Kagabi pa lang ay nakaimpake na ako para sa 3-day trip namin sa Tinago Falls. Tinulungan ako ni Yaya Nimfa sa paghahanda para siguradong wala akong makalimutan. Habang nagbibihis, naalala ko ang pangyayaring pinagpaalam ako nila Merry kina Tito. Muntik na akong hindi payagan ni Mommy na mag-travel dahil nalaman niyang ayaw kong magdala ng bodyguard o driver. Alam ko namang malaki ang tiwala ni Mommy sa akin, ngunit sadyang ayaw lang niya akong mapahamak. Marahil ay natatakot siyang matulad ako kay Lailee. Buti na lang at nakumbinsi sila nila Lorry.
"Señorita Brie, nasa baba na po ang mga kaibigan niyo," paalala ni Yaya Nimfa.
Sinulyapan ko ang repleksyon ko sa salamin, tinitigan ang outfit ko sa huling pagkakataon bago bumaba. Bitbit ang nag-iisang maleta, maingat akong bumaba sa hagdan.
Sa drawing room, nakita ko sila Merry na behave na behave na nakaupo sa sofa. Sa harap nila ay nakaupo sina Tito Emanuel na parehong seryoso, parang nasa business meeting. Ngunit gumaan ang kanilang ekspresyon nang makita ako.
"Mom, Papa, we're leaving now," sabi ko habang nakipagbeso kay Mommy.Tumango lang si Tito sa amin habang nagbabasa ng document sa Ipad.
"Be careful, girls. Ayaw kong umuwi kayo na may galos o di kaya pilay, Understood? Bye, sweetie!" paalala ni Mommy.
"We will, Mom. Bye!"
"Bye po, una na po kami, Tita, Señor!"
Pagkasakay namin sa kotse na maghahatid sa amin sa airport, sabay kaming nakahinga nang maluwag.
"HO! Grabe, nakakatakot ang parents mo, bebs. Hanggang ngayon parang mauubusan ako ng hangin tuwing kinakausap nila ako," reklamo ni Merry.
"Sinabi mo pa! Nakakabingi ang intensity nila. Para kaming nililitis kanina," dagdag ni Lorry.
Napatawa ako sa mga reaksyon nila. Hindi pa rin sila nasanay, at sa tingin ko, hindi rin nila nanaisin masanay. My parents are strict and always formal, unlike their families who are casual and easy to be with. Minsan, nakakainggit din.
---
Pagdating namin sa NAIA, kanya-kanya kaming hila ng mga bagahe. Si Merry, nag-vlog pa kaya tinulungan namin siyang dalhin ang mga gamit niya papunta sa eroplano.
"Vakla, ano bang nakain mo at parang dinala mo lahat ng gamit sa bahay niyo? Tatlong araw lang tayo sa Tinago, hindi tatlong taon," reklamo ni Lorry habang hila ang malaking luggage ni Merry.
"For three days naman talaga 'to! Huwag ka nang magreklamo, vakla. Dinalhan kita ng mga favorite foods mo. Ikaw rin, bebs. Teka... mag-‘Hi’ kayo," sabi ni Merry sabay tutok ng camera sa amin.
---
Four hours later...
Mag-aalas-onse na nang makarating kami sa Iligan City. Dumiretso kami sa isang sikat na hotel na tinatawag na Blue Mansion Iligan, kung saan kami nakapag-book ng one-bedroom apartment.
"Wow, ang ganda dito! Wala pa tayo sa Tinago Falls nito ah!" manghang sabi ni Merry habang nililibot ang apartment. Kanina pa siya kumukuha ng pictures; ewan ko lang kung hindi mapuno ang storage ng phone niya.
The apartment has a king-sized bed and additional sleeping arrangements, perfect for a group of travelers. May private pool din, balcony for relaxing, at fully-equipped kitchen. May Netflix TV at karaoke rin para sa entertainment.
"Gutom na ako," usal ni Lorry.
Nagpahinga kami saglit bago maglunch. Pagkatapos mabusog, tumambay kami sa balcony kung saan kitang-kita ang overlooking view ng mansion's private pool. Dahil sobrang nag-enjoy kami, napagdesisyunan naming mag-explore muna sa hotel at bukas na pumunta sa Tinago Falls.
---
Kinabukasan, maaga kaming nagising at nag-almusal para sa biyahe patungong Tinago Falls. Dahil sa secluded location nito, may 8km pa kaming babyahe. Sumakay kami ng habal-habal sa halip na private vehicle dahil gusto ni Merry maranasan namin ito. Sa una, kinabahan talaga ako kasi walang seatbelt at nahihiya akong humawak kay Manong driver. Minsan, napamura pa ako nang bumilis ang takbo namin. Sina Merry at Lorry, magkasama sa isang motorcycle, kaya solo akong nakaupo sa likod ng driver.
Pagkatapos ng 15-minute ride, sobrang laking pasasalamat ko nang makababa. Nanginginig ang tuhod ko kaya nagpahinga muna kami bago akyatin ang mahigit 500 steps na hagdan.
"Hah! Bakit di niyo sinabi na stairway to heaven pa pala bago marating ang Tinago!" reklamo ni Lorry habang humihingal.
"Namislook ko yung nabasa ko sa internet. Akala ko 50 steps lang... Hah!" sagot ni Merry.
Pagtingin ko sa paligid, napangiti ako. "The name of this place makes sense to me now."
"Ha?" tanong ni Merry.
"Because, it takes a lot of effort to find it, like a treasure box," sabi ko habang namamangha sa kagandahan ng talon.
Napakaganda ng lugar—dense tropical vegetation, crystal-clear water, at ang lagoon sa ibaba ng falls. It felt magical kahit pa maraming turista sa lugar.
Nagpakasawa muna kami sa pag-picture bago mag-swimming. Nag-rent din kami ng tables and chairs para makapag-snack. Napagod kami sa pag-akyat, pero sulit na sulit.
"Oh gosh, he looks so hot, bebs. Siya na yata ang Papa de Azukal na meant to be ko," kinikilig na sambit ni Merry habang ngumunguya ng fries.
Napatingin kami ni Lorry sa direksyon ng tinititigan niya at tumambad sa amin ang isang gray-eyed foreigner na nakangisi at pakindat-kindat sa kanya. Hindi ko napigilang matawa nang bigla itong batukan ng babaeng may kasamang dalawang bata. Pamilyado pala.
"Delulu pa more. Ikain mo na lang 'yan," kantyaw ni Lorry na ikinaikot ng mata ni Merry.
Maya-maya, nagtaka kami nang bigla itong tumayo at lumapit sa grupo ng mga foreigners. May kinausap siyang blonde boy habang tinuturo si Lorry, pero hindi namin marinig ang pinag-uusapan dahil medyo malayo sila.
"Anong ginagawa niya?" tanong ko, na halatang naguguluhan. Nagkibit-balikat lang si Lorry.
Nagulat kami nang biglang lumapit sa amin ang blondeng Afam na kanina’y kausap ni Merry. Ang berde niyang mata ay halos kumikinang sa ilalim ng araw, at ang mamula-mulang balat niya’y parang napaka-alaga.
"Hi! I’m Dilan (Dai-lan). Your friend told me that you wanna take a picture with me but are just too shy to approach. So, do you still wanna do it with me?" sabi niya kay Lorry sa malumanay ang tono.
Napako kami sa puwesto habang nakatitig sa kanya. Si Lorry naman ay parang naging kamatis sa pamumula ng mukha. Wala na bang ibang paraan ang universe para gawing awkward ang sitwasyon? Ako lang ba, o parang iba ang dating ng tanong niyang "Do you still wanna do it with me?"
"Oh, she definitely still wants to take a picture with you. Di ba, vakla?" sabat ni Merry, sabay siko kay Lorry.
Sa huli, napilitan si Lorry na ngumiti sa camera habang awkward na nakaupo sa tabi ni Dilan. Hindi na siya nakakareact dahil sa gulat, habang si Merry naman ay pigil-tawa habang pinipicturan sila. Kung may award para sa ultimate prankster, tiyak si Merry na ang mananalo. Buti na lang at hindi madaling mapikon si Lorry.
"HAHAHAHAHAHA! Para kang natatae sa pictures! Ang epic ng mukha mo," tawang-tawa si Merry habang tinitingnan ang mga kuha niya.
Dumila si Lorry at sinabuyan ng tubig si Merry. Bigla itong napatigil sa pagtawa at halos mabulunan, kaya kami naman ang natawa.
Ngayon, nakaupo kami ni Merry sa bamboo raft habang si Lorry ay nag-eenjoy sa paglangoy sa malinaw na tubig ng Tinago Falls.
"By the way, ang bagay na bagay sa’yo ang white two-piece mo, bebs. Dapat siguro subukan mong sumali sa modeling industry," sabi ni Merry na may kasamang witwiw na pang-aasar.
Napatingin tuloy ako sa suot. I am wearing a one-piece swimsuit with a stylish one-shoulder design in white, featuring a diagonal waist cutout and a high-waisted bottom for a chic and flattering look.
Nag-ngiting aso si Lorry habang nag-aadjust ng goggles. "Pak! Nasa’yo na lahat, gurl! The face card, the brain, the height, and now the body that could turn on and drown a thousand men," dagdag pa ni Merry, kunwari’y nagpo-posing na parang photographer.
"Merry, tumigil ka nga! Anong turn on ka diyan?!" nahihiyang sagot ko habang palinga-linga sa paligid, baka may nakakarinig.
"Kung may Helen of Sparta, dapat may 'Brielle of DSU' rin!" sabat ni Lorry na agad sinang-ayunan ni Merry.
Halos mapatampal ako sa noo dahil sa kanilang dalawa. Wala talagang preno ang mga bunganga ng mga ito!
---
At Da Silva Mansion...
"Haven’t you heard the news? The Montalgo’s are planning to buy the St. Celestine University. They’re starting to compete with our school. We need to do something about this, Emanuel!"
"Calm down, Tasha. I’m aware of the situation, but there’s no need to worry. They can’t replace our school that easily—SCU doesn’t even compare to our institution."