~Elizabeth Myla Radford~
Elizabeth's POV
"This meeting is adjourned. Maybe we can continue this next time so you have time to think about your presentation, thank you. All, dismiss!" I said as I stand and walk towards the door. Meeting palang, nakakapagod na.
Hay! This is tiring day, When I finally reached my office, agad akong sumalampak sa swivel chair. My ghad! I'm really tired as hell.
I heard a knock.
"Come in." after I said those words I saw my secretary opened the door and entered. Ano na naman ba ang kailangan nya? I'm tired and I just wanted to rest and sleep the whole day. Bawal ba yon? Hustisya?!
Masyado akong pinapagod ng trabaho ko! Being CEO is not a joke. Yes, mayaman ka o yayaman ka pero it's not means na ganoon lang kadali. Na to the point na uupo ka nalang and relax, then boom! Kikita ka na agad, it's not like that.
"What do you need?" Tanong ko sa kanya.
"Ahhm, may tawag po kayo Miss CEO." napataas naman ang kilay ko sa narinig ko. Kanino naman kaya galing yan? Is that from my suitors? inabot nya na yung telepono kaya kinuha ko nalang at tinapat na sa tenga ko. I don't have any choice but to take this freaking call.
"What?" Ganda ng pabungad ko, 'no? well, I'm not in my mood. I badly wanted to sleep.
"Wahhh bes! Mall tayo mamaya?" It's Farra, my friend. Kasasabi ko lang na gusto kong magpahinga diba?
"I'm tired, I'm resting." Sagot ko habang binabasa ang mga report ng iba't ibang department.
"Ano? Ganyan ka na ha, naging pangalawa ka lang sa pinakamayaman wala ka ng time samin." May halong tampong sabi nya kaya, napatigil ako sa pagbabasa nang magdrama ang kaibigan ko. Tsk! she never change, madrama parin.
"Tss, daming alam." I tssed then continued reading, that's what I'm doing a while ago. "Dali na minsan lang to e." pamimilit nya sa kabilang linya. Di ba ko titigilan nito?
"Fine, what time?" pagsuko ko dahil alam ko namang di nya ako titigilan hangga't di ako pumapayag ehh. That's her. "Yehey! Mamayang 1:00 pm." Masayang sigaw nya,
"Ok, saan ang tagpuan?" Tanong ko habang patuloy parin sa pagbabasa ng proposals and reports.Kailangan sya para sa mga invesment ng ibang kumpanya sa kumpanya ko.
"Sa DQ." sagot nya. DQ? Not bad.
"Ok bye." Paalam ko. I still need to finish this before 1 PM. Para sure na makapunta ako. "Bye love you." Sweet nyang sabi. I bet nakangiti sya ng malapad ngayon. Kahit makulit sweet parin sya. Ganyan na naman sya, dati pa. Nothing's change.
"Love you too." Tugon ko, baka magtampo pa, mahirap na. She's the type of girl na kapag nagtampo, di ka talaga iimikan. Literally. Kailangan mo pang maghintay ng isang buwan bago ka nya imikan. Kahit, magmukha ka ng tanga dahil sa kakasalita ng walang sumasagot, wala syang paki, basta ang kanya, nagtatampo sya.
Pagkapatay ko ng tawag, inabot ko na sa secretary ko yung telepono kaya naman nagsimula na syang maglakad papunta sa pinto.
11:30 na ng tanghali nang tignan ko yung relo ko, so may oras pa ako. Mas mabuting kumain nalang muna ako parra di ako gutom mamaya.
Tumayo ako at kinuha yung bag ko saka umalis ng office ko.
"Good morning ma'am."
"Good morning, miss CEO."
"Magandang umaga ma'am."
"Have a good morning ma'am."
"Good day ma'am."
Bati ng mga nakakasalubong kong employee kaya naman tanging tango at ngiti lamang ang sinusukli ko. Kahit naman ako ang pinakamataas dito sa kumpanya, tinuturing ko parin ang empleyado as a friend of mine dahil di naman ako mapagmataas tulad ng iba. Porket sila ang pinakamataas, ginagamit nila ang posisyon nila para mangapi ng ibang tao. Ang bait ko ba? Matagal na po.
"Did your department already taken their lunch?" Tanong ko sa babaeng nakasabay ko sa paglalakad papunta sa elevator. May concern ako sa kanila dahil ayokong ako ang magmukhang masama sa kanila. Saka, It's my duty to keep my employees safe.
"Yes, ma'am." sagot nya kaya napatango nalang ako. Nang marating namin ang elevator, hindi dapat sya sasabay pero sabi ko sumabay na sya. Di naman ako maarte. so it's okay.
Tanging ako at ang babae lang ang nasa elevator ng biglang tumigil sa flor na maraming naghihintay na employee. Sasakay na dapat sila pero ng makita nila ako bumati sila, "Good morning ma'am." At nagstep backward. Magsasara na dapat ang pinto ng elevator ng pigilan ko ito. Ang luwag pa kaya.
"No, sabay na kayo." Sabi ko at binigyan sila ng matamis na ngiti na nagpapahiwatig na ayos lang na sumabay sila kaya yung iba ay sumakay yung iba naman naiwan dahil puno na. Baka magmukha kaming sardinas rito 'pag nagkataon.
Pagkatunog ng elevator pinauna ko munang bumaba yung mga employee bago ako.
Panay good morning ang naririnig ko sa mga employee na nakakasalubong ko hanggang sa paglabas ko ng pinto binati din ako mg guard na nagbabantay sa parking lot ng company, ngiti at tango naman ang sagot ko sa pagbati nila.
Pumunta na ako sa kotse ko at sumakay na ako. Pinaandar ko ito papunta sa pinakamalapit na mamahaling restaurant. Parang mas gusto ko pa ngang kumain sa Jollibee e.
"Good morning ma'am." Bati ng guard pagpasok ko ng restaurant. "Good morning, too." Bati ko pabalik sa kanya. Naghanap na ako ng mauupuan ko. Nang makahanap na ako, umupo na ako. Alangan namang magremain standing lang ako edi nagmukha akong tanga.
"Ma'am, can I get your order, please?" Tanong ng waitress, binigay ko na yung order ko at umalis na sya.
Minutes later, dumating na yung order ko.
"This is your order ma'am, enjoy your meal." Sabi ng nagserve na nginitian ko lang.
Habang kumakain ako napatingin ako sa mga batang gumagala sa labas kaya naisipan kong magtake out nalang para ibigay sa kanila. Nakakaawa sila, kung may time lang ako at malaki ang kotseng dala ko baka nadala ko na sila sa Orphanage kaso kulang na ako sa oras e. I'm too busy.
Lumabas na ako ng restaurant pagkatapos ko kumain at naglakad ng konti para mapuntahan ko na yung mga bata.
"Hey!" Tawag pansin ko at 'di nga ako nabigo dahil lumingon sila sa akin. "Ano po iyon?" Tanong ng isang batang babae. Medyo slang pa ang pagkakabigkas nya pero, malinaw kong naintindihan. She's cute. I bet she's around 3 or 4 years old.
"Ito oh," Then, inabot ko sa kanila yung itinake out ko. "Sana makatulong, bigyan nyo din ang mga magulang nyo." Sabi ko sa kanila tapos nakita ko na yung batang babae ay umiyak, wala naman akong ginagawa ahh? Bakit umiyak 'tong batang to?
"Ate maraming salamat po ha, napakalaking tulong na po ito." Sabi nya habang tumutulo yung luha kaya binigay ko na sa kanya yung panyo ko. "Ano ba kayo, maliit na tulong lang yan." Ani ko. Babalik ako dito, if I have more time then, I'll help them.
"Oh sige, pagsaluhan nyo iyan, marami yan. Oh, paano ba yan? Kailangan ko ng umalis." Paalam ko sa kanila at muli silang nagpasalamat sa akin na nginitian ko lang. Ang cute talaga nung isang bata. Yung sumagot sa akin kanina.
Pagkabalik ko ng company ko pumunta na ulit ako sa office ko at naupo nang muli sa swivel chair ko.
Habang nakaupo ako, narinig kong may kumatok sa pinto, "Come in." Sagot ko. It's my secretary, for sure.
"Ma'am may natanggap po akong envelope galing sa guard, para daw po sa iyo." Napakunot ang noo ko dahil sa pahayag ng secretary ko. Wala naman akong pinapadala, imposibleng bagong investor ito ehh sobra nga ang investor ko ehh. Kanino galing to? Ano to?
"Kanino galing?" Tanong ko habang tinatanggap ang envelope na inaabot ng secretary ko.
"Di daw po nakita ng guard, dahil nakamask po sya." Sabi nya, nakamask? Bakit nakamask? Sino yun? I must say, it's creepy. Dapat na ba akong mag-hire ng investigator?
"Ok, you may go out." Utos ko na syang agad na sinunod.
'My love, we will meet soon. Wait for that time. But i can't wait to see you again...'
~
Secret... but your future husband~
Ayan yung nakasulat sa letter na nasa loob ng envelope tapos ang laki ng pagkakasulat, pero talagang mapakaganda ng pagkaka-design. Sino naman kaya ang nagpadala nito? Baka naman namali lang ng bigay no? Future husband pang nalalaman! Ipakasal ko sya sa envelope na 'to e.
Kinapa ko pa yung envelope kase baka may laman pa tapos may nakapa ng ako, kinuha ko tapos nakita ko ay mga stolen shots ko. Meron ding picture ko kanina lang habang medyo naka-lean ako sa mga batang tinulungan ko kanina, meron ding kasama ko ang mga kaibigan ko at iba pa. Ang creepy ha