Chapter 14

1305 Words
Sometimes, timing can be truly annoying. Kahapon, tanging pahinga lang ang nagawa ko pagkatapos ng tatlong araw naming biyahe sa Tinago. The trip was amazing but utterly exhausting. Aside from swimming, we tried cliff diving, stargazing, and even trekking around the area. Kaya naman pag-uwi sa mansion, bagsak agad ang katawan ko sa kama. Gano'n pa man, nagpapasalamat ako sa bawat hakbang at sandaling iyon. Sa kabila ng lahat ng pagod, ang biyahe naming iyon ay hindi lang basta getaway—it was a memory worth treasuring. Ngayon naman, nag-aalala ako kung paano ako makakapunta sa birthday party ni Ley. My family and I are attending a Welcome Home party. This isn’t just an ordinary gathering; it’s for Señora Celestina Moran Da Silva, the matriarch behind the success of Da Silva University and the Da Silva Empire in Switzerland. She is Tito Emanuel and Tito William's mother. After five years of residing in Switzerland, she has finally decided to come back to the Philippines. Kung ano man ang dahilan ng biglaang pag-uwi niya, sigurado akong hindi lang ito tungkol sa negosyo—especially now that the Montalgos are starting to compete with DSU. "Natasha, Emanuel, it's great to see both of you again," bungad niya nang makita ang pamilya namin. Kita ang malawak na ngiti niya habang niyayakap si Tito Emanuel. "Where's my grandson, Ruiji?" Agad namang lumapit si Ruiji at nagmano kay Señora. Napansin kong kinilatis pa niya ang mukha ng apo, partikular sa mga hikaw sa labi at kilay nito. "Oh, Ruiji, you resemble your father, but I'd really appreciate it if you get rid of these metals," she said while lovingly touching his left face near his pierced eyebrow. Rinig sa boses niya ang hindi pagsang-ayon sa nakikita, ngunit kabaliktaran naman ang kilos niya. "My apologies, Mamita," tanging sagot ni Ruiji habang binibigyan siya ni Tito Emanuel ng titig na para bang sinasabing, I told you so. Kinabahan ako nang bumaling ang tingin ng Señora sa akin. "And this is...?" Alam kong nakikilala niya ako, pero halatang gusto lang niyang iparamdam na hindi ako mahalaga. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ito. "Good evening, Señora Celestina. I am Brielle. I'm glad to see you again," sabi ko, sabay bahagyang yuko bilang paggalang. Gustuhin ko mang magmano, sigurado akong hindi siya magpapahawak sa akin. "You're Natasha's daughter. I remember now," aniya habang sinisipat ang kabuuan ko. "You look different... as always." Pagkatapos nito, tumalikod na siya at hinila sina Tito Emanuel at Ruiji papunta sa mesa kung saan nagtitipon ang kanilang mga kamag-anak. Humigpit ang mga labi ko habang tiningnan si Mommy. "Don't mind it," sabi niya, sabay hawak sa braso ko. "Your grandma is just tired from her flight. Come on." Hinila niya ako papunta sa grupo ng mga Da Silva na masayang nagkukuwentuhan. Naupo ako sa tabi ni Mommy, ngunit sa kasamaang-palad, ang kabilang tabi ko ay si Angelica. My God! Can this night get any worse? "What's with your face, Couz? Too excited to go home? Sa bagay, sino bang gugustuhing manatili dito kung ang celebrant mismo ay ayaw sa 'yo. What a pity," sabi niya na may bahid ng panunuya. Palihim akong napairap ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. "Yeah, can't wait to get rid of your botox face as well," mahina kong sabi, saktong para marinig niya. "b***h!" bulalas niya. Sa halip na bigyan siya ng pansin, nakinig na lang ako kina Tito habang kumakain. Naririnig kong nagtatanong si Señora Celestina kay Ruiji tungkol sa pag-aaral at plano nito pagkatapos ng graduation. Gagraduate na kasi si Ruiji ngayong taon sa kursong Business Management. Alam kong napilitan lang siyang ipursue ang kursong ito dahil sa utos ni Tito. Kung malaya lang siyang pumili, tiyak akong tulad ni Crixx, Mechanical Engineering ang kukunin niya dahil hilig niya talaga ang mga kotse. "How about Brielle, Natasha?" Napahinto ako sa pagkain nang bigla siyang magtanong tungkol sa akin. Masiglang ngumiti si Mommy. "Brielle's doing great in her studies, Señora. She's currently a second-year student pursuing Accountancy. Actually, she's been a consistent top student since high school." Dahil dito, tiningnan ako ni Señora. "Interesting," sabi niya, sabay singhap ng katabi kong si Angelica. Ramdam kong binibigyan ako nito ng matalim na tingin, ngunit hindi ko ito pinansin. "Thank you, Señora," tanging sagot ko. "So, what are your plans or goals after school?" Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko, nasa hot seat ako. Isang maling sagot at parang ma-e-evict ako sa bahay ni Kuya. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "After finishing my Accountancy degree in DSU, I plan to gain experience and expertise in financial management or auditing. Over time, I’d like to help businesses, especially the Da Silva Inc., improve financial strategies and stay competitive. Eventually, I hope to start my own consultancy firm to support businesses and help them grow. I believe it’s all about learning, growing, and making an impact in the business world," sabi ko nang diretso. Tahimik. Napatingin ako sa kanila at napatingin din sila sa akin. May nasabi ba akong mali? Laking gulat namin nang biglang tumawa si Señora ng malakas. Napayuko ako, handa sa mga mapanirang salita niya. "You sound familiar. Like me when I was your age—full of ambition and motivation. Keep it up," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Ang mga titig niya ngayon ay ibang-iba kaysa kanina. "Keep it up, Brie. Don’t let love ruin what you are right now." Ngumiti siya sa akin sa unang pagkakataon, ngunit may kakaiba sa mga mata niya. Para bang may lungkot at sakit na dulot ng nakaraan. ••• Tinapik ko ang pisngi ko nang ilang ulit. Grabe, hindi ako makapaniwalang ngumiti sa akin si Señora. Delusyon ko lang ba iyon? Pero nakita ko talaga, ngumiti siya. Napabalik ako sa realidad nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Ley: Hi! Brie, I’m still waiting for your presence tonight... baka naman! Oh my gosh! May birthday party pala akong dapat puntahan. Sinipat ko ang oras—11:23 PM na. Kaninang 8:00 pa nagsimula ang party. Lagot, paano ako magpapalusot? Napatingin ako sa mga pagkain sa mesa at nakaisip ng paraan. Tumakbo ako papunta sa comfort room at nagsimulang mag-jumping squats. "Thirtyyyy…hah…hah…" Tumigil ako nang tumulo na ang pawis ko. "You can do this, Brie. Ngayon lang 'to," sabi ko sa sarili ko. Lumabas ako ng restroom at naglakad papunta kina Mommy. Hawak-hawak ko ang tiyan ko, kunwari namimilipit sa sakit. "Brie, sweetie, what happened? Are you okay?" tanong ni Mommy, halatang nag-aalala. "Mom... I think may masama akong nakain. Ang sakit po talaga ng tiyan ko," daing ko. Nataranta siya. "Oh my gosh, sweetie! You need a doctor! Ano bang kinain mo?" "Huwag na po, Mom. Nakainom na ako ng gamot. Can I go home first?" "Oh, of course, of course, sweetie. Ipapahatid kita kay– Pinutol ko agad ang sasabihin niya. May balak pa ata siyang ipahatid ako kay Ruiji. "No, Mom, ayaw kong makaabala, please. Señora, wont like it. Kaya ko pang umuwi mag-isa. May tinawagan na akong grab driver, "pangungumbinsi ko. Nag-alangan si Mommy pero pumayag rin. Hinatid niya ako palabas ng mansion at sinabihan akong siya na ang magpapaliwanag kina Tito. Nang makasakay sa taxi, napabuntong-hininga ako. Phew! Nakalusot din. ••• Bumaba ako sa taxi at tumambad sa akin ang makulay na signage ng De Barz. Kinakabahan akong lumapit sa entrance, ipinakita ang ID at invitation card ko. Nang makapasok, napatigil ako sa malakas na tugtugin at dami ng tao. Tinawagan ko si Ley. Nagtaka pa ako ng agad itong nakasagot na para bang kanina pa niya hinihintay ang tawag ko. "Brieeeeeee! You called! Are you coming?" tanong niya, halatang excited. "Yeah, actually nandito na ako sa entrance. Where are you?" "Gosh! Really?! Wait, I'll go there. Don’t move!" Binaba ko ang tawag, at napalinga-linga sa paligid. "What are doing here!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD