
Hindi alam ni Melissa ang mararamdaman ng muli silang pinagtagpo ni Alexander Rodriguez. Ang tanging lalaking walang ibang ibinigay sa kanya kundi sakit ng nakaraan. Ayaw na niya sanang makita ulit ito subalit ang liit talaga ng mundong ginagalawan nila. Lalo pa't nagbunga ang kanilang pag-iibigan na tanging ala ala niya sa lalaking labis niyang minahal at sinamba noon. Hanggang kailan siya iiwas rito? Lalo pa't lagi nitong ipinagpipilitan ulit ang sarili sa kanya.
