CHAPTER 03

1042 Words
AUNTIE' S POV Nag papasalamat ako at may isa nanamang babae na tumanggap ng hamon. Sana naman at siya na ang huling babae. Sana siya na talaga ang mag patino sakanya. Mula kasi ng iwang siya ng girlfriend niya dahil sa isang kasinungalingan three years ago. Hindi na siya makausap ng maayos at lagi nalang siyang nag sisimula ng g**o. Hindi na rin siya umuuwi ng bahay at lagi lang nag iisa sa condo niya. Ang gusto ko lang naman ay makahanap ng babaeng kayang pumalit sa puso niya. Na sana sa hinaba haba ng panahon. Makalimutan niya na si Andrea katulad ng pag limot nito sakanya. Gusto kong mag karoon siya ulit ng bagong buhay. Dahil bilang Mama niya. Napakasakit na makitang nag kakaganyan ang anak mo. Mabilis akong pumunta sa condo niya dahil sa narinig ko nanamang balita. Nakipag basag ulo nanaman siya. Sa dinami dami ng nireto ko sakanya para maging asawa. Wala padin. Yung iba nga pang supermodel pa ang datingan pero lagi niyang pinag tritripan at tinatakot. Mapapa 'Hay...' nalang talaga ako dahil sa pilyo niya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya pumasok nalang ako sa loob. Nagulat ako sa nakita ko. Puro dugo nanaman ang damit niya at lasing na lasing. Nakahiga lang at walang malay.  "Anak!" Mabilis kong lapit sakanya. "Anak! Anong nangyari sayo?" Maiyak iyak ko pang hawak sa mukha niya. Nag iisa ko siyang anak tapos ganito pa. "Oh? Ma ayan ka pala." Dilat niya habang ngumingisi. "Papatayin mo ba talaga ko sa pag aalala?!" Asar kong pagalit sakanya. "Ma sorry......*huk* sorry talaga*huk*...." Nang hihina niyang sagot habang umiiyak. Lagi nalang siyang umiiyak pag lasing. Impakta kasing babae 'yon. Ano bang mayron sakanya at hindi siya malimutan ng anak ko? Inalalayan ko nalang siya habang pinapalitan ng malinis na damit. Umangal naman siya ng gamutin ko yung mga sugat sa mukha niya. Ang anak ko...naaawa nako sa lagay niya. Nag paalam ako kay Romeo na dito na muna ko matulog. Kasama ng anak namin di niya naman tinatakwil si Dong Gu. Mabait yang asawa ko iniintindi niya ang mga nangyayari bago siya magalit ng lubos lubos. DONG GU POV "Bakit buhay pa ko?" Asar kong mulat ng mata ko habang tumatayo. Ano bang nangyari? FLASHBACK "Tulong! tulong!" Rinig ko sa di kalayuan. Hindi na sana ako makikigulo kaso hindi ko alam sa sarili ko. Hindi naman ako bayani para tumulong. "Wag po maawa po kayo!" Hagulgol pang sigaw ng babae. Kaya napapikit nalang ako habang di mapigilang tumakbo sa direction nila. Nakita ko yung apat na lalaki habang sinasaktan yung babae at may kasama pa itong bata. Mukha silang mag ina at iyak na ito ng iyak. "Wag po. Please..maawa napo kayo...yung anak ko po....." Takot niyang sabi. Nakita ko naman ang pag suntok niya sa babae at sa harapan pa ng anak nito. Hindi na talaga ako nakapag timpi at nag dilim na ang paningin ko sa asar. "Bitiwan mo ng yung bata!" Sigaw ko habang nakayukom ang mga kamao. Nag tawanan lang silang apat habang bumabaling ng tingin sakin. "Ikaw? Hahaha Ikaw ba yung sumigaw?!" Tawa pa nung isa. Nag matigas lang ako at tinignan siya ng masama. "Excuse me. Pero di kami makikipag laro ngayon. Nakikita mo naman busy pa kami dito." At nag tawanan pa sila. "Tigilan niyo sila." Madiin kong salita habang pinapaalis ang mag ina. Tumakbo sila at ako naman ang nasuntok. "Sino ka para mangi-alam ah?!" Asar niya pang hawak sa kuhelyo ko. Kaya naman nginitian ko muna siya bago binalik ang suntok sakanya. END OF FLASHBACK Nagulat ako ng makita si Mama na tulog na tulog sa sala. Kaya naman di ko na siya ginising at nilagyan nalang ng kumot. Mukhang napag alala ko nanaman siya kagabi. Babawi nalang ako at mag luluto ng masarap para sakanya. "Choi Dong Gu.." Nag hihikab niyang sabi kaya naman napatingin ako. "Oh?! Ma? Nagising ba kita?" Nag aalala kong tanong. "Hindi naman. Ano ginagawa mo?" "Nagluluto po. Upo kana Ma. Saglit nalang 'to." Seryoso kong sabi sakanya at nilapag na yung ibang pag kain. "Ma? Bakit ganyan yung mukha mo?" Nakataas kilay kong tanong habang nakangisi lang siya sakin. "Wala lang. Haha Kasi naman dapat ako nalang nagluto. Alam ko namang di ka marunong magluto!" Biro pa niya sakin. Natawa nalang ako at nailing. "Ma naman! Ayan na nga oh...Nakaluto ako!" Paliwanag ko pero natatawa pa din siya. "Masarap ba 'to?" Nakangisi niyang sabi. "Oo naman Ma! Kumain ka na nga lang!" "N-nga pala. Dong Gu...." Pag tigil niya sa pag tikim ng niluto ko. "Po?" Sagot ko habang sumusubo din. "May...." "May ipapakilala nanaman kayo sakin na babae? Tapos gagawin niyong peke kong asawa? Tapos ako naman......" Pag puputol ko sa sinasabi niya. Pano alam na alam ko na yung mga linyahan niya. "Ikaw naman tatakutin mo? Yun ba Dong Gu?" Taas kilay niyang sabi kaya nginitian ko siya. "Tsk. Alam mo naman pala Ma. So stop that thing! It's making me feel stupid!" "Stupid?" "Oo stupid ikaw ba naman kasing..." Napatigil ako. Di ko maiwasang maalala yung mga ginawa ko sa mga pinag panggap niya. Ginawa ko talaga lahat kahit mag mukha akong tanga. Minsan nag papanggap akong multo. Minsan naman talagang gumagawa ako ng paraan para mainis sila! Hay...Di ko lang matanggihan si Mama. Dahil kahit naging ganito ako. Mahal na mahal ko parin sila Mama at Papa. Pero ngayon ayoko na! Sawa na ko kakataboy sa mga babae! 'I HATE GIRLS EXCEPT MOM!' Bumalik nalang ako sa katinuan nang nag salita si Mama. "Anak? Please? Last one! If ayaw mo din sakanya then fine." Pangungulit niya pa sabay taas kamay. "Titigil na talaga ako kahit wala na kong apo habang buhay!" Dagdag niya pa. Kaya napabuntong hininga ako. "Kinokonsensya mo ba ko Ma?" "Alam mo. Kung di ka lang lalaki kumilos iisipin kong nabakla kana!" Nilisik niya yung mata niya sakin na para bang nag hihinala. Napabuga tuloy ako ng kinakain habang di makapaniwala sa sinabi niya. "Ako bakla? Oww..please.." I smirk. "Oo! Kung hindi please...Subukan mong buksan ulit yung puso mo?" Pabebe niya pang sabi habang nag papacute. "Ma..." Angal ko sakanya at agad na inalis ang tingin sakanya. "Nga pala yung ipapakilala ko sayo─Ah basta pumunta ka nalang sa bar ha?!" "Ne.." (Yes in korean) Walang magawang sabi ko at nag urong nalang.  Hay. Ayan nanaman. Last na daw...edi pumayag nako. Nako-konsensya ko sa sinabi ni Mama. I'm already 35 years old and yet wala pa kong asawa. Simula kasi ng mawala siya ayoko na ng iba. Saka isa pa dahil din naman sa babae kaya nawala yung career ko. Kaya ayoko na sa babae. Well that's life .. Siguro naman pag pumunta ko bukas di nako guguluhin ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD