~Pain and Virus~
Third Person's POV
Malakas na tunog ang sumalubong sa isang babaeng kapapasok palang ng tinatawag nilang Ring of Hell. Ito ang lugar kung saan nagdadaos ng laban ang mga gangsters. Isa din itong stage o arena kung saan sa oras na ikaw ang lalaban. Masakit sa tenga ang mga sigawan ng mga taong pumupusta kung sino ang mananalo.
Sa pagnanais na mapatahimik ang mga ingay na sa paligid, inihakbang nya ng mabigat ang kanyang paa na may takong na mataas na naging sanhi ng pagkakaroon ng tunog na sya ngang nagpatigil sa ingay na nagaganap.
Mga pares ng mga matang sa kanya lang nakatutok. Agad sya napangisi sa isipan nang makita ang reaksyon ng lahat ng taong naroroon. Gulat at takot ang nakasupil na emosyon sa mga mukha ng bawat isa.
Nagdire-diretso na lamang sya ng lakad hanggang maka-akyat sa hagdang papunta sa pangalawang palapag. Hindi naman ang pakikipaglaban sa Ring of Hell ang pakay nya rito, kundi ang mga taong nasa ikalawang palapag.
Bago pa man makarating sa talagang pakay nya, nakasalubong nya sa hagdan ang dalawang babaeng kilalang kilala nya, "Scar." Aniya.
"Pain! You're back!" May bakas na tuwa at pagkagulat ang boses ng babaeng tinawag nyang Scar. Agad din sya nitong dinamba ng yakap. Aminin nya man o hindi pero alam nyang na-miss nya ang babaeng nakayakap ngayon sa kanya.
At walang sagot-sagot na bumitaw sya sa yakap ng babae at agad na nagsimulang maglakad palayo. Ngunit bago pa man sya makalayo, sinulyapan nyang muli ang dalawang babaeng naging parte rin ng buhay nya.
Pumasok sya sa isang kwarto. Kwarto ito ng isa sa maka-pangyarihang gang sa buong mundo. Ang kwarto ng Dangerous Gang. Ang pangalawang maka-pangyarihang gang sa buong mundo. alam nya ang pinapasok nya at wala syang paki-alam kung gaano pa makapangyarihan ang gang guguluhin nya at iistorbohin.
"Stop bugging me." Malamig na aniya pagkabukas na pagkabukas nya palang ng pintuan. Kitang-kita nys rin ang pagsupil ng ngising kinaiinisan nya sa mga labi ng apat na taong nakaupo.
Hinarap sya ni Tiger--- ang pinuno ng grupo--- bago nakangising nagsalita, "Finally."
"Welcome back, Legendary Pain!" Nakangising dagdag pa nito sa kanya.
nagbuntong hininga sya at nagpatuloy, "stop bugging me." Pag-uulit nya. Una sa lahat, hindi sya pumarito para lang maghanap ng away. Ayaw nya ng gulo, pero sila ang naghahanap no'n sa kanya, alam nya yo'n at hindi nya na kailangan pang makipag-plastikan sa mga ito.
"'Di pa nga tayo nagsisimula, aalis ka na agad?" Maloko nitong sabi sya kanya na nahihimigan nya ng kayabangan ang boses ngunit ipinagsawalang bahala nya nalang ito at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Nang makalabas sya sa kwartong kinaroroonan ng Dangerous Gang, nadatnan nya ang dalawang babaeng nagaabang sa may pintuan. Si Scar at Wound. Alam nya ang gusto nilang sabihin o itanong ngunit patuloy lang syang nagmaang-maangan na tila'y walang alam sa anumang tanong at salita ang sasabihin ng dalawa sa kanya.
"Babalik ka na ba, Pain?" Tanong ni Wound Kay Pain. Hindi nga sya nagkamali ng hinuha, ayun at ayun ang unang tanong na lalabas sa mga bunganga ng isa sa mga ito. ScaPaWuo gang, ang gang na kinabibilangan nya noon. Kung saan sya ang tumayong leader ng mga ito.
"'Di ko alam. May sinadya lang ako. Mauna na ako." Pinilit nyang panatilihin ang malamig na boses nya sa harap ng dalawa kahit hindi sya gano'n. Ayaw nyang madamay pa ang mga ito sa kung ano mang gulong nangyayari.
Bago nya pa man malampasan ang dalawa, tinapik nya ang mga braso ng mga ito at tuluyan ng umalis.
NASA parking lot na sya at akmang pasakay na dapat ng kanyang Motor nang may biglang humila sa kanya papunta sa madilim na bahagi ng parking lot.
Kilalang kilala nya ang presensya na ito. Hindi sya pwedeng magkamali.
"Virus." Malamig nitong wika nang mapagtantong tama ang kanyang hinuha. Ano na naman ba ang kailangan nito sa kanya? Hindi ba ito nagsasawa sa kakakulit sa kanya? Sya, sawang sawa na.
"Mabuti at kilala mo pa ako, Pain or should I say---"
Hindi na nya hinayaan pang matapos nito ang sasabihin nito at agarang pinagpalit ang kanilang posisyon bago itinutok dito ang kanyang Kunai na may letrang 'P' sa dulo ng talim at hawakan nito.
"What do you want, Virus?" Malamig na tanong sya sa taong alam nyang nakakaramdam na rin ng takot dahil sa posisyon nila sa mga oras na ito. And, who wouldn't be sacred of her if she's one of a kind. Kakaiba sya at kinatatakutan sa mundo ng gangster.
"Babalaan lang kita," Umpisa nito kaya naman dahang-dahan nyang ibinaba ang kunai na nakatutok kay Virus at itinago ito. "Akala mo ba, titigilan ka na nila dahil lang sa banta mong iyon?" Nakangising nitong dagdag sa kanya na nananatili ang walang emosyong mukha.
"I am more powerful than them. I can beat them up." Parang wala lang na sabi nya na nagpalawak ng mga ngisi sa labi ni Virus.
"Nagkakamali ka," agad na napakunot ang noo nya. Dahil sa pagnanais niyang malaman kung ano ang tinutukoy nito, muli nyang inilabas ang kanyang kunai at muli ring itinutok sa leeg ne Virus. "Easy lang, Pain. Hindi mo kilala ang taong kinakapitan nila. Hindi mo alam kung sino sya. At walang nakakaalam kung sino sya. Tanging sya at sya lamang at wala ng iba."
"Hindi sya magiging ligtas kung patuloy mong haharangan ang iyong isipan. Buksan mo ang isip mo sa mga bagay bagay. Hindi mo alam ang susunod na mangyayari sa kanya. Wala kang alam. Walang wala." Kilala sya nito, may maskara man o wala. Alam nya, ramdam nya dahil alam nya kung ano ang tinutukoy nito.
Agad naglakad papalayo si Virus sa kanya at bago pa tuluyang makalayo, nilingon pa sya nito bago nagsalitang muli, "Kilala ka na nila pero di mo sila kilala. Hanggang sa muli nating pagkikita, Ma'am."
"Hindi pa huli ang lahat."
Virus' POV
Hahayaan kita sa ngayon, Pain. Hindi kita mamadaliin pero sana hindi pa huli ang lahat kapag nagbago ang isip mo. Alam kong kakayanin nya, kilala ko sya, matapang yo'n at kinatatakutan ng lahat pero may kahinaan din naman.
Lahat ng tao may kahinaan.
Napangisi nalang ako nang maalala ko ang ekspresyon nya kanina. Sya parin yo'n kahit iba sya sa ngayon, 'di parin sya nagbago. Malambot parin ang puso nya.
Napatigil naman ako sa paglakad papunta sa sasakyan ko nang maramdaman kong may nakatutok na baril sa akin. Hay! Di ba sila nagsasawang nagtutok nang magtutok sa akin?!
"What did you do to her?" Tanong ng isang boses at sa tingin ko ay lalaki ito. Wait! Kilala ko ang boses na ito. 'Di ako pwedeng magkamali. Sya itong lalaking nagtututok sa akin ng baril.
"Wala akong ginagawa sa kanya. Walang wala. And how can I hurt my queen?" Nakangisi kong sagot sa kanya. At dahil nagsasawa na akong tutukan ng kung ano mang mga bagay na 'yan, agad akong kumilos at inilabas ang kunai ko.
Itinutok ko rin ito sa kanya.
And now, we're even.
Kung kaya nya akong tutukan well kaya ko rin. I am not Virus for nothing.
"Matapang ka bata." Sabi nya at alam kong nakangisi sya kahit na natatakpan ng maskara ang parte ng kanya bibig.
"Maka-bata ka, kala mo ikaw di bata." Nakangisi ring sabi ko. Para mainis. At 'di naman ako nabigo dahil nakita kong gumuhit ang pagkainis sa kanyang mukha.
Mabilis syang gumalaw kaya pinantayan ko ang bilis nya.
Ang bilis nya sa pakikipaglaban ay hindi pangkaraniwan, kakaiba ang galaw nya. Magaling sya, ayun lang ang masasabi ko.
At dahil sa sobrang pagpo-focus ko sa pagpapabilis ng galaw ko para pantayan sya, natagpuan ko nalang na nahulog na pala ang maskara ko. No! This is can't be!
Napa-angat ang tingin ko at nakita ko sa sahig ang maskara nya. Naalis ko rin ang maskara nya. Tiningnan ko kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon at labis labis nalang ang paglaki ng mata ko nang tumama ang hinala ko kanina.
No way!