18- HOSPITAL

863 Words
"Ilang beses ko nang sinabi na wag siyang kakain ng niluto ni Mama.. pero ang tigas pa rin ng ulo! Nakakainis!" umiiyak na saad ng isang babae na kaagad niyakap ng lalaking kasama ko. "Arvic, mamamatay na ba siya? Hindi pa kami kinakasal! Hindi ka pa nga namin nabibigyan ng inaanak!"   Tahimik na lang akong naupo sa bakanteng upuan sa labas ng Emergency Room.   This girl must be Krisha, the one who called, kaya sa halip na nasa mall ako.. narito ako sa hospital with these strangers. "Calm down Krisha.. ano ba talagang nangyari? Teka, tinawagan mo na ba si Greg?" "I already called him, he's with Abby.. pati sina Tristan tinawagan ko rin." lumuluhang turan ng babae saka umupo ng maayos at tumingin sa Emergency Room. "Sa bahay kasi kami nagdinner, nagluto si Mama. I told him na iwasan ang chicken and pork kasi nga allergic siya. A-ayoko nang maulit 'yung nangyari last t-time.." napasinok na kwento nito. "Pero hindi siya nakinig, mas iniisip pa niya si Mama.. baka daw masamain nito kapag hindi siya kumain ng luto nito! Alam naman ni Mama na allergic siya, pero that's my favorite kaya niluto niya pa rin. Seafoods 'yung para kay Floyd pero--Aish! Bubugbugin ko talaga ang lalaking 'yun oras na magising siya!"  Natatawa lang naman ang kasama kong lalaki at ginulo ang buhok ng babae. "Don't worry, he'll be fine. Lalo na siguro kung narinig niyang gusto mo ng gumawa ng inaanak ko!" he chuckled nang pabiro siyang hinampas ng babae saka namumulang inilagay ang mga kamay sa mukha. "Arvic naman e.."  Naputol lang ang pagkukulitan nila ng bumukas ang pinto ng Emergency Room at lumabas ang doktor. Kaagad tumayo ang dalawa. Marahang ngumiti ang doktor nang makita ako, tumango lang naman ako. Nagtataka namang bumaling sa'kin ang dalawa pero muling itinuon ang atensyon sa kaharap na doktor nang magsalita ito.   "Severe allergies can cause anaphylaxis. Anaphylaxis is a serious allergic reaction that is rapid in onset and may cause death, that's what happened to Mr. Santiago. This is a life-threatening emergency that can lead to breathing difficulties, lightheadedness, and loss of consciousness." seryosong pahayag ng doktor na nakapagpakaba sa dalawa. Kung hindi lang ito ngumiti baka nahimatay na sila. "But he's fine now, mabuti na lang at naagapan kaagad. Ita-transfer na siya in a private room. You can visit him there."   Tila naman nakahinga ng maluwag ang babae at nakangiting paulit-ulit na pinasalamatan ang kausap na doktor.  "Tara Arvic, puntahan natin si Floyd.." rinig kong yaya ng babae nang magpaalam ang doktor na bahagya pang nag-bow ng dumaan sa harap ko. "Lagot talaga sa'kin ang gangster na 'yun, pinag-alala niya ako!" "Alright.." nakangiting sang-ayon ng lalaki saka bumaling sa'kin. "Tara?"  Nagpalipat-lipat naman ng tingin ang babae mula sa'kin patungo kay Arvic. "T-teka.. hindi naman siya si Mica hindi ba? Don't tell me nagto-two-time ka?!"  Halos mabali naman ang leeg ng lalaki sa pag-iling.. "H-hindi! Faithful ako!" nakataas pa ang kanang kamay na turan nito. "Ang totoo niyan, wala na kami ni Mica.. she broke up with me, kanina lang." malumanay na pahayag nito. Nakakaunawang tinapik ng babae ang balikat ng lalaki. "At least mas maganda naman 'yang kasama mo.. mas simple at mukhang mabait." nakangiting saad ng babae while staring at me. "Teka.. parang nakita na kita." nakalagay sa baba ang hintuturo nito na tila nag-iisip. "Talaga? Alam mo 'yan din ang sinabi ko kanina.. she looks familiar pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita." Tumayo na ako para sana magpaalam pero nilapitan ako ng babae at inikutan pa ako while looking at me intently. "Hindi ko talaga matandaan.." frustrated na wika nito while pouting, saka biglang nanlaki ang mga mata.   "Si Floyd nga pala!" muli itong bumalik sa pwesto kanina. "Arvic, mauna na ako.. pupuntahan ko na 'yung boyfriend ko. Ikaw, sumunod ka na lang. Ihatid mo muna itong girlfriend mo.." "Hindi ko siya girlfriend/I'm not his girlfriend.." sabay naming protesta ng lalaki. Nakataas ang dalawang kamay na tumawa ang babae. "Chill! Masyado kayong defensive.." humahagikhik nitong turan. "Basta ako'y magdi-disappear na. Ingat friends."  Tumatalon-talon itong umalis, natatawa lang ang lalaki nang pumunta ito sa tabi ko. "Ihahatid kita sa mall tapos babalik ako dito. May susundo naman siguro sa'yo or hintayin na lang kitang matapos para maihatid kita." wika nito sa'kin. "Iwan mo na lang ako sa mall.. magpapasundo na lang ako." We started walking.  "Are you sure?" I nodded. "Ano, ahm.. pasensiya ka na sa babaeng 'yun, ganun lang talaga siya." kamot-ulong wika nito. Tumango lang naman ako, trying to hide my face.. may ilang staffs and doctors kasi na tila namumukhaan ako at bumabati. Sa dami ng hospital, sa AKMMH pa talaga kami napadpad.  "Doctors ba parents mo o palagi kang na-aadmit dito?" he asked matapos naming dumaan sa nurse station kung saan lahat ng naroon ay nag-bow at bumati. "Or magalang at hospitable lang talaga ang mga staffs dito?" I shrugged, choosing to ignore the questions. "Ano nga palang pangalan mo?" I stopped on my track when I saw a familiar face wearing a hospital gown. Naka-wheel chair ito na itinutulak ng isang lalaking nurse. Lumabas ang mga ito mula sa Examination Room. "Stacey.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD