Kabanata 17

1716 Words
Chandria "Are you alright?" tanong ni Khol nang napansing tahimik ako magmula noong niyaya ko na siyang umuwi. Ayaw kong makita siya ni Mama. Baka mamaya ay siya ang hingian ng pera at piliting pagpasanin ng problemang mayroon kami ngayon kaya bago pa man nakabalik si Khol kanina ay nagpaalam na ako sa kapitbahay namin. I inhaled a sharp breath and nodded. "Iniisip ko lang ang sakit ng Mama ko." He reached for my hand to give it a gentle squeeze. "Don't worry about it. May pera naman ako na pwede mong magamit para sa surgery at chemo—" "Hindi," putol ko sa sinasabi niya. Kumunot ang kanyang noo. "What?" Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan saka ako payak na ngumiti. "S-Sabi ko hindi na kailangan kasi . . . kasi may tutulong naman kay Mama." He stared at me as if he doesn't buy my alibi. "Who?" "Uhm, 'yong . . . mayaman niyang parokyano." Pilit kong nilawakan ang aking ngiti nang maitago ang takot ko. "Huwag mo nang . . . isipin 'yon." He sighed. "Okay, but if you need anything, just tell me." Tumango na lamang ako at umiwas na ng tingin, takot na maramdaman niyang nagsisinungaling ako. Ayaw ko naman din iyong solusyong sinasabi ni Mama. Balak kong humanap ng ibang paraan, pero ayaw ko ring si Khol ang magdala ng problemang ito. Hindi ko siya naging nobyo para lamang malimas ko ang pera niya o ng pamilya niya. Hindi iyon ang gusto ko. I just . . . want to be with him, that's all. Iyong presensya niya lamang at pagmamahal ng buo niyang pamilya ay sobra-sobra na para sa akin. Anong karapatan kong ipasa sa kanya ang responsibilidad ko sa nanay kong may sakit gayong pinasan na nga niya ang gastusin sa pag-aaral ko? Kahit sabihing may kaya ang pamilya nila, kahit mahal niya ako, wala ako sa tamang lugar para ubusin ang perang hindi ko naman pinaghirapan. "Uhm, Khol? Pwede bang . . . dumaan tayo sa simbahan?" tanong ko. "Sure." He caressed my hair and pulled me so I can lean on his chest while he's driving. Hindi na rin ako nagsalita pa at pinakinggan na lamang ang t***k ng kanyang puso. I'm trying to focus on its every beat, hoping it would be enough to ease the chaos going on inside my head right now. Pagkarating namin ng simbahan ay halos maiyak ako habang idinudulog sa Diyos ang problema namin ni Mama. Takot na takot ako sa totoo lang dahil oras na wala akong mahanap na paraan para makalikom ng sapat na halagang kakailanganin sa ospital, dalawa lamang ang pwede kong pagpilian; ang hayaan si Khol na gumastos o ang lumapit sa parokyano ni Mama na kakayaning gastusan ang expenses sa ospital. I'm so terrified of the latter, but I can't let the first option be my choice. Khol doesn't deserve a girlfriend who will milk him. Ayaw kong maging sukatan ng pagmamahal niya ang kaya niyang itulong sa amin ni Mama. Ayaw ko ring husgahan ng iba ang nararamdaman ko dahil lang sa naiaambag ni Khol sa aspetong pinansyal. My heart may be young but I know what I feel for him will surely bloom into something more over time. I don't want this situation to scar our relationship because it will surely hurt the both of us once society begins to judge us. Suminghot ako't naupo sa kanyang tabi mula sa pagkakaluhod. Inakbayan niya naman ako't tila nais pakalmahin dahil hindi tumitigil ang pagdaloy ng aking mga luha. "I'll always be here for you, Ria. We may be young but my feelings aren't premature." He held me by my chin to make me look into his sincere eyes. "I don't like seeing you this way so please, if I can help, let me." Basag akong ngumiti. "Sapat na sa'king nasa tabi kita kahit ang dami-dami mo nang pagkakataon para pumili ng iba. Dito pa lang sa ako ang kasama mo imbes na mga babaeng abot na abot ang estado mo at ng pamilya mo, sobrang swerte ko na, Khol." His eyes softened as he wiped my tears. "Bakit ko naman pipiliing sumama sa babaeng kapantay ko ng estado sa buhay kung ikaw ang gusto nito?" he asked while placing my palm on his chest. "You feel that? It never beat this way for someone else before, and that's enough reason for me to be with you. Abot mo man ang estado ko o hindi." Lalong uminit ang sulok ng aking mga mata. Minsan naiisip ko, milagro yata ang nangyari kaya siya nagkagusto sa akin. Baka pinakinggan ng langit ang nais ng damdamin ko noon kaya heto siya ngayon sa tabi ko, sinasabi ang mga salitang ni sa panaginip, hindi ko inasahang maririnig ko mula sa kanya. Dito pa lang, sobrang swerte ko na . . . kaya natatakot akong mawala ang lahat ng ito sa akin dahil lang kailangan namin ni Mama ng pera. I sniffed. Sumandal ako sa kanyang dibdib saka namin sabay na pinagmasdan ang poon sa harap ng altar. I silently prayed that God will help me find a way to support my mother's medication without me having to sacrifice what I have with Khol. Kasi sa totoo lang, ito na lamang ang nakapagpapasaya sa akin ngayon. Khol gave me hope that I deserve love, too, no matter how small I see myself because I have nothing to offer but my genuine feelings for him. Nagpalipas kami ng ilang minuto sa simbahan. Nang magdapit-hapon ay dumiretso na rin kami sa hotel at nagpasyang mag-order na lamang ng pagkain. I went to take a quick shower while Khol ordered our food. Nang matapos akong magbihis ay naupo kami sa sofa at nagbuklat ng textbook. "Khol?" I called. "Hmm?" "Anong balak mong kuning kurso sa college?" tanong ko. "Sorry kung ang random. I just . . . don't wanna think about my mom right now." He smiled. "Actually, I'm planning to take business or sports management. Balak kong magtayo ng gym pagka-graduate." My brows furrowed. "Bakit gym?" "To help people gain their confidence and of course, to stay healthy, and to have an active lifestyle." Ngumisi siya. "Hindi gaya ng sa mga kapatid at pinsan ko, medyo . . . mababaw lang ang pangarap ko. I just want my own gym, have a shelter for abused dogs, and . . . of course, live a good life with my own family. Nakakatawa. Naiisip ko na 'yong panghuli ngayon." He pinched my chin. "Dumating-dating ka kasi sa buhay ko." Napangiti ako ngunit may kaunting lungkot sa mga mata. Ewan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakaramdam nang ganoon gayong wala namang nakakalungkot sa sinabi niya. Dapat nga ay matuwa pa ako at kiligin. I inhaled a sharp breath. "Kasama na ako sa . . . mga pangarap mo?" He grinned. "Syempre. We'll go to college together, graduate together, I'll build my gym and the shelter while I'm supporting your career as a chemist. We'll map out our lives together. Malakas naman ang paniniwala kong kaya nating sundin. Mahal mo naman din ako, 'di ba?" A broken smile made its way to my lips. Aren't we too young to map our whole lives at this age? Bakit parang . . . natakot ako? Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ako natatakot dahil nagpaplano na siya. My fear is coming from . . . something else. Napawi ang sigla sa mga mata niya. "Am I . . . being too fast?" "Hmm?" Bigla akong natauhan at napagtantong hindi na pala ako nakakibo. "Sabi ko masyado ba akong nagiging mabilis? Am I scaring you with my plans?" he asked worriedly. Lumunok ako. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Natahimik ka kasi." He bowed his head. Tila tinamaan ng hiya. "Sorry. Maybe I'm just too excited because this is the first time that I felt this way. It's a bit overwhelming but . . . I love how it feels like." Payak akong ngumiti bago ko isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. I traced his jaw with my fingertips while a small smile is plastered on my lips. "Bata pa tayo, Khol. Marami pang pwedeng mangyari pero . . . mahal kita, ha? Kahit . . . hindi pa natin tuluyang naiintindihan ang totoong konsepto ng pagmamahal." His eyes flickered with joy as he locked me in his arms. He then guided me to stradle him then made me wrap my arms on his neck while he held me by my waist. "We're eighteen. We're in between our teenage lives and the scary adulthood but there's one thing I can assure you, Ria." He tucked my hair behind my ear. "You are my first love . . . and I have a feeling that you're meant to be my greatest, too." I smiled, and as love slowly filled my heart, I had the courage to press my lips against his. Sumara ang aking mga mata, at habang unti-unting gumagalaw ang aming mga labi, pakiramdam ko ay naglaho lahat mg problema sa mundo. Time suddenly stopped and the only thing that mattered to me was the fire I'm feeling inside my chest. "Ria . . ." he called under his breath when our lips parted for a moment. "Mahal kita . . ." My lips twisted for a satisfied smile. "Mahal din kita . . ." His eyes burned with the love he has for me. "Do you trust me?" For some reason, I realized why he was asking me. I knew where this will lead so I tried to look for any hint of fear in my heart, but all I found was my feelings for him; burning, real, and young but unconditional. Humugot ako ng hininga't payak na ngumiti. "I do." His lips stretched for a genuine smile before he kissed me again, this time in a much deeper way. Maya-maya ay tuluyan niya akong binuhat upang dalhin sa kama, at nang lumapat ang likod ko sa malambot na mattress, natanggap ko na sa sarili ko ang isang bagay. This man will own my heart and soul for the longest time . . . ako man ang babaeng makasama niyang tumupad ng mga plano niya sa buhay o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD