Chandria
"Bilisan mo na diyan!" sigaw ng tauhan ng lolo ni Rona na si Justiniano o Jawo kung tawagin ng mga pinagkakautangan niya.
I wasn't the only one. Iyong mga sinasabi noon ni Rona na lumalapit kay Jawo? Kapag hindi pala nakapagbabayad ay sinisingil niya sa ibang paraan. Either he will force them to kill themselves for his satisfaction or they'll need to pay him using their bodies. Kung ayaw, iba ang ibabayad gaya ng nangyari sa akin. This is how he makes his money. He lends cash to people until they can no longer pay, and then he will use them to make money for himself.
Noong nalaman ko iyon, napagtanto ko ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng Papa ko. Maybe my father didn't want my mom nor me to be the payment of his debt that's why he took his own life, but Jawo wasn't satisfied. Hindi naging sapat na kabayaran ang buhay ng Papa ko kaya siningil pa rin si Mama. Hindi rin naging sapat ang serbisyo at perang ibinayad ni Mama. He wanted more, until I became the last payment that he needed.
"Ano ba? Ang kupad-kupad mo naman!" asik ng tauhan ni Jawo kahit nakikitang nahihirapan akong magbihis dahil sa laki na ng tiyan ko.
I pursed my lips and nodded before I tried to fit myself in a lacey sexy dress a client wanted me to wear. Hindi ako makatakas kay Jawo dahil unang-una, ang hirap gumawa ng paraan kapag buntis ka. Pangalawa, hindi ko alam kung nasaan ako. Pangatlo, ang daming bantay na handa akong pagsamantalahan, saktan, o patayin.
He kept me in a remote area where rich men come and pay him just to use me. Diring-diri na ako sa aking sarili dahil sa lahat ng ginagawa nila sa akin ngunit wala akong magawa. Natatakot akong tumakas dahil noong sinubukan kong sumalisi, muntik nang malagay ang baby ko sa peligro.
They nearly beat me up and threatened me to make sure they would kill my child. Siguro kung hindi nga lang gusto ng isang parokyano ang babaeng buntis, baka matagal na nilang ginawaan ng paraan ang tungkol sa pagdadalantao ko.
That's what scares me the most. Ang may mangyari sa anak ko habang nasa impyernong ito ako kaya kahit ilang buwan na akong sinasaktan, binababoy at hindi itinuturing na tao dahil sa lahat ng mga bagay na ginagawa at pinagagawa nila sa akin, tinitiis ko ang lahat, umaasang oras na makapanganak ako ay mas maging madali na ang pagtakas.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Ria kaya binabalik-balikan kita, eh kahit ang mahal ng bayad sa'yo," nakangising sabi ng customer na katatapos lamang akong gamitin.
All I could do is stare blankly at the wall as I got dressed, my tears are building up in the corners of my eyes as I stood up to go to my safe room where no one is allowed to get inside but Jawo. Nang maisara ko ang pinto ay kumawala nang tuluyan ang aking mga hikbi. I had to lean on the door as I sobbed while my palm rested on my baby bump.
"Sorry, anak. Sorry, wala pang maisip na paraan ang mama para makatakas tayo. Ayaw kong bugbugin na naman nila ako. Ayaw kitang mawala dahil sa pananakit nila."
I felt my baby kicked. Mas malakas na ang mga sipa at paghilab nitong mga nakaraan. Matindi na rin ang back pain ko at kung tama ang aking bilang, araw na lamang ang hihintayin bago ko isilang ang baby namin ni Khol.
I grabbed the bobby pin I use to scratch the wall to count the days I am held captive and abused in this place. Gumuhit ako ng isa pa habang sapo ang aking sinapupunan, pigil ang luha at pilit lamang nagpapakatatag.
I sniffed after staring at the long list of lines I drew on the wall. Ang tagal na. Ang tagal-tagal na. Wala man lamang bang naghahanap sa akin? Wasn't I relevant to someone for them not to look for me? Si Khol? Naghanap ba kahit sandali?
The thought of Khol not looking for me breaks my heart the most. Nawala ako sa piling niya na ang huling bagay na nagawa namin ay magpakuha ng larawan sa graduation pictures. Ni hindi ko nasabi ang tungkol sa baby namin. Ni hindi man lang niya narinig na sabihin ko kung gaano ko siya kamahal.
I wiped my tears when I felt my baby's kick once more. Nawawalan na ako ng pag-asang mahahanap pa ako. If only I could get access to anything I could use to create a drug-like that will put them to sleep or numb them, but Jawo will never let me wander around. Oras na mahuli na naman ako, ikakadena na naman ang aking paa at papasuin ng sigarilyo. Baka hindi rin na naman ako pakainin. Kawawa ang anak ko kung sakali.
Everything that my mother used to do to me, Jawo and his men are doing it, too. Mas matindi nga lamang sila dahil mas malakas sila kay Mama.
Kung mapuruhan nila ako, paano ang hustiya para sa akin? Sa mga taong siningil sa parehong paraan? Sa tatay ko at sa mga posibleng sumunod pa? I've seen them kill several people already. Iyong mga ayaw sumunod o ayaw magpagamit sa mga customer. Paano ang anak ko? Wala akong ibang aasahang magliligtas sa akin at sa kanya kun'di ako lamang.
Ako lang. Hindi kung sino. Hindi rin ang Diyos na halos isumpa ko na dahil tila naging bingi siya sa aking hinaing.
I sat down on the comforter I use so the floor wouldn't feel too hard when I'm sleeping. Hinimas ko ang humilab kong tiyan habang kagat ko ang ibaba kong labi, ngunit nang tumindi na ang sakit na nararamdaman ko ay tuluyan akong napapalahaw.
Someone went in. Nang makita ang aking itsura ay tinawag ang isa sa mga babaeng ibinibenta rin sa mga customer. Halos itulak siya palapit sa akin, at nang mapaluhod sa aking tabi ay nagkatinginan kami.
"M-Mukhang . . . manganganak ka na," aniya.
Hindi ko magawang magsalita. The pain is becoming worse every second and all I could think of is my baby's safety.
"T-Tulungan mo ko," pakiusap ko sa hirap na tinig nang tuminding lalo ang sakit.
Lumunok siya't tumingin sa tauhan. "Kailangan ko ng planggana ng maligamgam na tubig, bimpo at gunting," aniya sa tauhan ngunit umiling ang tauhan.
"Hindi papayag si boss. Gamitin mo na lang kung anong pwede mong magamit diyan."
Naluha na lamang kaming pareho dahil sa matinding awa sa aming sitwasyon at sa galit sa mga taong may hawak sa amin. Hindi ako makapaniwalang may mga taong tulad nila. Mga walang puso at labis ang pagkahalang ng mga kaluluwa.
The woman sniffed. Kung tatantyahin ay halos doble ang edad niya sa akin ngunit kailan lamang siya napadpad dito kaya madalas pang mabugbog dahil ayaw pumayag sa ibang gustong ipagawa.
"Ako si Ericka. Ikaw si Ria, 'di ba? 'Yong isang medyo matagal na?" she asked, trying to distract me from the pain after the guard left and locked the door.
I sobbed. "Opo."
Tumango siya habang pumapatak ang luha. "Tatagan mo ang loob mo. Magmula ngayon, magkakampi na tayo. Magtutulungan tayo para makaalis dito kaya kailangan mong lumaban. Kailangan makapanganak ka at walang masamang mangyari sa'yo. Naiintindihan mo ba?"
Pinaglapat ko ang aking mga labi habang tumatango. Basag naman niya akong nginitian.
"Manghihilot ang nanay ko sa probinsya. Tinutulungan ko siyang magpaanak. Alam ko ang gagawin pero wala tayong gamit kaya kailangan mong lakasan ang loob mo. Makinig ka lang sa lahat ng sasabihin ko. Kapag sinabing ire, ire."
I sobbed as I nodded my head. Sinunod ko lahat ng kanyang sinabi kahit na takot na takot ako para sa amin ng anak ko. The pain was excruciating but all I could think of was my baby's safety. Kaya kahit parang hindi ko na kaya, kahit na hindi ko na alam saan pa ako huhugot ng lakas, ibinigay ko ang lahat maipanganak ko lamang ang baby ko.
"Kaunti na lang, Ria. Kaunti na lang—ayan na! Sige, ire pa!"
I gave my all even when I was already exhausted, and as I heard my baby's loud cry, I had a glimpse of the hope I thought I would never feel again.
Hinubad ni ate Ericka ang suot niyang sando at iyon ang ipinambalot sa anak ko. She then gave me my baby so I could hold her. Nag-iyakan naman kaming dalawa, naghahalo ang ligaya at takot sa mga puso.
"Ang ganda-ganda niya." Ate Ericka sniffed. "Hindi siya pwedeng magtagal sa lugar na 'to, Ria dahil baka maliit pa ay pagsamantalahan na ng mga demonyong iyon."
My tears became heavy as I realized she was right. Hinawakan ko ang maliit na kamao ng anak ko habang hindi ko mapigilan ang paghagulgol.
"Patawarin mo ko, anak. Hindi man lang kita naipanganak sa maayos na lugar. Ni wala ka man lang lampin o damit na maisuot." I sobbed. "Patawarin mo si Mama . . ."
Ate Ericka sniffed. "Ria, kailangan mo siyang maialis dito."
I sobbed as I stared at her. Hindi pa ako makapag-isip nang maayos kaya hindi ko masagot ang sinabi niya, ngunit isa lamang ang sigurado ko. Handa kong gawin ang kahit na ano mailayo lamang ang anak ko sa lugar na ito.
We stayed in the room for hours. I fed my child and tried to clean her up with the clothes inside the room. Panay rin ang patak ko ng halik sa kanyang kamao at noo, umaasang mananatili sa balat niya ang mga halik ko. Nararamdaman ko na ang matinding pagod at pagkahilo ngunit pilit kong nilalabanan para lang masigurong ligtas ang anak ko.
Maya-maya ay inilabas na ng silid si ate Ericka, ngunit hindi nagtagal ay pumasok ang pamilyar na bulto. My eyes went sharp as I saw Rona's bloodshot eyes, wondering where she's getting the audacity to still visit me after what she did.
Rona sniffed. "N-Nanganak ka na raw. N-Nakiusap ako kay lolo na h-hayaang ialis ko rito ang bata. Ibibigay ko siya kay Khol—"
"Hindi ko ibibigay ang anak ko sa'yo." My tears fell as I held my baby closer to my chest. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako! Kayo ni Mama!" I sobbed. "Mga wala kayong puso!"
Humikbi siya't lumuhod sa aking harap. "I'm sorry. Natakot ako. Kung hindi ko siya susundin, paulit-ulit niya akong pagsasamantalahan. Pati ang mama ko idadamay niya at papatayin niya kayo ng Mama mo, Ria." Humagulgol siya. "Patawarin mo ko. Gusto ko lang makatulong kaya kukunin ko ang baby. Pangako, iiwan ko siya sa labas ng bahay nina Khol—"
"Kung gusto mo talaga akong tulungan, matagal ka nang nagsumbong sa pulis!"
"Hindi gano'n kadali. Maraming koneksyon ang lolo ko. Mapapahamak tayong lahat. Pati sina Khol ay madadamay." She sobbed. "Ria, please. Ibigay mo na muna ang baby habang humahanap ako ng paraan para mailigtas ka. Maniwala ka sa'kin, umiisip ako ng solusyon."
Umiling ako kahit nahihilo dahil sa tindi ng pagod sa panganganak. "Hindi ko ibibigay ang anak ko sa'yo."
She sniffed. "Kung hindi mo gagawin, mamayang madaling araw, kukunin din siya sa'yo ni Lolo. May mga kilala siyang mahilig mangmolestya ng sanggol. Gusto mo bang may mangyari rin sa bata?" She held my arm as she sobbed. "Kahit ngayon lang, pagkatiwalaan mo ako ulit. Kailangan lang nating masigurong walang masamang mangyayari sa baby."
I shook my head as I hugged my baby even more. Ngunit kahit anong paglaban ang gawin ko sa antok at pagkahilo, hindi na kinaya ng katawan ko. My consciousness slowly drifted away, and when I woke up, may larawan na sa aking palad na tila kuha gamit ang polaroid.
Nag-panic ako nang hindi maramdaman ang anak ko. "Anak?!" I tried to pull myself up, but when I noticed the photograph in my hand, I ended up bursting into tears when I realized who's in the photo.
It was Khol holding our baby. Kuha mula sa malayo ang larawan at mukhang hindi rin napansin ni Khol. Sa likod ng larawan ay isang note na halatang sulat ni Rona.
"I kept my promise. Your baby is with her Daddy now."
Napahagulgol na lamang ako't nilapat sa aking dibdib ang larawan.
"Uuwi ako sa inyo, mga mahal ko. Uuwi ako sa inyo."
I kissed the photograph as my tears fell heavily. Maya-maya ay muli kong tiningnan ang larawan.
"Hintayin mo ako, Khol. Sa ngayon, huwag mo sana siyang pababayaan." I sobbed. "Mahal na mahal ko kayong pareho. Mahal na mahal ko kayo . . ."