~Handsome stranger—reunion~
Elizabeth's POV
I'm currently here inside of my car... Maya maya lamang ay magsisismula na ang pool party for our high school reunion. I feel excited yet nervous...
I don't know why? But I feel that something unexpected will happen.
I'm already here at the venue but I'm still here inside of my car. Wanna know why?.... Well, I'm still waiting for someone.
Nang makita ko na siyang pumasok sa venue, bumaba na ako ng sasakyan ko then walk towards the venue. Inabot ko muna yung invitation ko bago ako nakapasok sa loob.
He's here already....
I saw him talking to someone. Nilapitan ko sya then I tap his shoulder to get his attention. "Oh. Elizabeth! It's nice seeing you again... Well, it's been 9 long years," nakangiting bati nya sa akin. I just smiled back. Ayoko namang mag-mukhang rude sa harap nya 'no.
"Yeah... It's also nice seeing you here. Kala ko hindi ka na magpapakita dito at kakalimutan na kami e," biro ko sa kanya bago tumawa ng bahagya. Nakita ko naman ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang mga labi.
"You never fail to make me smile, Elizabeth. And, of course not, bakit ko naman kakalimutan ang napaka-gandang mukha na yan?" Sabi nya habang nakangiti patin. Bolero!
"Ewan ko sayong bolero ka!" Sabi ko bago sya hinampas sa braso.
"I'm not. I'm just telling you the truth. And... You look so sexy in that fitted off shoulder dress of yours." bola na naman nya habang nakangiti na naman ng malapad animo'y naghuhugis puso ang mga mata nya. "Saka, magkakagusto ba ako sayo kung hindi ka maganda?" Dagdag nya na syang nagpamula ng mga pisnge ko.
"E—" naputol ang sasabihin ko nang may magsalita. Yung MC ata ng party yun.
"Good evening everyone! It's nice seeing you again, guys. Salamat at lahat tayo nakarating. And let's welcome our president back then in high school... Risaly Roneyo for her opening speech. Let's give her a big applause!" Sabi ni Erica Matampales na nagsisilbing MC. Sya ang Student Council Secretary noong high school palang kami.
"Good evening everyone! Before starting my speech. Please give our selves big applause!" I just rolled my eyes with that. TSS,
"Everyone, thank you so much for accepting my invitation. And of course, Miss Yoo-Lah Kim. Thank you for organizing this event. You made everything perfect. And also, to our school owner that is also here, I guess. Thank you for letting us hold this event here. Nagkahiwa-hiwalay man tayo but look, now, magkakasama na ulit tayo. Dumaan ang collage, karamihan ay nagkahiwa-hiwalay pero ang iba ay stick to each other na magkaklase parin. Ngayong gabi... Nawa'y tayong lahat ay magsaya. I-enjoy lang natin ang lahat. Ang mga problema... Kung meron. Iwanan na muna sa labas. Haha, kidding. But I want all of you to forget your problems, kahit na ngayong gabi lang. We are not here to solve any of those... Maliban nalang kung makikipagbati kayo, right? We are here to be merry not to be sad nor mad. Again, everyone. Enjoy!" Napa-ismid ako matapos ang so-called speech nya. I really hate her... I don't know why.
Napansin kong nakatitig si Risaly sa akin kaya I stare at her too. Kala nya, papadaig ako sa kanya? No way! Kahit hindi sya nakikipag-kumpetensya but the way she stares at me. It looks like, she wants to kick me out of here. She hates me... Well, the feeling is not mutual... I hate her more than she hates me. By the way... Remind me to roll my eyes later. And also, remind me to mentally kill her.
"Elizabeth!" Nabaling ang atensyon ko sa boses na tumawag sa akin na kilalang kilala ko.
"Whinneth!" Sinalubong ko sya at niyakap. Na-miss ko rin ang babaeng ito.
"Na-miss kita"
"Na-miss din kita"
"Tara! Bihis na tayo, dali!" sabi nya bago ako hinila papunta sa room ko. Nasa Villa Flargo Resort nga pala kami. Resort nung may-ari ng school na pinasukan namin.
"What? Agad agad? Ang aga pa," reklamo ko. Ang aga pa kaya. It just 6:00 in the afternoon or should I say evening.
"Hayaan mo na. Para mamaya lulusong nalang tayo," excited na excited na sabi nya. Daig pa ako eh. She's still dragging me as hell.
Nang marating namin ang kwarto ko. We changed our clothes. And I'm already wearing a black bikini. While Whinneth. She's wearing a red one. Hindi ko pa nakikita si Rahlyn simula pa kanina. And I'm sure, she's with some guys. Her flings.
Lumabas na kami. Nakita namin na karamihan rin sa kanila ay nagpalit na ng kanya kanyang susuotin sa pool party. I can feel their stare with their admiring look. Specially boys.
Pero may nararamdaman akong isang pares ng mga mata ang nakatitig sa akin mula sa malayo. The question is... Who's that? Kakaiba ang uri ng pagtitig nya. Yung parang may pagkainis at disgusto. And that stare makes my heart beat so fast.
"You okay?"
"Yeah, let's go." I said as I smiled widely at her. Naglakad na kami papunta sa kainan then get our foods. After eating, nagpunta na kami sa pool saka lumusong sa tubig.
Ghad! Ang lamig ng tubig!
"Ang lamig!"
"Whinneth. CR lang ako," paalam ko bago umahon sa tubig. Nakita ko ang titig ng mga lalaking manyak sa akin. Pero ang masasabi ko lang... Tumutulo na ang laway nila.
"Ang sexy ni Elizabeth."
"I know, dude."
"Kung pwede lang yan ligawan e."
"Baka may asawa na yan, p're."
"We have to take a risk, pre. Teka lalapitan ko, itatanong ko."
"Good luck."
Rinig kong usapan ng mga lalaki sa may sulok. Nakita ko naman na ang isa sa kanila ay papalapit sa akin. Pero hindi ko nalang pinansin bagkus I just continue walking. Wala akong pake sa kanilang lahat.
"Elizabeth." I stop as I heard someone called my name. I guess he's one of the guys talking about me a while ago.
"Still remember me?" Tanong nya kaya napakunot ang noo ko. He's familiar but I can't recognize him. Hindi naman sya ganong kaimportante para tandaan ko pa no.
"I think the answer is no." Sabi nya kaya nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Yeah, right. I can't remember him. "I'm Darryl," dagdag nya and that makes my eyes widened.
"Oh! Darryl Tirinaki, right?" I remember he's my classmate back then. Sya yung bully na lalaki sa class namin.
"I'm glad that you remember," nakangiti nyang sabi. I must say na lalo syang gumwapo. Pero hindi ko sya type. He's Playboy and I hate it.
"Yeah. And, may I excuse myself?" Hindi pa sya nakakasagot pero umalis na agad ako. I don't know pero I have bad feelings on that guy.
"Wala ka pala, p're!" Dinig ko pang sabi ng isa sa kasama nya pero di ko nalang pinansin at nagdire-diretso nalang ng lakad papunta sa banyo. Puputok na ang pantog ko.
Pagkatapos ko umihi naglakad lakad muna ako hanggang sa mapadpad ako sa medyo madilim na lugar. Ang creepy dito sa part na ito. I can also feel someone's staring at me.
At nang haharap na ako ganon nalang ang pagkagulat ko nang may humapit sa akin. Lalaki ito, I'm sure of that. I can also smell his perfume. Lalo nya pa akong hinapit kaya tumama ang mukha ko sa matigas nyang dibdib. I think hanggang baba nya lang ako because I can feel his chin on my head.
"Who are you?" I asked as I tried to push him away. I supposed to push him again pero nabato ako sa kinatatayuan ko when I felt his lips landed on my forehead. I can feel my heart beating so fast.
"Your future husband, amour." Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko after hearing those words. I smell something unusual. Then, later on, my vision becomes black.
Someone's POV
You're mine, my love. And now, it's for you to face your punishment.
Farrahlyn's POV
My ghad! Nasaan na ba si Elizabeth? Sabi nya iihi lang daw sya pero hindi na bumalik. Ano ba yan! Ang dami pa namang fafas. Di tuloy ako nakasungkit.
Habang naglalakad ako para hanapin ang bruha, naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. I tried calling her pero hindi nya sinasagot.
Elizabeth my friend mailed you... Basa ko sa notification ko.
Farra... I'm on my way to Cebu. Emergency meeting. I'm sorry... Please keep an eye on my son.
Agad akong napasimangot dahil sa nabasa ko. Sinayang ko ang oras ko na dapat ay may boylet na ako!
Seriously, Elizabeth?!
Elizabeth's POV
Naalipungatan ako nang may naramdaman akong nakatitig sa akin. Ramdam ko rin ang lamig. I'm supposed to jump out of bed when I heard a very cold yet scary voice that made me stunned.
"Where do you think you're going, Love?" Ramdam ko ang pagtalon ng puso ko sa loob ng dibdib ko. It's beating so freaking fast!
I composed myself first before speaking. "Who are you?"
"Your future husband, love." Pagkasabi nya non, rinig ko ang yabag ng mga paa nya senyales na papalapit sya sa pwesto ko.
Gosh! I can feel his intimidating presence!
I can't take it anymore! Lumingon ako sa pinanggalingan ng mga yabag. Lubos ang panlalaki ng mata ko nang makita kong sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko dahilan upang makita ko ang kanyang mukha.
My jaw dropped. Literally. Seeing his handsome face makes me stunned. Greek god ba to? He's staring at me for Pete's sake! Those pair of blue-green eyes makes me remind of someone.
"Aww~ you're so cute in that expression, my love. And that expression turned me on and makes me wanted to kiss you. May I?" I felt my face heated up. Gosh! I just looked down to avoid his teasing eyes. Hindi naman kita kilala pero bakit ganito nalang ang epekto mo saking lalaki ka?
"You're blushing, my love." Gustong gusto na kita ibalibag! You're giving me these unexplainable feelings!
"Stop calling me that! And, where am I?" Pagiiba ko ng usapan. I hate this feeling. This feeling is unusual. Ramdam ko ang kung anong gumagalaw sa tyan ko. Ghad! May bulate ata ako, kailangan kong magpa-check up.
"Stop calling you what?" Nakangisi nyang tanong. Maang maangan pa sya! Ramdam ko na naman ang pagwawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko.
"Stop calling me... My love!... Love! Stop calling me that!" Agad kong sagot habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya. Nakakatakot ang aura nya pati na rin ang mga titig nya. Pero I need to be strong, dahil baka magyabang sya kapag natakot ako sa kanya. He's nothing but a handsome stranger!
"Why?" Nagbago ang tono ng pananalita nya. Yung parang galit at naiinis na ewan. I can feel that my body is shaking. The way he stare at me... Parang gusto nya na akong lamunin. I gulped in that thought.
"Because..." Di ko masabi sabi ang sasabihin ko dahil papalapit nang papalapit ang mukha nya sa mukha ko. I think, one inch nalang magdidikit na ang mga labi namin. "Because?" Tanong nya habang papalapit na naman kaya umatras ako nang umatras.
Because it's making my heart beat so freaking fast!
Atras lang ako nang atras then boom! Tumama na ang likod ko sa head board ng kama. "Because..." Napatitig ako sa mata nyang nakatitig sakin with unreadable emotion.
His teasing blue-green eyes giving me these unexplainable feelings. His long eyelashes. His thick brows. His pointed nose. And... His... His... Reddish lips. I gulped many times while staring at his lips. It's tempting me! I don't know but there is something in my mind and body telling me to kiss his lips. So I did.