Muli kong minulat ang aking mga mata kasabay ng pagtapos ko sa aking tugtugin. Binaba ko ang violin at pormal na yumuko sa harap ng maraming tao.
Hindi pa ko tuluyang nakaka-baba ay sinalubong na ako ni Mommy.
"It's such a great performance, Brielle. I'm so proud of you. Congratulations, sweetie! "
Tipid akong ngumiti at niyakap si Mom. How I wish she was always like this. I often miss Mommy, though she was never separated from me, I always seek for that "Mommy" who considers my feelings and preference.
"Thanks Mom, I wouldn't be here if it wasn't for your support."
"No problem, sweetie...Shall we?"
Inakay niya ko palapit sa mga guests ni Tito Emanuel or should I say the Da Silva family. Halos narito lahat ang mga relatives ni Tito sa Birthday celebration niya.
"Tasha, Manuel... your daughter is such an exceptional performer...kunti na lang maniniwala na akong walang hindi kayang gawin si Brielle. Talented na nga, magaling pa sa academics... at ito pa may potential sa Modelling and Pageant Industry... such a beauty.", saad pa ni Tita Beauty. Nakangiting napatango naman ang ibang guests maliban kay Angelica kaya nahihiyang ngumiti na lang ako. Mom widely smiled while Tito laughed proudly. Hindi ko maiwasang tumutol sa sinabi ni Tita B, marami pa akong hindi kayang gawin, hindi ko pa nagagawa ang talagang nais ko.
" Oh, you should believe it now, B... Talia Brielle is meant to stand out in everything", Tito Emanuel said.
"Not at everything Papa, I can't stand out against you" I interjected and they all laugh.
" Oh goodness, Brielle, I wish my daughter grows up like you "
Di nagtagal ay umabot ang usapan nila tungkol business kaya nakahanap ako ng pagkakataon para makapag-excuse. Wearing an emerald bodice dress, I scurried away from them and find my close friends. Hindi na ko nahirapan maghanap dahil agad kong nakita si Merry at Lorena sa isang table.
"Bebbbsss! Ang galing-galing mo kanina... ang gorgeous mo rin ngayon...tinalbugan mo na naman ang beauty ko. " Excited na bumeso sakin si Merry, Si Lorena naman ang sumunod.
"Until now, I don't understand why you always hide your beauty ... I mean why can't you dress like this in the campus..."
Natawa naman ako sa tinuran ni Lorena, iyong mukha niya problematic na parang may sino-solve na mathematical equations.
" Vakla, hayaan mo na si Bebs natin minsan lang to...teka lapit nga kayo sakin, kailangan may pang i********: post ako ngayon. "
Busy kami sa pagkuha ng pictures, ng may biglang may sumagi sa akin ng pagkalakas. I tried to balance myself but someone stepped on sa mahabang laylayan ng evening gown ko.
"Ohh, My bad, Brielle...are you alright...
Nakita kong agad na dumukwa si Angelica para tulungan akong makatayo, ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking braso kaya napangiwi ako.
" Serves you right, attention seeker! Remember Brielle, whatever you do, you still don't belong to this family," bulong niya sa akin. Nang makatayo ako ay ramdam ko ang paglubog ng kuko niya sa aking braso.
"Don't worry, everyone... just a small incident...." Sabi niya sa mga guests. Sila Lorena ay nakaalalay naman sa aking gilid at bakas ang pag aalala.
"I'm really sorry, cousin... hindi kita na pansin... nasugatan ka ba ? " pekeng tanong ni Angelica habang nag-aalala.
Hindi nako nabibigla sa ganitong galawan niya... ever since Tito Emanuel claimed me as his daughter ganito na siya. Angelica Da Silva is an evil in disguised. Hindi mo aakalain na sa likod ng maamo niyang mukha ay may nakatagong malademonyitang pag-uugali. Matagal na siyang may galit at inggit sakin pero siyempre hindi iyon alam ng mga Da Silva kasi mabait ang pakikitungo niya sa akin sa harap ng maraming tao.
"Sandali! Lucy bitawan mo nga bebs namin, na nanadya ka na naman."
Pilit na tinanggal ni Merry ang kamay ni Angelica sa braso ko. Hinawakan ko naman ang braso ni Merry para kumalma, buti na lang hindi na kami napapansin ng mga bisita.
" Excuse me!!! I'm not Lucy, ilang beses ko bang sasabihin yan sayo ha.... isa ka pa social climber! "
"Aba, ang baho talaga ng bunganga nito..mas bagay sayo ang Lucy "
" Angelica, tigilan mo nga iyang ka plastikan mo, mas mukha ka pang attention seeker eh..." – Lorena
" Lorena...Merry, huwag niyo na siyang patulan pa..... Angelica pwede ba birthday ni Tito ngayon huwag mong pairalin ang pagka- inggetera mo–What did you say! How could you!!!
Agad ko ng hinila ang mga kaibigan ko paalis kahit nagngingit-ngit pa siya sa galit, dinala ko sila papasok sa mansion.
" Ano ba yang si Lucy....alam mo bebs may sayad talaga yang fake cousin mo...
"Shh.. Merry baka may makarinig sayo"
"What! I'm telling the truth... pretentious pa!"
Nang makarating kami sa kitchen area ay hindi pa rin natigil ang dalawa kaya inawat ko na.
" Guys...tama na yan..dapat mag enjoy lang tayo diba?"
Nag-inhale, exhale naman si Merry at nag pose na barang nag-memeditate.
"Tama ka, Bebs dapat good vibes tayo...inhaaaaale...exhaleeeeeee... anyway may chika ako" Salitan niyang pinataas ang mga eyebrows at ngumisi ng pagkalaki-laki.
" Kung tungkol yan sa ex mong loko...huwag na lang, Merry Christina nabubuwesit lang kami sayo," pangbabara ni Lorena.
"Hindi no nakamove-on na kaya ako, latest information to at authentic galing kay Ella"
" Heh, si Ella iyong classmate mong marites...talagang naniniwala ka ron?"
Umupo na man ako sa stool pagkatapos kung maglagay ng foods and drinks sa kitchen counter para naman may pagkaabalahan kami habang nagkukuwento si Merry.
" Ou, alam mo namang matabil ang dila non pero nagsasabi naman siya ng totoo... sa kanya nga natin nalaman na jowabels pala ni Sir Baguio si Edith eh."
Anyways times two, ang sabi pinauwi raw sa Pinas si Crixx Montalgo at sa DSU siya magtatapos ng 4th year...
Napakunot naman ang noo ko sa narinig. Montalgo? May isa pa pala akala ko apat lang sila.
"Eh, ano naman kung umuwi? "
"Tsk, naku Lorena wala ka talagang alam sa ganito... ang balita kasi may ginawang kagaguhan tong si Crixx sa US kaya na drop out ...tapos pinauwi ng Erpats niya pero ang nakakagulat bakit sa DSU pinagtatapos.. marami namang prestigious university sa Philippines" bumaling sakin si Merry. " di ba Bebs nemesis ng mga Da Silva ang mga Montalgo? "
Nilunok ko muna ang kinakaing cake bago siya sinago. Ang totoo wala akong alam tungkol sa history ng Da Silva at Montalgo kaya na curious rin ako.
"Ang alam ko lang matinding competitors ni Tito Liam at Emanuel sa business ang mga Montalgo at iniiwasan talaga nilang maugnay sa mga ito. " Napahawak naman sa baba si Lorena na parang may malalim na iniisip bago nagsalita.
"Alam niyo malaki ang kutob ko na hindi lang tungkol sa business ang issue nila, palagay ko mas malalim pa don kasi kahit sa mga business social gatherings hindi talaga sila nagpapansinan kahit halos magkatabi lang tables nila... alam niyo yon ang liit-liit lang ng mundo nila pero hindi sila nagkakausap... ni- Hi!, ni-hoy! wala talaga...
"Iyan nga ang point ko bakit sa school ng enemy mag-aaral si Crixx? At bakit hinayaan ni Tito Emanuel na makapag enroll sa DSU ang isang Montalgo."
Nakakapagtaka nga kung tutuusin puwedeng tanggihan ni Tito kasi siya ang nag-mamanage ng DSU.
" Ano kayang punot-dulo ng pinag-awayan nila? , " curious kong tanong. "Teka sino ba tong Si Crixx ? Si Demetri iyong cousin lang kasi nila ang natatandaan ko."
"Bebs, kanina pa tayo nag-uusap di mo naman pala kilala si Crixx.... eto ha si Crixx Tevon Montalgo ang bunso sa magkakapatid kaya may pagka spoiled. Sa lahat siya lang ang kayang mag rebelde alam mo ba Business courses lahat ang kinuha ng mga kuya niya siya lang tong magtatapos ng Mechanical Engineering....at eto pa palagi daw tong nasasangkot sa gulo...bihira rin daw makitang may kasamang babae.. lalong walang pinapakilalang girlfriend kaya mysterious siya para sa lahat..eh woman magnet pa naman ang mga kapatid niya.... pero malabo ring vaklosh yon kasi may pagkabadboy nga diba...
Kumain na lang ako ng pasta at hinayaan si Merry magkuwento. Na curious tuloy akong makita iyang Crixx na yan?Ma-stalk nga sa f*******:.