahiga sa kama ni Carlo.
Pareho silang nasa study table nila na ako bumili dahil lagi kasi silang sa lapag or kama nagsusulat noon.
"Five, 'te.. tulog ka kasi kanina— Wait bakit pala ang aga mo palang umuwi? Sabi nila mama wala pa daw tanghali ay umuwi ka na." anang ni Carlo na nilingon pa ako.
"Tapos sabi rin ni papa ang gwapo daw ng bago niyong client." Carla said at binalingan ako at napangiwi ako nang makitang may kinang ang mata nito, "Baka naman may kapatid siya, Ate." aniya.
"Gwapo nga. Ang manyak naman.." sabi ko.
Nakita kong namilog ang pareho nilang mata dahil sa sinabi ko.
"Anong ginawa mo?" sabay nilang tanong.
"E 'di sinapak ko sa mukha." sagot ko.
"I'm sure gwapo pa rin siya.." anang ni Carla at muling binalik ang atensyon sa ginagawa.
"Good job, Ate. Dapat hindi ka ginganon!" saad naman ni Carlo na parang proud pa sa ginawa ko at nagthumbs-up pa.
Atleast.. may matino pa sa pamilya ko kahit papaano.
Nanatili lang ako sa kwarto nila habang sila ay ginagawa nila ang kanilang school works. Hanggang sa tinawag na kami para magdinner na.