Chapter 12

1444 Words
Several weeks have passed at nakabalik na ulit si Ruiji sa pag-aaral. Napag-uusapan parin ang pagka-dismissed sa kaso ni Ruiji hanggang ngayon sa DSU ngunit patago dahil ipinagbawal ito ni Tito Emanuel as the founding president of the school. Naapektuhan ang school at business ng Da Silva dahil sa controversy. May ilang students na lumipat sa ibang schools pero marami pa rin ang nanatili at piniling magtikom-bibig. Nagpapasalamat naman ako na may mga taong hindi naniwala na kayang gawin ni Ruiji na manggahasa.When Ruiji recounted everything that happened on the night of the incident, I believed him instantly. Knowing him, I was certain he wasn’t capable of such a heinous act. Ruiji would never resort to violence to win over a woman—not when women were always chasing after him. With his charm and looks, he could have anyone he wanted. Hindi rin niya sasadyaing banggain o hamakin ang isang Montalgo dahil yon ang iniiwasan ng mga Da Silva. Kung ano man ang dahilan noon ay di ko lubos maunawaan. "Ruiji, my god, you've gone thinner than the last time we saw you! Are you alright?" naluluhang sabi ni Mommy. " Tasha, let your son breathe. Let's go home first " sabi naman ni Tito at tinapik tapik ang balikat ng anak. "Emanuel" Napatigil kami ng humakbang palapit si Doña Heralda. Sinubukan pa siyang hilahin pabalik ng asawa ngunit di siya nagpapigil. Bakas ang galit sa sopistikada niyang mukha, mapapansin rin ang mga linya na tanda ng panahon, ganoon pa man hindi nito nabawasan angking ganda na taglay ng doña. " I didn't think you'd stoop down that low to cover up your son's mess. " nagngingit-ngit ang ngipin ng Doña sa pagpipigil ng emosyon. " Indeed, the fruit doesn't fall far from the tree. Hanggang ngayon tuso pa rin kayo! " Nagdilim ang mukha ni Tito. Lumapit siya, ang boses ay matigas ngunit may pigil na galit. "Doña Heralda, hindi ko alam ang ibig niyong sabihin. I don't have to cover up for my son, dahil wala naman talaga siyang kasalanan." " I believe narinig niyo lahat kanina and my son is telling the truth. Malakas ang loob ko na naframed-up ang nangyari sa kanya," unti-unting bumilis ang pahinga ni Tito kaya nilapitan at pinakalma siya ni Mommy. Ang mga mata ng Doña ay kumislap sa galit."Ipagdasal niyo na talagang frame-up ang nangyari. Matagal na kaming umiintindi at umiiwas sa inyo dahil alam kung nagkasala ako noon. Ngunit hindi ako makakapayag na pati ang apo ko magdusa sa kamay ng pamilya niyo. My brow raised up in confusion. Binaling ng Donya ang tingin kay Ruiji na nakaigting na naman ang panga. " I know sooner, lalabas din ang totoo at luluhod sa putikan ang gumahasa sa apo ko," mariing sambit nito at tumalikod. Ano kayang kasalanan ang nagawa ni Doña Heralda sa mga Da Silva ? Bakit gano'n na lang ang galit niya ? " Brie? Hoy! Luh, lutang ang bebs natin " Naputol ang iniisip ko nang marinig ang boses ni Merry. "Ha? A-ano ?" Nakapangalumba ang dalawa sakin. " Kanina pa kami dito excited na nagpaplano para sa sembreak week, di ka naman pala nakikinig, " ngusong sabi ni Merry. "Sensya na bebs, may naalala lang, " Nakatinginan ang dalawa."Sus, alam ko na yang naaalala mo, nagsisimula sa letter 'M', "parang balewalang sabi ni Merry. "Hindi kaya," mabilis kong tanggi, sabay iling. "Alam niyo, sikat na destinasyon ang Tinago Falls. Gusto kong maligo doon. Ano, 'G' ba kayo?" "Luh!Change topic si gurl" Tumawa pa si Lorry. "Anyway, nakita ko nga rin yan sa internet, 'G' na 'G' ako dyan. Pero sabay tayong tatlo mamimili ng swimsuits, ha?," nagningning pa ang mga mata nito ng banggitin ang 'swimsuits'. "Basta ako magrarash guard ako," deklara ni Lorry. " Me too," sabi ko na nagpalukot sa mukha na ni Merry. " Ano! huwag nga kayong kj. Minsan lang to dapat ma flaunt natin ang ating hotness, beautyness, deliciousness at lahat ng 'ness' natin." Kumanyapit siya kay Lorry. "Vakla, magbikini ka na please para di na ma shy si bebs. Alam kung maypagkabrusko kang kumilos pero eabab ka parin atsaka remember "YOLO" iyong Olympic Gold medalist. We need to experience this bago pumutok ang Mt.Apo ulit at sumalakay ang mga alien sa Philippines, sige na! " niyugyog niya pa ng maigi si Lorry. "Ou na, fine. Mas nahihilo ako sa mga pinagsasabi mo. Nababahala ka pa talagang sumalakay sa Philippines ang ancestors mo–Arayyyyy," napahawak na lang sa balikat si Lorry ng hampasin ni Merry. Napailing -iling ako habang nakangiti dahil sa kalokohan ng dalawa. "Brielle" Napatigil ako sa pagkain ng yogurt at napalingon sa likuran. Paglingon ko, nakita ko si Ley, isa sa malalapit kong kaibigan sa violin practice. Mukha siyang kabado habang papalapit. "Oh, Ley, ikaw pala yan" Mas lumapit siya sakin at napatingin kina Merry. " B-busy ka ba?" Umiling ako at ngumiti. "I just want to give you this. Hopefully, makapunta ka." Nabasa kong sa October 30 ang party, gaganapin sa De Barz. "Oh my! advance Happy birthday sayo, you're turning 19 na pala" "Yeah, and I'd really appreciate it kung makakapunta ka, Brie, " hinawakan pa niya ang kamay ko. "Ah, hindi ako tatanggi diyan pero sa 'De Barz' i-cecelebrate, di ba?" Nakasulat sa card ang address ng bar. Nagdalawang-isip ako habang tinitingnan ang card. "Baka hindi ako payagan ng parents ko kasi sa bar. Pero, huwag kang mag-alala—gagawa ako ng paraan para makadaan." "Gano'n ba, kahit walang gift, sana makapunta ka," nanlulumong sabi niya. Jusko! nakokonsensya tuloy ako. Nagpaalam na si Ley dahil tinawag siya ng mga close friends niya. " Pano na ' yan, huwag mong sabihing aatras kasa plano natin," tanong ni Merry. "No, I won't. Friday pa naman. Puwede namang 3 days tayo don sa Tinago tapos uwi tayo sa Thursday. Kinabukasan, ibibigay ko lang naman ang gift sa kanya, makikipag-usap sandali tapos nakauwi nako ng hindi nila nalalaman." "Sinong 'nila' yong birthday attendees o iyong parents mo? " mapaglarong sabi ni Lorry. " Parents" I heavily sighed. "Alam niyo namang hindi sila papayag kaya gagawa ako ng paraan. Di ko lang alam kung anong idadahilan ko, magaling si Mommy makiramdam" "Yon lang," singit ni Merry. ••• "Will she come ? " Humithit ulit ang lalaki ng sigarilyo bago ibinuga ito sa hangin. Maya-maya ay naging blangko ang expression nito habang nakatingin sa kawalan at napakuyom ang kanang kamao na nakapatong sa handrail. "Then, do something to make it sure! Remember, what you'll lose, baby." Meanwhile, a man took a step forward to approach him but paused midway. Instead, he retreated into the shadows, silently positioning himself in the corner to eavesdrop unnoticed. "Do what I wish for and you can have me," nangagalaiting sabi nito at pabalyang tinapon ang cellphone. "Damn it !" Matapos marinig ang pagmumura ay lumabas ang lalaki sa pinagtataguan. " Zephyr " Nabaling ang blangkong tingin ni Zephr sa lalaking dumating. Biglang nagbago ang expression niya at naging masayahin. " T, you're here! What a miracle! " Nagyakapan saglit ang dalawa bago naupo sa VIP area. " You've been MIA for weeks, Lolo and Lola's worried ," pinagmasdan siyang maigi ng lalaki. Zephyr leaned back, swirling his drink lazily. "Y'all miss me that much?" uminom ito ng alak. "Ahh...( binaba ang inumin) that's natural ako nato eh. Siguradong iiyak si Lolo pagnawala ang pinakagwapo niyang apo ," mapaglarong sabi nito. The man remained stoic. "You're planning something, aren't you?, " walang paligoy-ligoy na sabi nito. Humalakhak naman si Zephyr. His laugh was so loud that other people looked in their spot. Binawi ni Zephyr ang tingin mula sa mga nagsasayaw sa dance floor. "What made you think that way, hermano? I'm just enjoying my life, here. Aren't you used to it? " Hindi naalis ang titig ng lalaki sa kanya. "Fine. I plan to pay someone to teach that bastard Ruiji a lesson. Sounds fun, right?", masayang sabi nito at humithit ng sigrilyo. Napabuntong hinga ang kapatid at uminom ng alak. "Don’t make things worse, Z. Both sides have evidence that doesn’t lie. What if Ruiji’s telling the truth?" Zephyr’s eyes darkened. "Truth? Then how do you explain this?" May kinuha itong envelope at inihagis sa mesa. The man opened the envelope, revealing the pictures of Judge Mariano and Mr. Emanuel Da Silva na nag-uusap sa isang resort. " They're f*****g manipulative, T. Don't fall for it. " "Where did you get this? Is this authentic?" Sinuri pa ito ng kapatid. "I had it verified, and it's not Photoshop. It doesn’t matter anymore where it came from— it's time to get even with them."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD