Chapter 15

1377 Words
"What are you doing here!?" Halos mapatalon ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko, napaatras pa ako dahil sa lapit niya sa akin. What is he doing here? Lahat na lang ba ng puntahan ko, nandoon din siya? "I believe you heard me. What are you doing in this place?" balik-tanong niya. Psh! Bakit ba parang galit na galit itong narito ako? Para siyang magulang kung makatanong. "And I believe... it's none of your business, Mister," sagot ko bago nagsimulang maglakad palayo. Kala niya ha, hindi ko pa nakalimutan ang huling sinabi niya sa akin. Hinila niya ako pabalik, kaya inis ko siyang tiningnan. "Go home. You shouldn't be here. You don't belong here," sabi niya sabay tingin sa kabuuan ko. Napatingin din ako sa damit kong suot. I'm wearing a brown square neck dress. It perfectly fits my body and emphasizes my wide hips. It reaches below my knees and has slits on both sides. Sa tingin ko naman, bagay ang damit ko sa ganitong lugar. Anong problema niya sa akin? "Hands off, Mister! Stay out of my business. I can go home whenever I want." Iniwan ko siyang madilim ang titig at nakatiim ang panga. Bahala siya sa buhay niya, kahit pa maging Super Saiyan pa siya. Nang makita ako ni Ley, agad niya akong hinila papunta sa table ng mga nagtatawanan niyang kaibigan habang umiinom. Pinakilala niya ako sa kanila at pinaupo. "Oo nga pala, before anything else, I want to give you this, Ley." Kinuha ko ang maliit na box mula sa aking handbag at iniabot sa kanya. "Omg! Thank you, Brielle. You truly know how to capture my heart." Niyakap niya ako nang makita ang customized silver bracelet na may violin pendant. Sa likod ng pendant, may nakaukit na "Play your heart out." Maya-maya, inalok niya akong uminom habang nagkukuwentuhan kami. Nag-iisip na rin ako ng tiyempo kung paano sasabihin na uuwi na ako. "I can't, Ley. I don't drink," tanggi ko. "What!? That can't be. You need to experience this. Come on!" Pilit niyang nilalapit sa akin ang baso ng tequila. Nang makitang wala akong balak uminom, napabuntong-hininga siya. "Okay, okay, dalawang shot lang. Then, I won't force you to drink again." "Fine, dalawa lang, tapos uuwi na ako. Deal?" Sinunggaban ko na ang pagkakataong ito para makauwi agad. Nag-aalala akong malaman ni Mommy na wala ako sa bahay. "Deal." Binigay niya sa akin ang baso ng tequila, at nagdalawang-isip pa akong uminom. Nang makita kong naghihintay siya pati na ang iba niyang kaibigan, hinay-hinay ko itong ininom. Kahit masama ang lasa, inubos ko ito, kaya naghiyawan naman sina Ley. Ininom ko rin agad ang pineapple juice na inabot niya sa akin dahil sobrang pait sa dila ko. "One down, Brie!" ••• "Wohoooooo!" "Let's dance, Ley!" 🎶Touch me like you do, To-touch me like you do... what are you waiting for...🎶 "Yeah, let's have fun!" "Oh, Talia? Uuwi ka na?" "Hayaan mo muna siya, Ley." "Come on, Kenji's on the dance floor!" "Brielle! Are you alright?" halos hindi ko marinig si Ley sa lakas ng music. 🎶Love me like you do, La-love me like you do...🎶 "Restroom muna ako, Ley," sagot ko, pilit na sinasabayan ang tunog ng musika. Katahimikan. Sa ngayon, wala akong ibang gusto kundi katahimikan. Ramdam kong may tumatawag sa akin, pero sobrang nahihilo na ako. Ang init ng pakiramdam ko, at kanina pa ako naiihi, kaya pasuray-suray akong naglakad patungo sa restroom. Pakiramdam ko, sumasayaw ang paligid. Well, marami naman talagang nagsasayaw sa dance floor, pero bakit pati sahig at mga mesa ay parang gumagalaw? Dapat talaga hindi na ako nagtagal dito. Bakit ba hindi ako nakinig kay Crixx kanina? Binilisan ko ang paglakad nang makita kong malapit na ako sa restroom. Pero muntik na akong mabuwal, kaya napatili ako. "Miss, okay ka lang ba?" Napakislot ako nang may humawak sa bewang ko. "Do you need help, Sexy?" tanong ng isa pa habang hinawakan ang wrist ko. Agad kong iwinakli ang kamay niya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Nooo, I-I don’t need help… I can manage," lakas-loob kong tanggi at muling naglakad. Pinilit kong magsalita nang maayos para ipakita na hindi pa ako lasing. Dinig ko ang malakas na t***k ng puso ko, kahit sa kabila ng malakas na musika. Parang maiihi na ako sa kaba. Dapat pala nagpasama ako kay Ley. Kainis! Ito na talaga ang una’t huling beses na pupunta ako sa ganitong lugar. Nagawa ko pang magsinungaling kay Mommy para dito, tapos ganito pa ang nangyayari. Sorry, God. I lied for this. I promise, I’ll never do it again. Pagkatapos kong umihi, pasuray-suray akong lumabas ng cubicle. Napahawak ako sa sink nang bigla akong makaramdam ng pagsusuka. Halos maisuka ko na ang bituka ko, kaya napadaing ako. Maya-maya, naghilamos ako at napatingin sa salamin. Napasuklay ako sa buhok ko nang makitang magulo ito at pawisan. Inayos ko rin ang kaliwang sleeve ng dress ko na medyo bumaba. Napalinga-linga ako nang mas tumindi ang init na nararamdaman ko. Hindi ba dapat malamig dito sa restroom? May aircon naman, pero bakit ganito? Napapaypay ako habang mas pinagpapawisan pa. Sa huli, naghilamos ulit ako, pero wala pa rin epekto. Kailangan ko siguro ng shower. Kinuha ko ang cellphone sa pouch ko at tinext ang grab driver kanina. "Nakita mo ba kanina? Ang hot niya talaga," narinig kong sabi ng isang babae na kakapasok lang. "Yeah, but I think he has a girlfriend already," sagot naman ng kasama niya. "Tss! I don’t think so. Baka fling of the night," sabay tawa nito. Hindi nila ako napansin, pero naalala ko tuloy si Ley. Siya pa naman ang nag-invite sa akin. Kailangan ko nang magpaalam sa kanya, pero parang hindi ko na kaya bumalik sa dance floor. Baka gumapang na ako sa sobrang hilo. Kaya tinext ko na lang siya na uuwi na ako. Balak ko sanang magpasundo kina Merry o Lorena, pero naalala kong natutulog na sila. Kaya lumabas na ako ng restroom, at muli akong sinalubong ng malakas na tugtog ng musika. Hahakbang na sana ako nang biglang may tumakip sa bibig ko at binuhat ako patungo sa isang madilim na lugar. I tried to move and shout for help, but only muffled sounds escaped my mouth. Labis akong natakot at kinabahan habang mas dumidilim ang paligid. I kicked and clawed at my abductor, pero walang silbi. He was strong and muscular, while I was drunk and helpless. Bigla akong nagsisi kung bakit hindi ako natutong mag-self-defense. Nagsisi rin ako kung bakit ako pumunta dito. Nagsisi ako na nagsinungaling ako kay Mommy at kay Tito. Maya-maya, nakaramdam ako ng panghihina dahil sa pag-iyak at pagpupumiglas. The last thing I knew, everything turned black. ••• Sa madilim na sulok ng VIP area, Zephyr Montalgo sat, sipping his drink happily while tuning in to the loud music from the dancefloor. He felt on top of the world when he saw the girl who had been drinking with Leyrani earlier. Talia Brielle Montalgo The Golden Girl of Da Silva... It won't be long until your shine fades and your perfect life crumbles into pieces... At last, we can now get even with Da Silvas. Lalong napangiti si Zephyr sa naisip. He would finally avenge what happened to his cousin. "Tell me, babe... can I finally have all of you now?" Nabaling ang atensyon ng binata at tumingin sa babaeng kanina pa nakayapos at naglalapat ng labi sa leeg niya. Sasagutin na sana niya ito nang mag-ring ang kanyang cellphone. " Marcus ," tawag niya sa kabilang linya. " We have a problem, Z . Talia's gone " Sa sinabi ng kaibigan ay napatayo siya sa upuan. "f**k! What do you mean?" " We waited for her outside the ladies' room, but she took too long, so we decided to go in. Hinanap namin but she's no longer there bro, mukhang nakaalis na." "Stupid! Babae lang natakasan pa kayo. Search for her and do what must be done. f*****g stupid! " sigaw nito at pinatay ang telepono. Sa galit ay nahagis niya ang bote ng alak sa malayo. Kinakabahang nakatingin sa kanya si Leyrani. " Guess what? You won't even have me unless your damn friend gets ruined," walang expression na sabi nito sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD