"H-hoy teka lang.." pigil sa'kin ng lalaki at sinundan ako palabas ng coffee shop. "Sandali lang sabi.." hinarangan nito ang daraanan ko. "Ang sakit mong manuntok ah.." hinihimas ang pisnging angal pa nito.
"Why? Padaanin mo nga ako.." tugon ko at sinubukang lampasan siya pero muli na naman niya akong hinarangan.
It was like we're playing patintero.
"Bakit ba nagmamadali ka, don't worry hindi naman kita ipakukulong!" he chuckled. "Kanina ko pa talagang iniisip, I just can't pinpoint when and why but you look familiar. Nagkita na ba tayo before?"
I rolled my eyes upon hearing those line. Naalala ko tuloy si Blake, sa kanya ko madalas marinig ang linyang 'yan when his trying to hit some girls.
"I'm not interested in you, just let me go."
Natawa naman ito pero napangiwi rin at muling napahawak sa mukha.
"Ang ganda mo naman kung ganun.. gusto mo ng jacket?"
"Tss.." I snorted at bahagya siyang itinulak. Hindi naman ito natinag kaya sinamaan ko ng tingin. "Stop playing around.."
Nakita ko naman ang tila paglunok nito, bago tumabi sa daraanan ko.
"Saan ka ba pupunta?" tanong pa nito habang sumasabay sa paglalakad ko. "Galit ka ba dahil sa pang-aagaw ko ngChuckie mo? Sorry na.. hindi ko rin naman nainom kasi nga nabitiwan ko nung sinuntok mo'ko.."
I ignored him at patuloy na naglakad.
I need to go the nearest mall, I don't like to finish this book. I'll buy a new one. Fantasy book must be great than this.
"Miss.. pansinin mo naman ako. Are you planning to walk, wala ka bang dalang kotse, magbabyahe ka ba?"
Awtomatikong napahinto ang mga paa ko sa paglalakad.
Oo nga pala, pinauwi ko na si Kuya Larry kanina.. and for sure he's with Angela now para ihatid ito sa seminar na pupuntahan nito.
And one more thing, hindi ko talaga alam kung paano pumunta sa mall.
I faced him.
"Nay sasakyan ka ba?" tumango ito. "Where is it?"
Kaagad naman nitong itinuro ang itim na kotse na nasa kaliwa ko.
Lumapit naman ako dito saka inilabas ang aking cellphone. Kaagad kong hinanap ang camera app at kinuhanan ang plate number nito.
"W-what are you doing?" muling tanong nito.
"Alisin mo 'yung sumbrero mo.." utos ko sa kanya.
"Para saan ba 'yan?" he asked pero sinunod din naman ako, nag-ayos pa ito ng buhok at nagawa pang ngumiti nang itutok ko sa kanya ang cellphone ko. "Hoy, uso po sumagot.."
"Your name and address?"
"Hala?! Ano 'yan? I-aadd mo ako sa f*******:? Tsk.. sabi ko na nga ba, type mo ako.." natatawa pang tukso nito.
"Sasagot ka ba o sasagot ka?!" banta ko naman sa kanya sabay pakita ng kamao ko.
"J-John Arvic Altamirano from Mahogany Subdivision.." tugon nito sabay tayo ng tuwid.
I typed his name and address as a caption of his photo kasama na rin ang picture ng plate number ng kotse niya.. saka ko sinend kay Kuya Larry.
"Let's go.." aya ko sa kanya. "Open the door.."
"Teka.. where are we going? Hindi mo pa nga sinasagot kung para saan ang ginawa mong pictorial e.." kunot-noong tanong niya as he clicked his car's alarm at binuksan ang passenger's seat for me.
"For security purposes.." I answered nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niya. "Mall tayo."
Iiling-iling pero nakangiti naman ito ng pumasok at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan.
"Asa ka namang kikidnapin kita.. di kita type, ayoko sa amasona.." natatawang hirit nito as he started driving.
Amasona? Tss.
I felt something weird in my chest after hearing that word but I choose to ignored it. Tuluyan ding hinalukay ng utak ko ang imahe ng taong 'yun. Ilang minuto ko pang ipinikit ang aking mga mata just to erase that image and for my mind to remain blank.
"Hoy, wag mo 'kong tulugan! Wala 'tong utang na loob, ginawa mo na nga akong driver oh, saka kumikirot pa rin 'tong pisngi ko.." hinawakan na naman nito ang pisngi for the nth time. "Pero effective naman at least mas kumikirot na ang pisngi ko kesa dito." he pointed at his chest as he smiled sadly.
"Ang daldal mo.." I commented na tinawanan niya lang.
"Brokenhearted kaya ako, di ka ba marunong magcomfort?" nakangising turan nito "Alam mo ba, simula ng mabasted ako ni Honey este ni Krisha.. minalas na ako sa babae. Manliligaw ako, magiging kami tapos ang ending iiwan lang din ako." kwento nito. "Sa dami ng nagiging girlfriend ko, lima pa lang naman, hindi pa naman 'yun ganun kadami di ba?" tumawa na naman ito. "Ayon nga, dahil sa nagiging girlfriends ko.. akala tuloy nila playboy ako. Pero ang totoo, hindi. Seryoso ako, ako nga ang laging naiiwan.. kahit wala namang valid reason para iwan ako. Hindi lang talaga sila marunong magtiwala. Kapag kasi tiwala na 'yung nawala, kahit mahal mo pa siya.. hindi na masaya. Puro doubts na lang ang mangyayari, magkakasakitan lang kaya I'm just giving up, I learned how to let go."
"Ang drama mo.."
"Panira ka ng moment, teka nga pala, anong----" kaagad nitong kinapa ang bulsa ng pantalon, "Spare phone ko lang 'yung kanina.." he explained kahit wala naman akong tinatanong saka nakangiting sinagot ang nagwawalang cellphone. "Hello Krisha.."