Halos tatlong taon na ang nakalipas at dahan-dahan na bumalik ang katinuan ni Cel.Araw-araw na umiiyak si Jetro sa panahon na naghihinapis si Cel.Sobrang awa-awa siya dito kaya palihim sila nag-iyakan ni Sara matapos nilang patulogin si Cel.Dumating din sa punto na pinayohan sila ng Doktor na dalhin na 'to sa Mental Hospital pero hindi sila pumayag.Sinalungat nila ang kagustuhan ng Doktor.Pinagsabay n'ya ang pag-aalaga ng bukirin at Cel.
Kahit kailan hindi s'ya pinanghinaan ng loob.Kahit napapagod na ang binata hindi n'ya ito ininda.At sobrang masaya naman ang kan'yang Ate dahil sa laki ng pinagbago ng binata. Proud din kan'yang kapatid sa natamong niyang achievement sa buhay.Isa na s'yang ganap ng negosyante.Kilala na sila bilang supplier ng mga gulay prutas sa Maynila.Tumigil na rin 'to sa kakahanap sa pinsan n'ya,kahit kay Condrad wala silang balita.Parang bula 'tong naglaho.
"Jetro tama na iyan.Halika na dito.Kumain muna kayo."Tawag Cel kay Jetro at sa ibang kasamahan nito.Tumigil na 'to sa trabaho niya sa Maynila at nag-focus sa pagpapalago ng negosyo nila. Nagtyaga 'tong isa-isahin ang mga seller sa kabayanan upang sa kanila kumuha.
"Mukhang masarap iyan ah.."Saad ni Jetro habang nagpupunas ng pawis.
"Halika nga dito,at ako na magpupunas sa'yo."Masayang saad ni Cel.Tumayo 'to at lumapit kay Jetro.Habang pinupunasan nito ang binata.Ang mga tauhan naman at si Sara ay kinikilig sa dalawa.
"Oiii,Kuya at Ate.parang ma-u-una pa kaming maging tinik dito kay sa tilapia.Sobrang kinikilig 'to habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Halata nga nakinikilig ka Sara dahil parang mapuputol na ang kamay ko kakahampas mo."Saad ni Ruben na kababata ni Sara.
"Umayos nga kayo.Siyempre alang naman pabayaan ko si Jetro,tingnan mo nga ang bukirin.D'ba may malawak at masagana tayong taniman at produksiyon,dahil iyon sa kan'ya.May mga pagkain tayo sa hapagkainan,may mga pera tayong binibili ng ating mga damit at mga pangangailan sa paaralan ng inyong mga anak.May pambayad tayo sa Doktor sa tuwing nagkakasakit ang iyong mga anak at 'yon ay dahil kay Jetro."Nakangiting saad ni Cel.
"Na touch naman ako.Halika nga dito."Dahan-dahan na humarap si Jetro kay Cel.Hinawakan n'ya ang balikat nito at masayang hinagkan.Hindi ako naghahangad ng anumang kapalit.Masaya na ako nakabalik kana sa dating mong sigla.Masaya na ako dahil alam ko nasa tabi lang kita lagi."Maluha-maluhang saad ni Jetro at hinalikan nito sa noo ang dalaga.
"Whhoooo mabuhay ang bagong kasal.Kainan na,tapos sipsipan na ahh...Ahaha..ahaaa.."Sigaw ng mga mangbubukid.
"Manang Doray,may mga minor tayo dito."Nakangising saway ni Jetro.
"Hijo,ang dumi ng iniisip mo.Ang ibig kung sabihin umpisahan na natin ang pagsisip ng suso.Masarap ang ulam natin ginataan na s**o at may sawsawan na sili kaya sigurado mapaparami ang kain ko nito"Saad ni aling Doray
"Oo nga.Tapos may piniritong tilapia,tortang talong pa at nilagang okra."Nahihiyang saad ni Jetro habang pasimple nitong pinunasan ang pawis.Sobrang nahiya 'to kasi akala n'ya pareho sila ng iniisip ni aling Doray.
Isa-isa naman inabot ni Cel ang mga plastik sa mga kasamahan nila.Plastik ang gamit nilang upang kumain.Ginagawa nila bilang gloves.
"Maiba ako Hija.Kailan kayo magpapakasal ni Hijo.Binata naman s'ya at ang mga ganyan lalaki hindi na dapat pinapakawalan.Matagal-tagal narin kayong magkasama."Seryosong tanong ni aling Doray.
Nagkatinginan ang dalawa.Parehong namumula ang pisngi nila.Nang Aakmang bubuka ang bibig ni Cel upang sagutin ang tanong ni aling Doray.Pinisil ni Jetro ang kamay niya.Hindi naman tinuloy ni Cel magsalita at si Jetro ang sumagot.
"Aling Doray,hindi pa nga ako sinasagot ni Cel.At isa pa hindi ako nagmamadali.Gusto ko matapos n'ya muna ang pagiging Doktora niya.Ilang buwan nalang matatapos n'ya na 'to.Gusto ko kasi tuparin n'ya ang kahilingan ni Tita ng sa ganun kahit na kabilang buhay na 'to,gusto ko siyang sumaya.I love you Cel at handa ako mag-antay"Mahabang saad ng binata.
Hindi na pigilan ni Cel ang mga luha sa kan'yang mga mata.Sobrang saya niya.Never siyang binastos ni Jetro.Kahit noon na lagi s'yang nakatutula at halos hindi kumikilos,minsan si Jetro ang tumutulong kay Sara para bihisan siya.
"Thank you Jetro.Ikaw ang dahilan bakit ako bumalik sa dati.Thank you sa pagtitiis sa akin.Kung magmamahal man akong muli.Gusto ko ikaw na 'yon."Diretsong saad ni Cel.Lumiwanag naman ang mukha ng binata.Nagkaroon ng ningning sa mga mata nito.
Halos umabot na sa tainga ang mga ngiti ng bawat naka saksi sa pagtatapatan ng dalawa.Nagbalik naman sila sa kanilang ulirat ng tumunog ng sobrang lakas ang Cellphone ni Sara.
"Hello.....!Kuya si Ate Jera" saad ni Sara at inabot ang kanyang Cellphone sa binata.
Pagkatapos maka-usap si Jera.Masayang binalita ni Jetro ang sinabi ni Jera.
"Cel papunta na dito si Jera at kasama si Scarlette.Ang pamangkin ko.Pinaki-usapan daw kasi siya ni Ate na dito muna ang bata.May ubo daw 'to lagi.Gusto ni Ate dito muna baka sakaling gumaling 'to dahil alam mo naman sariwa ang gulay at hangin dito.Ayaw mo ba?"Nagtatakang saad ni Jetro.Medyo natigilan kasi 'to.
"Hindi naman sa ganun.Natatakot kasi ako baka ayaw n'ya sa akin."Nag-aalang saad ni Cel.
"Naiintindihan ko.Don't worry mabait na bata si Scarlette at kasing ganda mo rin s'ya."Nakangiting saad ni Jetro.Ayaw nila sabihin pa ang totoo kay Cel at baka bumalik ang sakit nito.Gusto lang muna paglapitin ang mag-ina at baka sakaling malimotan n'ya ang kan'yang nakaraan.
Halos tapos na silang lahat kumain.Nakaupo silang lahat sa malaking puno ng Nara.Ang iba ay naglatag ng banig na gawa sa bori.Ang iba naman ay masayang naglalaro ng binggo.May isang at kalahating oras kasi silang pahinga araw-araw.
Napasigaw ng malakas si Sara ng may huminto sa harapan nilang kulay 'tim na sport car.
"Kuya Ate,andito na si Ate Jera."Sigaw ni Sara.Masayang na sinalubong nila si Jera.
Nakangiting bumaba si Jera.Pagkatapos umikot 'to sa likod at binuksan ang pinto.Maligalig naman na bumaba si Scarlette.Pagkababa nito agad 'to pumalinga-linga sa palibot.Nakasuot 'to ng jumper suit na maong.Puting blouse ang panloob at puti rin ang sapatos.Samatala ang buhok nito ay nakataas ang pusod.
"Papa"Sigaw nito ng makita si Jetro.Agad 'to lumapit sa kinaroroonan n'ya.Samantala si Cel walang kurap 'to na nakatitig sa bata.
"Hello baby,how are you!"Paglalambing ng binata kay Scarlette.
"Masakit po ang nose ko.Tapos papa masakit din dito."Itinuro nito ang lalamunan.
"Don't worry baby aalagaan ka namin.Dito ka muna habang wala pa si Mommy Janice."saad ni Jetro.
Tumango naman ang bata at nagparkaga sa kan'ya."Papa,siya ba si Mama Cel?"Pa-cute na tanong ni Scarlette kay Jetro.
"Baby i-kiss mo si Mama Cel?"Saad ni Jera sa bata.
Ngumiti naman ng malapad si Scarlette kay Cel at nagparkaga .Hindi naman nagsasalita si Cel at niyakap lang 'to.
"Bestfriend okay ka lang?"Natatarantang sagot ni Cel.
"Don't worry,I'm okay.May naalala lang ako.Pero okay lang talaga ako."Naluluhang saad ni Cel.
Sabay naman napabuga ng hangin sina Jetro at Jera dahil sa kaba.Akala nila magwawala 'to.Ito ang kauna-unahan na nagkita sila ng bata sa loob ng tatlong taon.
Masayang nilalaro nilang lahat si Scarlette.Sa tuwing kukunin ni Jera o Jetero ang bata kay Cel ayaw nito sumama.Lagi 'to nagpaparkaga at malambing na hinahalikan s'ya ng bata.