13 – ESCAPE

805 Words
RISH'S POV   Unlike Trisxh, mahirap akong magbigay ng tiwala sa ibang tao. I'am not as friendly as her.. I need to know that person's background first before I feel at ease in his presence.   Lahat ng tao, may itinatago.   'Yan ang naging mindset ko simula ng mabigyan ako ng chance to mingle with different kind of people.  And I know it's true. Jake Cyrus was a good friend. Sino bang mag-aakala na behind those smiles, was a person who's capable of killing someone. A good friend who betrayed me in the end. Lolo once betrayed me too by plotting an engagement party behind my back. I may forgive them, but the damage has already done. Mananatili na ang takot na muling magtiwala at ang sakit dulot ng panloloko. But here's Krisz, was it right that I said Yes to him to court me or sisirain niya rin ang tiwalang binigay ko? Sinira na nga niya.   "Uso kumurap 'te!"    I blinked few times na ikinatawa ni Vincent.    "Hindi porke’t uso, dapat ng abusuhin.." may paghampas pa sa ereng turan nito. "Kakaiba talaga ang sense of humor mo Kairish."   I rolled my eyes at sinimulang inumin ang ika-twenty kong Chuckie.   "Hindi ka ba nainform na hindi lang Chuckie ang pwede mong inumin kapag brokenhearted ka?!" sermon na naman ni Vincent at saka bahagyang inilayo ang paper bag na may lamang mga Chuckie. "A-arouch naman 'te!" angal nito ng batuhin ko siya ng unan, kaagad ko namang kinuha ang paper bag na nabitiwan nito. "Baka nakakalimutan mo, nasa pamamahay kita! Makapanakit ka ah, sinisira mo ang beauty ko." "Una sa lahat hindi ako brokenhearted! Pangalawa, wag kang maarte Vincent, baka gusto mong ipagsigawan ko ang kulay pink mong pagkatao sa pamamahay mo!" banta ko sa kanya, sabay pakita sa balat ng Chuckie na unti-unti kong nilulukot gamit ang aking kamao.   Nakita ko naman ang sunod-sunod niyang paglunok. Tss.   "H-hindi ka na mabiro girl, feel free to hurt me!" nakadipang wika nito, "Kung makakagaan sa loob mo 'yan.. keribels! Ilabas mo ang pagiging brutal mo!" tila naghahamon pa nitong turan. "You know----"   *Trisxh calling*   "Tititigan mo na naman 'yang cellphone, sagutin mo na kaya. Naka-isang daang missed call na yata 'yang best friend mo." muling hirit ni Vincent saka sinimulang kainin ang hawak na Nova. "Correction, 30 missed calls pa lang." I told her as I turned off my phone. "Seriously Kairish, what's going on? Anong nangyari sa bakasyon niyo? Bakit umuwi kang mag-isa at bakit dito ka sa bahay ko umuwi?! Baka mamaya isipin ni Don Henry tinanan kita! Oh my Gosh! I cannot!" "I already called him, I informed him na I'll stay here for a while. Don't worry, Lolo will be happy when we ended up together." I smirked as I saw his reaction. "So, sinong pinagtataguan mo? Imposible namang tumawag at nagpasundo ka kay Kuya Larry kasi trip mo lang, gusto mo lang, ganern?!"   I sighed.   "Teka, kailangan ba ng tissue?" hirit na naman ni Vincent. "Lalim ng hugot 'te?!"   Muli ko siyang binato ng unan as I started to told him what happened.     Halos hindi ko na muling nabuklat ang libro ko as we arrived in our destination. It was a nice place. Clear blue sea, fine sand and peaceful view.   Kaagad akong nagtampisaw at nakipaghabulan sa alon. Ignoring the voices of Blake and Trisxh na muling nagtatalo, sina Fiona and Jasfer na naghahabulan, si Karl na hindi magkaintindihan sa sunod-sunod na utos ni Angela, si Shine na tila gumagawa ng music video while singing in front of Jairus' camera, ang hagikhikan ng limang weirdo na abala noon sa pagbabaon sa sarili nila sa buhangin and ignoring Krisz na nakangiting pinagmamasdan ako while talking with someone over the phone. Nagkaroon ako ng sariling mundo, just enjoying the water and the scenery.   It was already 3 PM nang magkayayaang kumain. And when the food was served, feeling ko pwede na akong mamatay! The food was great, halos hindi pa tapos magdasal pero hindi ko na napigilan ang sarili kong kumain. Krisz was helpful kasi wala siyang ginawa kundi lagyan ng lagyan ng pagkain ang plato ko, kaya naman subo lang talaga ako ng subo.   But I didn't expect, my day will ended with a bang!    After we ate, may isang babaeng tila model ang biglang lumapit sa grupo namin and hugged Krisz!    "I miss you bae, I'm happy to see you again!" nakangiting turan nito habang hawak ang magkabilang pisngi ni Krisz. "S-Stacey?" maang na tugon ni Krisz na sinubukang lumingon sa'kin but his bae didn't allow him, muli nitong iniharap ang mukha sa kanya at ngumiti ng mas matamis. "I know, mas maganda na ako ngayon!" masiglang saad nito. "I'm here na, we can be together again, right? I'm still inlove with you!" she declared as she kissed him on the lips!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD