"Ang pangit ng kanta, palitan mo!"
"Ang ganda nga babe.. rock and roll to the world ang tema!"
I hissed ng muli na namang magtalo ang dalawa.
Kasalukuyang nagmamaneho si Blake at katabi naman nito ang girlfriend na si Trisxh.
"Feeling rock star ka naman, palitan mo!"
"Babe, iappreciate mo naman 'yung genre ng music na gusto ko.." nakanguso pang angal ni Blake.
"Papalitan mo o magbebreak na tayo!" banta naman ni Trisxh.
"Ikaw naman babe, bakit ngayon mo lang sinabi na ayaw mo pala ng rock. Ito na oh, papalitan ko na."
"Good.." then Trisxh cleared her throat. "Ikaw nga ba si Mr. Right? Ikaw nga ba ang love of my life? Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?"
Halos sabay kaming napangiwi ni Blake upon hearing her voice.
Ang sakit sa tenga ng boses niya!
"Ikaw nga si Mr. Right? (Mr. Right) Ikaw nga ba ang love of my life? (Of my life?) Ikaw nga ba magbabalik ngiti sa'king mga mata.." muling pagpapatuloy ni Trisxh.
"B-babe.." Blake called her attention.
"Si Mr. Right ka ba? Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba?" nakangiti pang baling nito kay Blake. "kinikilig ka na naman?!" turan nito.
Ilang beses namang napalunok si Blake bago sumagot.
"O-oo naman babe, alam mo namang gustong-gusto ko 'yang boses mo!"
Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Trisxh dahil sa narinig at akmang muling sasabayan ang kanta nang magsalita ang katabi ko.
"He’s lying. You're not a good singer Trisxh. You're hurting my ears." diretsang saad ni Rish habang patuloy sa ginagawang pagbabasa.
"Beshie!" nakasimangot na lumingon sa back seat si Trisxh. "Sakit mong magsalita."
"Truth hurts."
Halos di na maipinta ang mukha ni Trisxh nang bumaling ito sa'kin.
"Xander.. totoo ba ang sinasabi ni beshie? Nagsisinungaling lang talaga si Blake?"
Saglit muna akong sumulyap kay Rish na nasa libro pa rin ang atensyon. Nagkatinginan naman kami ni Blake sa rear view mirror.
I'm sorry Blake.
"Rish was right Trisxh."
And that's when Trisxh exploded!
Kung hindi lang siguro nagda-drive si Blake, bugbog-sarado na ito. Pero hindi pa rin siya nakaligtas sa mga kurot ni Trisxh.
"God! Siguro nung kinakantahan kita sa phone.. hindi ka talaga nakikinig! Bakit ko ba nakalimutang bolero ka?! May nalalaman ka pang pagpo-produce ng album, pagcoconcert at pagsali sa The Voice. 'Yun pala kasinungalingan lang lahat!" pagmamaktol pa ni Trisxh while continuously pinching Blake's arm.
"A-aray naman babe.. masakit." hinaing ni Blake, sobrang pula na ng braso niya. "Kasalanan ko bang maganda ang boses mo sa pandinig ko? Wag kang maniwala sa dalawang 'yan. B-babe hindi lang sila marunong maka-appreciate ng talent!"
I just put my earphones on, wala akong mapapala sa panonood sa dalawa. Hindi rin naman ako pinapansin ni Rish, tsk.
Sana naging libro na lang ako.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagkulbit ni Rish. Kaagad akong napaayos ng upo habang tinatanggal ang earphones sa tenga ko.
"Nagugutom ka ba? Nahihilo? Kailangan mong mag-CR?"
She poked my forehead.
"Gusto ko lang malaman kung saan tayo pupunta?"
"Beshie, pupunta tayo sa Mindanao at haharapin ang mga rebelde para sa world peace!" sabat ni Trisxh na tinawanan ni Blake. "Anong nakakatawa, nagjojoke ba ako?!" muling asik nito at kinurot na naman ang kawawang boyfriend.
"We’re really going to Mindanao?" Rish asked at sumulyap sa labas ng bintana ng kotse.
Naniwala talaga siya sa baliw niyang best friend?
"Nadala mo ba 'yung mga baril ni Lolo?" muling tanong ni Rish kay Trisxh. "I'm so excited!"
Natigilan naman si Trisxh at napasapo sa noo, saka muling humarap samin.
"Beshie, I know pangarap mong maging action star. But I'm just kidding. Sa rest house nitong adik na 'to tayo pupunta." tukoy nito kay Blake. "Hindi mo ba sinabi Xander?"
"I thought you already told her." I answered. "Kayong dalawa ang may pakana nito di ba?"
"Yung supladang si Angela ang nakausap nitong si Blake at mukhang hindi rin sinabi kay Beshie."
Then we stared at Rish.
"Right, Angela's the one who prepared my things but I don't really have an idea about this."
Halos sabay-sabay kaming napaface-palm.
"Naku Beshie, hindi na ako magtataka kapag isang araw nakidnap ka." iiling-iling na turan ni Trisxh. "Kapag may hawak kang libro, delikado ka."
Rish frowned saka muling hinarap ang libro niya.
"Bantayan mo ‘yan." bilin ni Trisxh bago umayos ng upo.
Binalingan ko naman ang hawak kong bag at binuksan.
"Here." inabot ko kay Rish ang isang Chuckie at Mini Boy biscuit. "You can eat while reading."
"Thanks." masiglang tugon nito at isinara ang binabasang libro saka binalingan ang pagkaing ibinigay ko.
Basta talaga pagkain.
"Kailangan mo talagang tapusin 'yan?" tukoy ko sa librong binabasa niya. "Sembreak niyo na rin di ba?"
She nodded.
"Book report. We need to read 5 books, pangalawa ko palang 'to."
"Kahit sembreak?"
"Yes." tipid na saad nito habang ngumunguya.
"Paano mo mai-enjoy ang vacation niyan?"
She just shrugged.
"Nag-eenjoy naman akong magbasa."
"Pati kumain?" I joked.
"Exactly, so it's not really a big deal." uminom muna siya bago muling nagsalita. "You must enjoy this vacation Krisz."
I nodded and stared at her.
"As long as I'm with you. I'm sure, I will."