I kiss a girl and I like it ~
Muntik ko nang maibato kay Vincent ang hawak kong libro upon hearing him singing.
"Relax 'te.. wag masyadong bitter!" hirit pa nito, na naging sanhi ng pagpukpok ko sa ulo niya. "Arouch! You're always hurting me! Inampon na nga kita't lahat ito pa igaganti mo, consideration please?!"
I just ignored his remarks at muling hinarap ang ikatlong librong binabasa ko. I hate myself for having a slow progress, dapat at this point of time, tapos ko na ang limang librong kailangan kong basahin.
Bakit kasi pinakatitigan ko pa ang kiss---ah nevermind.
"Stacey Molino pala ang pangalan ni girl, fresh from Europe ang Lola mo! She's a mowwwdel and a chef! Bigatin pala ang kalaban mo 'te." pahayag ni Vincent while browsing something on his phone.
Kaya pala ang sarap ng luto niya!
Samantalang ako taga-kain lang.. tss
I sighed to calm my nerves.
Focus Ris--Airish!
"Grabehan 'te, di pa kayo pero may third party na!" muling komento ni Vincent after a while. "Hurt hurt ba, when you saw them kissing kaya ka nagwalk out at tumawag ng rescue at walang pasabing lumayas sa paraisong 'yun at mas piniling manatili sa hamak kong tahanan?" he asked me while trying to be serious at humalumbaba pa. "Di gets? Let’s use pagkain as an example then, 'yung feeling na bumili ka ng cotton candy na ilang linggo mong pinag-ipunan pero iba ang kumain? #BIGTI 'te!"
"Nag-walk out ako to throw-up those foods I ate.. tss, she's the one who cook them. Geez!" I answered.
"Ay ampalaya ka talaga 'te! Hindi ba't sarap na sarap ka naman." natatawa pang hirit nito. "Pero sigurado kang 'yung pagkain ang dahilan at hindi 'yung kissing scene?"
Marahas kong isinara ang hawak kong libro at matamang tiningnan si Vincent.
"What’s with you, bakit ba masyado mong pinupush 'yung issue na Krisz kissed someone in front of--"
"Teka, correction.. 'yung girl yung humalik kay fafa Xander not the other way around.."
I glared at him at napakamot na lang sa noo.
"Pareho lang 'yun.. naghalikan sila. Period."
"May bitterness talaga 'te.." muling pagdidiin ni Vincent. "Kasi kung wala, hindi ka magtatago dito. Hindi mo papatayin 'yung phone mo at ang panghuli at pinakaimportante sa lahat.." tumayo pa ito at rumampa sa harap ko. "Hindi ka magbabasa ng nakabaliktad 'yang libro mo! Confirmed, distracted ka."
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Nagbabasa ako ng nakabaliktad 'yung libro?" iiling-iling ko pang tugon. "Imbento ka na!"
Maarte naman itong humalakhak, with his hands covering his mouth
.
"Alam kong itatanggi mo 'yan, denial queen ka kasi.. that's why naghanda ako ng ebidensiya.!" kinuha niya ang cellphone at ipinakita sa akin ang picture ko a while ago while reading.
Nakabaliktad nga ang librong hawak ko!
"That’s the secret while I got perfect score, it's an effective strategy. You must try it." I told him as I drink another pack of Chuckie.
"Palusot pa more Kaite Airish Montiveros, ikayayaman mo 'yan!" maktol na naman ng lalaking pink ang pagkatao. "One more thing, pwede tigilan mo 'yang kaiinom mo ng Chuckie, ako ang naaawa sa tiyan mo, tsk! Lunod na lunod na ang mga bituka mo girl, isang tangke na ata naiinom mo simula kahapon!"
"OA, kalhating tangke pa lang kaya."
Binato niya naman ako ng hawak niyang tissue.
"Kumain ka ng matinong pagkain, grabe ka pala mabrokenhearted.. hindi ko kinekeri!"
Upon hearing the magic word, para namang may light bulb na biglang umilaw above my head.
"Can I cook?" I asked him excitedly.
Tila naman nahawa si Vincent at nagtatalon pa sa tuwa.
"Marunong ka?! Bilis, magluto ka, wala ang mga chimay, pinag- day off ni Pudra, that's why nagrereklamo na ang tiyan ko! Di nabusog sa isang box na pizza.."
Kaagad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina.
Sumunod naman si Vincent na patalon-talon pa.
"Anong lulutuin mo, adobo sana.. pero pwede ring caldereta.. t-teka ano kaya kung kare-kare?" sunod-sunod na pahayag nito while I'm scanning their refrigerator. "Kailangan na bang maggrocery?" muling tanong nito na nakisilip na rin sa malaki nilang ref. "'yan 'yung baboy oh, magsinigang ka na lang.. ano bang hinahanap mo?"
"Tss.. walang apple." I muttered at padabog na naupo.
"Huh? Para san ang apple? Dessert ba gagawin mo?"
Umiling ako.
"Then what?"
"Ipiprito ko sana.."