INUGA KO ng bahagya ang balikat ni Mr. Zachary ng makarating na kami sa hotel. "Hmm.." ungot niya at nagulat ako nang yinakap niya ako at mas siniksik ang ulo sa leeg ko. "Nakanaman, Tin! Ang hingbing ng tulog ni Bossing sa piling mo, oh?" mapangasar na anas ni Bong na bumababa na sa Van. Nagtawanan sila nang makababa. Hinayaan kami doon sa loob! Mas nilaksan ko ang pag-uga sa balikat ni Mr. Zachary, "Mr. Zachary, nandito na ho tayo!" malakas kong sabi. Dahan-dahan nagmulat ng mata si Mr. Zachary. Nanlaki ang matang napalingon sa mga braso niyang hawak at sa mukha kong nakangiwi. "S-Sorry.." aniya nang humiwalay na siya sa 'kin. Wala akong sinabi at nauna nang lumabas ng Van. Naabutan ko ang mga tauhan ng hotel na nilalabas sa isang Van ang mga gamit namin. Napatingin naman ako sa

