Kabanata 25

1774 Words
Khol Mabilis akong tumayo at binitbit ang binder ko palabas ng classroom. The last subject each day always feels the longest. At dahil wala akong ibang iniisip kun'di si Kendra, halos makipag-unahan ako sa paglabas ng classroom makauwi lang kaagad. "Khol?" I heard a familiar woman's voice. Sandali akong tumigil para lingunin si Rona. She goes to the same university and is taking up business management as well. Magkaiba lang kami ng schedule dahil pinili ko iyong hindi loaded araw-araw nang may panahon ako para sa baby ko. "Zup?" I asked. She hugged her binder and walked towards me with a small smile plastered on her face. "Can I visit after my class? I wanna see Kendra. I bought her new clothes." I jerked my head. Palagi naman siyang dumadalaw. Magmula noong nakarating sa kanya ang balita noong pinabinyagan si Kendra, madalas na siyang pumunta sa bahay para tumulong sa pag-aalaga sa baby ko. Katwiran niya ay anak ng best friend niya si Kendra kaya sa kabila ng mga nangyari, malambot ang puso niya para sa anak ko. I flashed a small smile. "Sure." Lumawak ang kurba sa mga labi ni Rona. "Thank you—" "Khol, nakita ko pictures ng anak mo. Ang taba na!" anang isa sa mga kaklase kong si Dale nang maabutan ako sa hallway. Napangisi ako't nakipag-apir sa kaklase ko. "Lakas na kumain, pre. Pwede na kasi sa mashed potato." He grinned. "Kaya yata hindi ka talaga mayaya ng inom, eh. Sayang, birthday pa naman ni Carter sa susunod na Sabado. Paalam ka naman sa bulinggit mo." I laughed a bit. "Bawal. Hirap silang mapatahan prinsesa ko kapag gabi na at wala pa ko sa bahay." Nagkamot siya ng ulo. "Wala ka ngang asawang magbabawal, may anak ka namang mahirap patahanin—" Naputol ang sinasabi niya nang mapagtanto na hindi iyon magandang biro. Tumikhim naman kaagad at humingi ng dispensa. "Ayos lang." I forced a smirk. "Wala naman talaga, 'di ba?" He sighed. "Alam mo baka mas magandang humanap ka na ng magiging nanay ni Kendra, bro habang wala pang isip ang bata. Baka kung lumaki na at maghanap, mahirapan ka." Hindi ko itinago ang tungkol kay Kendra kahit maraming nagtatanong kung nasaan at sino ang nanay. Some probably knew it's Ria while others thought I had someone pregnant while I was in a relationship with her but my family chose not to answer any of the rumors. Hindi ko rin sinasagot ang mga tanong at iniiwasan na lamang. Kaya lang syempre, dahil bulgar ang pagkakaroon ko ng anak, madalas din akong sabihan ng mga ganoong bagay gaya ng sinabi ni Dale. Tumikhim si Rona. "Khol? Mamaya na lang, ha? Kita na lang tayo sa inyo. May next class pa ako." I turned to her and nodded. Inakbayan naman ako ni Dale at makahulugang nginisihan. "Maganda rin 'yan, pare. Ang bait pa sa anak mo. Ba't hindi na lang 'yan?" tanong niya. Bumuntonghininga ako. I really hate conversations like this. Kaya imbes sagutin, nagpaalam na lang ako nang makauwi na. I parked my car and immediately went out. Sa garahe pa lang dinig na dinig ko na ang atungal ni Kendra mula sa sala. Mukhang nahihirapan si Daddy na patahanin. Wala rin si Mommy dahil may importanteng kasong kailangang hawakan. Kuya Khalid looked like he has a terrible hangover. Mukhang nagising sa iyak ni Kendra. Naunahan din akong makalapit kaya nang makuha niya si Kendra at hinayaan ko na muna. "What's our problem, hmm? You're not wet, you don't look sleepy, and your tummy seems full so what's causing your tantrums, hmm?" I heard my brother ask while holding Kendra. My daughter bit her fist while staring at kuya Khalid. Umiiyak pa rin kaya nang maglabi ay hindi na ako nakatiis. Pinatakan naman ni kuya ng halik sa ulo bago ipinasa sa akin, ngunit nang makalong ko at biglang tumigil sa pag-iyak, natatawa na lamang na umiling sina kuya at Daddy. "Such a daddy's girl, huh?" si kuya. "Ayoko ng anak na babae. Hindi ganyan kaiyakin kung lalake saka kung babae, baka puro Barbie lang gustong laruin. Gusto ko 'yong kasuntukan ko." Umismid si Daddy. "So you can have someone who will punch you on your groin and slap you hard on the face like what you did to me when you were little, huh?" "I never did that," depensa ni kuya. "Ask your grandpa. He's a witness. Saksakan ng bigat ang kamay mo," sagot ni Daddy. I smirked and kissed my daughter's fist. "Buti na lang ikaw hindi mabigat kamay mo. You're so gentle." Like your mom . . . Napalunok ako nang maalala na naman si Ria. Nag-message ako ulit sa kanya kanina. I sent her photos of Kendra, hoping that she would want to watch our daughter's growth, pero sa sandamakmak na litratong ipinadala ko, ni isa wala man lang siyang tiningnan. I really don't know why I still send her updates. Siguro ganito ako katanga para isiping magsisisi rin siya. Na uuwi rin siya sa amin ni Kendra. Na mabibigyan namin ng buong pamilya ang anak namin kahit parang . . . ako na lang talaga ang may gusto. Ang dami na ring nagsasabing hayaan ko na dahil ni minsan naman hindi siya nagpakita. I even sent her a digital invitation of Kendra's christening but Ria just sent me a like sign. Iniyakan ko iyon dahil sa awa ko sa anak ko. Kahit noong binibinyagan si Kendra, halos yakapin ako ni Lolo dahil hindi matigil ang pagluha ko. There are times, too that I cry at night while watching my daughter sleep on my chest. Lalo noong nabakunahan at nilagnat kaya iyak nang iyak, kasabay niya akong lumuluha sa kwarto. "Magbihis ka muna, Khol. Akin na muna 'yang tabaching-ching na 'yan, presinta ni kuya." I jerked my head and gave him Kendra. Mabuti na lang at malaro sa bata si kuya kaya noong hinarot na niya ay hindi umiyak. I had the chance to change into my indoor clothes, ngunit bago ako ulit bumaba, nag-check na naman ako ng chats at umasang kahit ngayon lang, sana nag-reply na si Ria ngunit bigo na naman ako. Sineen lang ang larawan ni Kendra na natutulog sa tabi ko. I sighed as my chest felt heavy again. Until when are you going to ignore us? Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko saka na bumaba. I made Kendra some mashed potato and fed her. Dahil maliit pa at mabagal pang kumain, naabutan pa kami ni Rona sa kusina. She immediately went to carry Kendra. Buhat niya ang anak ko habang pinakakain. Panay rin ang punas niya sa gilid ng bibig. Natawa pa kami nang habulin ni Kendra ang maliit na kutsara na tila gustong ubusin ang nasandok na pagkain. "Huwag kang mag-alala, Kendra. Marami pang nagawa si Daddy na mashed potato para sa'yo," aniya saka ako nginitian. I forced a smile. Hindi pala madaling maging magulang. May mga pagkakataong natatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang mga ginagawa ko. Kung masyado bang mainit ang tubig na ipinaliligo ko o kung masyado bang maraming gatas ang nailalagay ko tuwing nagtitimpla. I often question everything that I do as a single Dad, but every time I'm having low confidence with what I do, Rona would lift up my spirit and tell me that I am doing the best I can. Pagkatapos kumain ni Kendra ay nagtungo kaming tatlo sa pool area. My little one loves dipping her chubby feet in the pool. Naupo kami ni Rona sa gilid ng pool saka ko hinawakan si Kendra nang mailublob ko ang matataba niyang binti sa tubig. Her thin lips curled for an innocent smile as she cooed, making my heart feel so full. "Khol, may dumi ka pala sa pisngi." Bumaling ako kay Rona nang punasan niya ang mantsa ng mashed potato sa kanang pisngi ko. Baka nalagyan kanina nang binuhat ko si Kendra habang hindi pa nalilinisan ang mukha. She took her time to wipe my cheek, but when she's done, I noticed how she stared at my lips for a few seconds. Umiwas na lang ako ng tingin saka ako humugot ng malalim na hininga. "Hindi pa ba nagre-reply si Ria sa'yo?" I asked. Nadama ko ang pagbagsak ng mood niya. Ang tingin ay tumutok sa tubig habang ang ulo ay nakayuko na tila ayaw ipakita sa akin ang ekspresyong nakapinta ngayon sa mukha niya. "Hindi pa rin." Tumikhim siya. "Pabayaan na siguro natin kung . . . kung ayaw talaga?" I swallowed the lump in my throat. "I just want her to see how much Kendra has grown already. Kahit . . . may iba na siya, sana . . . maging involved pa rin siya sa buhay ni Kendra. That's . . . all I want." "Is it?" may bakas ng lungkot na tanong ni Rona. Bumuntonghininga ako. "I'm . . . trying to accept how things ended up between us kaya kahit . . . involvement na lang sa buhay ni Kendra. T-Titiisin ko na lang kung . . . may iba na talaga." She took in a deep breath. "Sana . . . huwag kang maging maramot sa sarili mo, Khol. Sana kung . . . kung masaya na siya sa iba, h-huwag mo ring ikulong ang sarili mo sa nakaraan. H-Hayaan mo rin sana ang sarili mong m-maging masaya kahit . . . kahit hindi na siya ang kasama mo kasi . . . kasi deserve mo rin naman 'yon, 'di ba?" Napatiim-bagang ako habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ni Kendra, at habang tumatagal na nakatitig ako sa anak ko, mas lalo kong naiisip si Ria. "I still want her. I . . . I want her to come home to me and Kendra. Kung may iba man, kahit . . . kahit alam kong mali ang makihati, siguro . . . lulunukin ko ang pride ko." "Pero hindi tama 'yon. Hindi mo deserve 'yon." Rona looked into my eyes as if my words frustrated her. "Hindi mo deserve na maging malungkot at mag-isa habang siya, may iba. Masaya. Malayang gawin ang mga gusto niya nang walang iniisip na responsibilidad. Sana mag-isip ka. Kasi hindi lang para sa'yo ang sinasabi ko. Para rin kay Kendra." She held me by my arm then gently squeezed it while she's staring into my eyes as if she's begging me. "Please, Khol. Please choose yourself already . . ." Umiwas ako ng tingin at pinatakan na lamang ng halik ang tuktok ng ulo ni Kendra. If only it's that easy, then I would've saved myself from the pain a long time ago . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD