Chandria Halos tumulo ang aking mga luha nang makita kung papaanong nakipagkamay si Jawo sa tauhan ng lalakeng nais akong bilihin sa halagang limampung milyon. Iyon ang parokyanong magmula nang makilala ako ay hindi na ako hinayaan pang magamit ng iba. Nagbabayad siya palagi kahit hindi niya ako ginagamit, masiguro lamang na wala nang iba pang makatitikim sa akin. Bihira lamang ding dumalaw rito. Kung pupunta man, tatanungin lang ako tungkol sa dating imbensyon ng papa ko na pumalpak. My tears weren't only out of pity for myself. It was . . . because of extreme anger towards all of them. Sa mga taong kung magbayaran ay tila isa lamang akong bagay na walang karapatang magkaroon ng kalayaan. I wanted to scream and tell them that they will all go to hell, but then I remembered. Nasa impyer

