Kabanata 16

1247 Words
Chandria Khol would often bring me whenever he's hanging out with his cousins. Habang tumatagal ay nagiging malapit na rin ako sa kanila lalo na kina Serene at Kambria. Ngayon nga ay nasa field kami at nagbi-braid ng buhok ng isa't isa habang naglalaro ng soccer ang mga lalake nilang pinsang pumapasok sa SJ High. Keios Ducani dropped by with his former team mates so it's like we're watching a live UAAP game. I saw Khol asked for a sub. Pumalit naman ang pinsan niyang si Kahel habang pawisan siyang nagtungo sa pwesto namin nina Serene. Nang makaupo ay inabutan ko ng tumbler gamit ang isang kamay. "Ria, saan mo balak mag-college?" tanong ni Serene habang tinatalian ko ng sanrio ang dulo ng braided niyang buhok. Nagkibit-balikat ako. "Wala pa akong plano, eh kung saan. Siguro kung saan may mataas na scholarship grant." "Why would you need a scholarship? Nandito naman ako?" sabat ni Khol kaya umalingawngaw ang pang-aasar ng mga pinsan niya. "Naku, wala na talaga itong si Khol. Ang lakas na talaga ng tama sa'yo, Ria!" humagikgik si Serene. "Sugar daddy naman pala ang pangarap, eh!" asar naman ni Kambria saka nag-apir ang dalawa. My cheeks burned. Ganoon din naman si Khol ngunit nagawa niya pa ring ngumisi. "Matalino si Ria. She's a genius. You should see how she solves mathematical equations in her head. Hindi sayang kahit gastusan ang pag-aaral," ani Khol. "Naku, Ria. Sa'yo na lang ako magpapatulong sa assignments ko," biro ni Serene kahit alam ko namang may ibubuga rin siya sa klase. I mean, none of the Ducanis were ever called stupid. Sabi nga ng mga guro ay golden children ang magpipinsan. "Tama na nga 'yang pagbubuhol ninyo ng buhok. Nagpa-sub nga ko nang makahingi ng lambing," asik ni Khol na ikinatawa ng mga pinsan niya. I pinched his side. "Ikaw kamo!" Khol smirked and waved at his cousins who moved a bit father to give us some space. Nang makalayo ang dalawa ay naupo siya isang baitang ang taas mula sa kinauupuan kong bleachers. His arms then wrapped around my shoulders while I rested my arms on his thighs. Tiningala ko siya. "Gusto mo bang mag-review mamaya sa hotel?" Khol pressed a gentle kiss on my forehead. "Nope. I wanna date you." Ngumuso ako nang mamula ang pisngi. "Pero nag-date na tayo kahapon." "That was a group date with my cousins." "Sa hotel na lang tayo. May nire-research ako, eh." Kumunot ang kanyang noo. "What is it?" A small smile made its way to my lips. "A formula that will help people with auto-immune diseases." His eyes flickered with something I couldn't decipher. "Is it because of kuya Krish?" I nodded. "I will never forget the look on his face." Bumuntonghininga ako. "Parang . . . nagpapanggap siyang nananalig pero deep down inside, he's . . . slowly losing faith." Si Khol naman ang nagpakawala ng malalim na hininga. "I knew you felt it, too. Most of my cousins are just being denial pero alam kong ramdam din nila na nawawalan na ng pag-asa si kuya. His disease is so rare and the survival rate is really small so I can't blame him but . . . I hope he'd hold on much longer." Halos yakapin niya na ako habang nakasandal sa tuktok ng aking ulo ang kanyang baba. "Maybe you're gonna be the miracle we all need." I smiled. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa ibang bagay. Tinawag siya ng mga pinsan niya para maglaro ulit ngunit todo na ang pagtanggi niya. Katwiran ay naglalambing pa siya. Ewan ko talaga sa isang ito! Noong lumabas ang kaharutan, halos hindi ko naman kayang sabayan! Nang matapos ang laro ay sabay-sabay na sana kaming aalis, ngunit bago pa kami nakarating sa parking lot ay naabutan ko ang isa naming kapitbahay ni Mama na tila mayroong hinahanap. Hindi nga ako nagkamali noong nagtama ang aming tingin. Lumapit kaagad siya sa akin at ibinalita ang isang bagay na halos magpalambot sa aking mga tuhod. "Ang nanay mo, Ria! Nasa ospital! Mayroon daw malubhang sakit!" "Ho?!" Tumingin ako kay Khol. "Ang mama ko!" He sighed. Maya-maya ay sinenyasan niya ang mga pinsan niya na mauna na bago niya ako sinamahan sa ospital kung saan naka-confine si Mama. Ang sabi ng doktor ay kanser raw sa obaryo. Tulog si Mama noong dumating kami roon kaya iyak ako nang iyak sa labas nang hindi siya magising. "Stage two. Baka pwede pang madaan sa surgery at chemo," ani Khol habang pinakakalma ako. I sobbed. Tunog pa lang ng surgery at chemo alam ko nang malaking halaga na ang kakailanganin. Saang kamay ng Diyos naman ako kukuha? May utang pa na binabayaran si Mama sa kaaway ni Papa. Kung iaasa ko na naman kay Khol, anong mukha pa ang ihaharap ko sa pamilya niya? I sniffed. "P-Pwede mo ba akong ibili ng tubig?" He nodded. Pinunasan pa ang mga luha ko saka ako pinatakan ng halik sa tuktok ng ulo bago tuluyang umalis. I don't really need a bottled water. I just need some time alone. Umaasang makakapag-isip-isip ako nang hindi niya ako inoobserbahan dahil sa sandaling panahong karelasyon ko si Khol, nakita ko na kung ano ang handa niyang gawin para sa akin. I cannot let him carry all the burden just to prove how much he really wants me. Suminghot ako habang nasa tabi ng higaan ni Mama. Mukhang nagising naman siya dahil sa impit kong paghikbi, at nang imulat niya ang kanyang mga, gumuhit ang matinding pangamba sa mga mata ni Mama. "Anak?" tawag niya sa nanghihinang boses. Parang piniga ang aking puso. Totoo ba ang narinig ko? Tinawag akong anak ni Mama? Lalong lumabo ang mga mata ko dahil sa pagkapal ng aking mga luha. "M-Mama, may sakit ka raw?" Namula ang mga mata niya. "Kanser daw, anak." She held my hand as if she wanted to borrow my strength. "Natatakot ako, Ria. Ayaw ko pang mamatay. Hindi ko kaya . . ." Napahikbi ako. "Huwag kang mag-isip nang ganyan, Ma. Baka makagawa pa naman po tayo ng paraan. Stage two pa lang naman po, eh. Baka may lunas pa po." Her sobs broke my heart despite all the pain she had caused me because at the end of the day, I still crave for her love and affection. Kahit parang . . . bulag ako sa mga bagay na nagagawa niya. Kahit mas matimbang na ang sama ng loob at trauma. "Ria, anak? Tulungan mo si Mama, please." Nabasag ang kanyang tinig. "Tulungan mo ako, anak. Pangako, kapag gumaling ako, magbabago na ako." I sobbed. "Hahanap ako ng paraan, Mama ha? Laban lang po tayo." She sniffed. "May kilala ako, anak. Pwede mo siyang serbisyuhan. Matanda na iyon. Mabait. Galante. Tutulungan niya tayo basta paligayahin mo siya." Natulala ako at ang katawan ay nanlamig habang pumapatak ang aking mga luha. "P-Po?" I blinked. "P-Paanong . . . serbisyo po?" Mama inhaled a sharp breath as she put my hand on her cheek. "Gagawin mo ba lahat para madugtungan ang buhay ko, anak? Mahal mo ba talaga si Mama?" I sniffed. "Opo pero—" "Kung gano'n ay tawagan mo siya. Sabihin mo anak kita. Tutulungan niya tayo sa gastusin sa ospital basta ibigay mo ang nais niya. Gusto no'n ng bata. Mauuto mo 'yon, anak. Para kay Mama, please?" Pumatak na lamang ang masagan kong mga luha. Looks like my mom is willing to sell my body just to save herself . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD