Pagkatapos ng dalawang linggo na bakasyon ni Scarlette sa bahay nina ni Cel.Babalik na 'to sa Maynila,ngunit nahirapan sila dahil sa ayaw na humiwalay ng bata kay Cel.
"Bestfriend sumama kana sa Maynila.Andito naman sina Sara at Ruben para mamahala ng bukirin."Saad ni Jera.
"Tama nga si Jera.Bakit hindi kaya mag-enrol kana bilang Doktor?"Mungkahi naman ni Jetro.
Hindi na kumontra si Cel.Maraming taon ang nasayang..Bago sila umalis kinalkal niya muna ang mga gamit nila at lahat ng binigay ni Oscar,sinunog niya.
Tanghali na sila nakarating sa Maynila.Diretsong hinatid nila si Scarlette sa ate ni Jetro.Ipinikilala na din ni Jetro si Cel bilang nobya nito.They are officially mag-on.But not the same like before ng sila pa ni Oscar.Bumukaka agad s'ya ng walang alinlangan.Ngayon binigyan niya ng limitation,at naiintindihan naman ni Jetro.Iisang apartment lang din sila.Binili 'to ni Jetro ng panahon hindi pa magaling si Cel.
"Bestfriend aalis muna ako,may importante akong pupuntahan."Nagmamadaling nagpaalam si Jera sa dalawa.
"Sige,Thank you sa lahat...Makakabawi din ako sa'yo."Sabay halik sa matalik na kaibigan.
"f**k,hindi ko napuna may 30 na miss call na pala sa akin,"Saad ni Jera habang nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya.Sigurado Importante ang dalang balita ng Agent na inutusan niya para hanapin si Oscar.
Pagdating sa private restaurant.Agad binigay ni Jera ang kan'yang susi sa isang staff para ihanap 'to ng mapaparkingan.
"I'm sorry.Nagmamadali lang talaga ako."Nagbigay 'to ng 1sang libong tip sa staff at mabilis na pumasok sa loob.Excited na kasi s'ya malaman kung nasaan si Oscar at Condrad
"I'm sorry,I'm late.Ano ang nangyari sa lakad mo at bakit kailangan natin mag-usap ng personal?"saad ni Jera.
"Ma'am,nakakuha ako ng impormasyon na,inambush ang sinasakyan nina Condrad at Oscar habang papunta ng mission."Diretsong saad ng Agent.Kumuha si Jera ng Agent para lang ipahanap si Oscar.She wants to make Oscar pay for everything he did to her bestfriend.
Medyo natulala si Jera sa narinig na balita.Hindi 'to ang inaasahan niya."This legit information?where did you get this?"sunod-sunod natanong ni Jera sa Agent.
"Legit 'to atty.Mismong kapatid ni Condrad ang nagsabi sa akin.Sumama pa daw siya mismo ng may tumawag sa daddy niya tungkol sa nangyari sa kapatid,tatlong taon na ang nakalipas.."
"Then what happen to Oscar and Condrad?Where they are now?Si Oscar nasaan?"Saad ni Jera.Atat na 'tong puntahan si Oscar dahil marami s'yang isusumbat sa. binata tungkol sa panloloko nito sa kan'yang bestfriend..
"I'm sorry Atty. pero hanggang ngayon bigo parin silang mahanap ang ang dalawa.They hide the news from the public for the safety of the two. However, General Herrera continued to search for his child."Seryosong saad ng Agent.
Napabuga ng hangin si Jera.She thought makikita n'ya na si Oscar."Okay,Thank you sa impormasyon mo.I'm willing to pay,double or either triple oras na makita mo si Oscar.I hope soon, pagnagkita tayo ulit,dala mo na ang balita kung nasaan si Oscar."saad ni Jera sa Agent.
"Thank you Atty.Gagawin ko. ang lahat para makita na si Oscar.Aalis na ako ma'am and thank you sa lunch."Paalam ng Agent.
Laglag ang balikat ni Jera sa narinig.Excited na siyang makita si Oscar at masampal 'to,pero ngayon mas bumigat pa ang kan'yang nararamdaman."What if kung nasa comma o may amnesia 'to.Paano kung bumalik 'to balang araw kung saan masaya na ang dalawa.Paano kung pipiliin parin ni Cel si Oscar."kausap nito sa sarili habang nag-drive pauwi.Sari't saring emosyon ang naramdaman ni Jera,dahil sa nalaman n'ya.
Malapit na siya sa unit n'ya ng lumabas si Wilma, ang weird na kapitbahay niya."Huwag kang magpadaig sa galit mo.He's dying."Saad nito ng magtapat silang dalawa.
Kumunot ang noo Jera at dahan-dahan na hinarap si Wilma."What do you mean?"Inis n tanong ni Jera kay Wilma.Nginitian lang s'ya ni Wilma at tuloy-tuloy lumakad.
"Fuck....Nakakasuka talaga ang itsura ng babain 'to.Dagdag pa sa problema ko ang pangit na 'to."Asar na bulong ni Jera sa sarili
"3rd Person"
Isang babae ang naglalakad sa gitna ng kagubatan ng makarinig 'to ng hinagpis at alingaw-ngaw na sigaw ng isang lalaki.Hinanap n'ya ang boses ng lalaki na nagmamakaawa.Sinuyod ang buong paligid hanggang nakita niya ang isang b****a ng kuweba .Habang papalapit 'to sa Kuweba o malaking bato malapit sa malaking puno ng balete.Mas lalong lumakas ang boses ng lalaki.Nagmadali s'yang makalapit sa kuweba at doon n'ya nakita ang isang lalaki na pinapahirapan ng mga taong armado.Sobrang mahaba na ang buhok at balbas nito.Payat ang katawan at maputla ang balat.Walang alinlangan na nilapitan ng babae ang mga lalaki at pinaghahampas.Magaling makipaglaban ang babae kaya lahat napatay n'ya.Dali-dali niya inalalayan ang lalaki at dinala sa Tent niya kung saan s'ya namalagi ng halos isang linggo.
Nang pagkalabas sila ng Kuweba.Biglang umatras ang lalaki pabalik ng masikatan ng araw.
"S-sino ka at s-sino ako?Saan mo ako dadalhin?"Naguguluhan na tanong ng lalaki.
"Hindi mo na kailangan alamin kung sino ako.Ang importante natulungan kita.Ayaw mo ba na ilabas kita dito para malaman natin kung sino ka."Tumango naman ang lalaki at mahinahon na sumama sa Babae.Dinala niya 'to sa isang sekretong bahay.Nalaman niya din na may trauma at temporary amnesia ang binata.Binilhan n'ya din ang binata ng Wheelchair dahil bali ang buto nito sa may bandang hita.
Simula ng bumalik ang alaala ng lalaki
iniwan niya 'to kasama ang binayaran niya na private nurse para mag-alaga.
"Good evening Ma'am.Nasa room na po, si Sir."Saad ng Nurse.
"Thank you.May dala akong pagkain.Sabay na tayo kumain puntahan ko lang ang sir mo!"Saad ng babae.
Pagdating sa room ng lalaki dahan-dahan niya pinihit ang pinto.At nakita naman siya agad ng lalaki
"Andito kana pala.Ano ang balita?"Bungad na saad ng lalaki.
"Nakalapit na ako sa mga kaibigan niyo.At sa mahigit ilang taon ako nakadikit sa kanila, hindi ko natagpuan ang pinapahanap mo."Diretsong sagot ng babae.
"We need to find him.Pinaghiwalay kami ng mga armadong lalaki.Ang huli ko lang natandaan ay pinagbabaril ang gulong ng sasakyan namin,Pagkatapos pasuray-suray kami hanggang nabangga kami sa malaking puno.Naalala ko din bago ako tuluyan mawalan ng malay may boses babae akong narinig na kasama ng mga armadong lalaki.Pagising ko wala na akong maalala.Tiniis ko lahat ng pagbubog nila.Hindi ako tumakas dahil hinang-hina ako at ayaw ko umalis sa lugar na 'yon sa hindi ko malaman na dahilan.At ngayon alam ko na."Maluha-luhang saad ng lalaki.
"So ano ang plano mo?Sasabihin ko na ba?"
"Huwag..Hindi ko pa nakikita ang kaibigan ko.Useless na babalik ako,na hindi s'ya dala.Ayaw ko na sisihin nila ako.Ayaw ko makita ang mga pagtatangis at pighati nila."Saad ng lalaki.
"Kung ganun.Ihanda mo ang sarili mo dahil babalik tayo sa lugar na 'yon.Kailangan natin maunahan si Miss Jera.Palihim na itong kumikilos Pinapahanap n'ya kayo."
"We need to do something.Harangan natin ang imbestigation pareho sa ginawa natin kay Daddy.Hindi pa 'to ang tamang panahon para malaman nila ang katotohanan.Gusto ko ako mismo ang sisingil sa kanila.Alam ko din hawak nila ang kaibigan ko."Galit na galit na saad ng lalaki.
"So may alam ka na kung sino ang sa likod ng lahat na 'to?"Tumango ang lalaki.