CHAPTER 02

815 Words
Eto na yung araw na hinihintay ko. Sinunod ko yung mga payo nila Nicole sakin at pumuslit sa Bar ni Uncle. Rinig na rinig ko ang tawanan at kwentuhan nila sa Loob. Nandoon na nga talaga sila Kim Yoona, pamangkin ni Uncle. "Magkakatuluyan kayo niyan! Haha!" "Para kayong aso't puso!" "Ehem! Asawa ko na kaya siya! " Tawanan nilang lahat habang nag lolokohan. Puro sila artista pero bakit wala si Dong Gu? Kaya mas nilinawan ko pa ang mata ko at sumilip silip. Wala siya talaga. Mukhang hindi pa ngayon ang araw na tinadhana. Hay... Napatingin naman ako doon sa kasama nilang dalawang babae. Hindi nag kakalayo ng edad kay Uncle. Pero ang gaganda parin nila. Artista din ba sila? Napahanga tuloy ako. "Cloe! Ayan kana pala!" Tawag sakin ni Cris, drummer namin. Napabalikwas tuloy ako habang humahawak sa pader. "Auntie, Eto po yung sinasabi namin sainyo." Turo niya pa sakin habang naka mostra ko sakanya na wag siyang maingay. Nanlaki tuloy ang mga mata ko ng mag tinginan silang lahat sakin. Tumigil silang lahat sa tawanan at napunta sakin ang attensiyon.  Nakakahiya tuloy. Feeling ko gusto ko ng mag palamon sa lupa. Ang gusto ko lang naman ay makita sa Choi Dong Gu ko. Kaasar 'tong Cris na'to. Patay talaga siya sakin mamaya. "Hello Iha." Bati sakin nung isang matandang babae. Yung tinawag nilang Auntie. Nahiya ako at tumayo ng diretsiyo habang nag babow. "Hello din po." Nahihiyang sabi ko habang nakangiti. "Ikaw pala yung sinasabi nila samin na sobrang obsess kay Dong Gu?!" Sigaw ni Min Hyuk, isa sa kabarkada ni Yoona. Hindi ko tuloy mapigilang napakagat labi sa hiya. Pano nila nalaman?! Agad akong napatingin kay Cris na nakangisi sakin. 'Ikaw?' Sama ko ng tingin sakanya habang nag titimpi. "Haha. Pano niyo po nalaman?" Kunyaring ngiti ko pa habang di mapakali. "Cloe! Ibinida nga namin!" Sabat pa ni Cris at talagang proud pa siya. Kaya naman muli akong bumaling sakanya at pasimpleng 'Patay ka sakin mamaya.' Napangiwi naman siya at mabilis na lumayo sakin. "Ano ka ba? Ok lang 'yon samin. Nga pala alam mo ba nag hahanap ako ng mapapangasawa niya. Baka gusto mo?" Ngiting anghel sakin nung babae. Kaya naman nagulat ako at lalong bumilis ang t***k ng puso. Bakit kaano ano niya si Dong Gu ko? "Po?" Ilang kong ngiti sakanya. "Ok ka lang ba na mag panggap na asawa ng anak ko?" Malambing niya pang tayo habang lumalapit sakin. Anak?! "Po?" "Uy! Paulit ulit lang? Unli ka brad?" Tawa pa nila Mimi habang tinatapik ako mula sa likuran. Ako? Asawa ni Dong Gu ko? Walang dahilan para umayaw ako diba? "Miss? Pwede ka ba?" Ngiti sakin nung babae. "Ako po asawa niya?" Paninigurado ko pa. Baka kasi nananaginip lang ako diba? "Siya dahilan ng pag punta mo dito diba?" Dagdag niya pa. "Mahal mo daw siya?"  "It's your chance girl!" "But goodluck din sayo!" "Kung gusto mo pa mabuhay! Wag mong pakinggan yang mga yan!" "Sira ulo ka talaga Hyong Hwa!" "Totoo naman!" "May tiwala kami sayo kaya mo 'yon! Mag pa-panggap kalang naman!" Tuloy tuloy na sabi ng mga tao sa paligid ko. Tuloy napa tango nalang ako.'TULOY?! tuloy ba yung nasabi ko? hahaha Hindi ah! Talagang gustong gusto ko! Pano naman ako? Asawa ni Dong Gu! Para kong nasa magandang panaginip. Ayoko na yatang gumising kung bangungot man 'to. "Totoo Iha?" Tuwang tuwa pa niyang sabi. "Opo." Mabilis na tango ko pa habang kinikilig. Kinuha nung babae yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Kumikinang ang mga mata niya habang ngiting ngiti na nakatitig sakin. "Salamat talaga ha! Nga pala ako nga pala Mama niya" "P-po?" Gulat na gulat kong tanong habang nakahawak padin siya ng kamay sakin. "Oo, nakakatuwa ka naman pala." Ngiti niya pa sakin. Habang ako? Nakatulala lang at parang nanigas ang katawan ko sa gulat. Nahawakan ng Mama ni Dong Gu ko ang kamay ko.  "Nga pala sana pag tiisan mo yung anak ko ha?" Dagdag niya pa. "Ma'am kung si Dong Gu lang po! Always at your service po!" Mabilis kong sagot sakanya habang humaharap sakanilang lahat. Confident. "Sabi ko po sainyo eh. Tatangapin niya agad agad!" Nakangising sabi ni Cris. "Syempre si Dong Gu RAW niya 'yon eh!" Dagdag pa ni Mimi habang kinikilig. Kahit na ganun. Napangiti nalang ako habang di maitago ang tuwa na nararamdaman ko. Napaka supportive talaga nilang lahat. Ok. Cloe! This is your chance. Kahit pekeng asawa lang atleast diba? Prinsipe mo padin 'yon. "Nga pala Iha bukas sasama namin si Dong Gu dito. Ipapakilala kita." "Opo, nandito na po ako kahit mag hapon pa po akong mag hintay!" Full energy kong sabi. Grabe na'to talaga. Mas lalo pa tuloy akong naexcite! Kung pwede lang ilipat ang araw agad. "Gusto niya talaga si Dong Gu noh?" "Ingat ka nalang ha? Dami ng nag tangkang maging asawa niya kaso...." "Kaso ano kasi..." Napatigil ako sa sinabi ni Hyong Hwa habang nakatitig sakin at nakangiti. Anong kaso? Ang bait kaya ng baby ko. Isa pa kaya ko siya naging Idol kasi sa lahat ng lalaking nakilala ko. Feeling ko siya ang pinaka gentleman, mabait, masipag, matalin at ok! Hindi ko na iisa isahin kasi baka agawan niyo pa ko. CHOI DONG GU! Hintayin mo lang ako nanjan nako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD