Kabanata 22

1381 Words
Khol Buong araw ko nang hindi ma-contact si Ria. Nagri-ring naman ang phone pero walang sagot. Kung magre-reply sa chat ko ay halos wala pang limang salita ang ginagamit. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Baka mamaya ay may nangyaring hindi maganda dahil hindi naman ganito ang girlfriend ko. Wala ring dahilan para magselos at maging cold nang biglaan. Nagpunta na rin ako sa hotel pero ang sabi ng staff, kahapon pa raw umalis. Nakita ko rin iyon sa CCTV footage. I parked my car outside the hospital where her mother was admitted. Sinubukan ko siyang tawagan ulit bago ako lumabas ng sasakyan kaya lang ay wala talaga. Next thing I knew, nakapatay na ang cellphone niya. I sighed and finally went out. Dumiretso ako sa silid ng nanay ni Ria ngunit nang maabutan kong tumatawa habang mayroong pinanonood sa telebisyon ay napakunot ako ng noo. Akala ko ba may malubhang sakit 'to? Tumingin siya sa akin. "Yes? Nag-book ka ba sa club? Ang bata mo pa, ah." Sandali akong lumunok saka ko isinara ang pinto. Hindi ko alam kung nasabi na ni Ria ang tungkol sa relasyon namin pero siguro kailangan kong sabihin kung sino talaga ako at ano ang pakay ko rito. "Magandang araw ho. Ako ho si Khol. Boyfriend po ako ng anak n'yo. Nandito ho ba siya? Hindi ko ho ma-contact." Kumunot ang noo niya. "Boyfriend? Paano ka naging boyfriend ni Ria kung kagagaling lang dito kanina ng boyfriend niya? Dinalahan pa nga ako ng prutas." Napakurap ako. "Pardon?" She rolled her eyes. "Bingi ka ba? Sabi ko hindi naman ikaw ang boyfriend ng anak ko." Lumunok ako, pinipilit ang sariling huwag maniwala. "Hindi lang ho ako naipakilala kaagad dahil baka magalit daw ho kayo. N-Nasabi ho niyang . . . hindi maganda ang relasyon ninyo." "Ano?" Nahilot niya ang kanyang sintido. "Umiral na naman pala ang kasinungalingan ng batang 'yon." I clenched my fist. "Hindi ho sinungaling si Ria. Ako ho mismo ang tumulong para makaalis siya sa club kung saan n'yo siya pilit na ipinasok." Umismid siya. "At naniwala ka naman? Hindi mo ba naisip na kaya hindi ka ipinakilala kasi may iba siyang nobyo? Saka hoy! Huwag mo akong mapagbintangan na ako ang nagpasok sa kanya sa club dahil siya ang nagpumilit! Gusto niya nang kumita ng pera dahil ayaw na siyang tustusan ng tiyahin niya dahil ayaw niyang mag-aral nang maayos." I shook my head. "N-No, that's not true. She doesn't want to show off her big brains because you get mad whenever she's reminding you of her late father." "Sinungaling ang batang 'yon. Sino namang nanay ang ayaw makitang mahusay sa eskwelahan ang anak niya? Mag-isip ka nga! Saka hindi mo ba naisip, hmm? Na kaya tuwing dumadalaw dito ay hindi ka isinasama kasi dito sila nagkikita ng boyfriend niya? Matagal na sila. Ang usapan namin, kung makatapos na siya, doon siya sasama sa boyfriend niyang si Rendon. Bakit hindi mo itanong kay Gerona? Magkaibigan sila. Alam ng batang iyon ang tungkol kay Rendon. Ikaw? Kung totoong ikaw nga ang nobyo ng anak ko, dapat matagal na kitang kilala kaso hindi naman." Umismid siya at pinasadahan ng tingin ang suot kong tee shirt at simpleng maong shorts. Akala yata ay wala akong ibubuga sa buhay. "Kung sabagay. Kay Gerona nga nagsinungaling? Sinasabing hindi ko raw pinakakain para ilibre siya palagi no'ng bata. Sinabi pang mayroon akong kanser para makahingi ng donasyon mula sa pamilya ni Gerona. Diyos ko, nakakahiya!" Sumikip ang dibdib ko. No. No, Ria will never make up those things. She will never do that! Sinubukan kong ikalma ang sarili ko. I took in a silent breath and kept my gaze at Ria's mother as I shoot another question. "N-Nasaan ho si Ria? Gusto ko ho siyang makausap." She sighed. "Malamang nasa nobyo niya. Ayaw na raw um-attend ng graduation. Sasama na raw kay Rendon sa probinsya sabi ni Rendon kaya nagpaalam na sa akin kanina 'yong nobyo. Hindi ko alam kung kailan ang byahe at saan ang eksaktong lugar. Ang sabi babalikan na lang ako at isasama roon kapag nakalabas na ako. Ang alam ko lang, mayamang pamilya iyong pinanggalingan ni Rendon. May malawak na lupain. Basta haciendero! Kaya imposibleng mas piliin ka ng anak ko. Mukhang pera 'yon." My jaw clenched. Haciendero? Putangina may pera rin naman ako, ah? Ano bang akala nila sa pamilyang pinanggalingan ko? Pipitsugin? The door opened. Pumasok si Rona na may dalang pagkain. Halatang nagulat pa at namutla noong nakitang naroroon ako. Awtomatiko ring napatingin sa nanay ni Ria na parang hindi niya alam kung tutuloy siya o lalabas na. Madilim ang ekspresyon akong bumaling kay Rona. "Si Ria, nasaan? Kakausapin ko." Nagkamot ng ulo ang ina ni Ria. "Rona, ikaw nga ang magsabi diyan! Ayaw maniwalang sumama na sa boyfriend niyang si Rendon si Ria. Ayaw akong paniwalaan noong sinabi kong kaya hindi siya pinakikilala sa akin dahil hindi naman talaga siya ang boyfriend ng anak ko. Diyos ko, pati pala sa isang ito sinabi ni Ria na masama akong ina!" Tumingin sa akin ang nanay ni Ria. "Sige nga, hijo? Kung masama talaga akong ina sa anak ko, bakit ako pupuntahan ni Rona para dalhan ng pagkain?" Rona lowered her head but I saw how she pursed her lips for a moment. Maya-maya ay humugot siya ng hininga bago nagsalita. "P-Pasensya ka na, Khol pero . . . hindi na babalik si R-Ria. H-Huwag mo na rin daw siyang kontakin kasi n-nagkaayos na sila ni Rendon. N-Nilapit-lapitan ka lang kasi niya noon d-dahil g-gusto niyang magselos si Rendon. N-Nagkakalabuan na kasi sila dati k-kaya g-ginamit ka niya." Lumunok siya. "S-Sinubukan ko namang pigilan, eh pero . . . hindi kasi nakikinig. Pasensya ka na talaga." Para akong nanghina. Rona is Ria's best friend. Kilalang-kilala niya ang girlfriend ko at nakita ko kung gaano katibay ang pagkakaibigan nila kaya hirap na hirap akong pigilan ngayon ang pagpasok ng mga negatibong bagay sa isip ko. Mahal ko si Ria kaya ayaw ko silang paniwalaan pero . . . paano ko ipipikit ang mga mata ko kung galing kay Rona ang kumpirmasyon? I had to take a deep breath, kasi kung hindi ay baka mabuwal ako dahil parang hindi ako makahinga. Ni hindi ko rin alam paano pa ako sasagot o kung ano ang susunod kong gagawin. Tila nablangko masyado ang isip ko at hindi ko alam kung dapat bang ipilit ko pa na makita si Ria. "Masaya ang anak ko kay Rendon kaya kung ako sa iyo, huwag mo na siyang guluhin pa dahil kahit nuknukan ng sinungaling si Chandria, gusto ko pa ring magkaroon siya ng masayang buhay kasama ang taong mahal niya." Ngumisi ang ina ni Ria. "Kung ikaw nga ang mahal, dapat, ikaw ang kasama kapag binibisita ako. Dapat, ikaw rin ang kapiling ngayon kaso . . . nasaan? Na kay Rendon. Wala rito—" Hindi ko na hinintay pang matapos ang sinasabi ng nanay ni Ria. Lumabas na ako ng kwarto para iligtas ang sarili ko mula sa sakit ng mga salitang sinasabi niya dahil baka kung mananatili pa ako kahit isang minuto na lang, bumigay na ang dibdib ko. I can't fight the words trying to get inside my head. Kahit gusto kong panghawakan ang pagmamahal na mayroon kami ni Ria, masyado akong nabubulag sa sakit ng mga salitang nanggaling sa nanay niya at kay Rona. Kaya ko pa sigurong hindi paniwalaan kung sa nanay niya lang nanggaling, eh. Kaso hindi. Rona supported Ria's mom's sentiments. Doon ako nanghina. Doon ako bumigay. I got inside my car and slammed the steering wheel out of anger and pain. Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi ko pa kayang tanggapin lahat kaya kahit parang desperado na, nag-chat ako ulit kay Ria kahit hindi ko alam kung sasagot pa ba siya. I asked her who Rendon is, but the moment I saw her reply, I felt like my whole world just crumbled down before my eyes. Love: Boyfriend ko since grade nine. I'm sorry, Khol. Okay na kami ulit. Huwag ka na sanang manggugulo pa. Namuo na lang ang mga luha ko habang nakatitig sa chat, at nang hindi na kinaya pa ng dibdib ko, ipinikit ko ang mga mata ko saka ako sumandal sa headrest ng upuan. Putangina . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD