Chandria
"Does it still hurt?" malambing ngunit may pag-aalalang tanong ni Khol habang hinahaplos ang aking buhok.
Nakaunan ang aking ulo sa kanyang dibdib habang yapos ako ng isa niyang braso na tila tahimik niyang sinasabing poprotektahan niya ako mula sa lahat ng pananakit ng mundo. Palagi namang gano'n magmula nang magkapalagayan kami ng loob. His arms became the sanctuary that makes me feel safe, no matter how cruel the storm is that's hitting my life.
Payak akong ngumiti. My fingertips stroked his defined jaw as I shook my head. "Hindi na masyado."
Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking ulo saka niya inayos ang comforter nang masigurong hindi lalamigin ang aking likod. To feel his warm skin against mine was heavenly, and despite the throbbing pain between my thighs, I . . . felt whole. Hindi ko alam kung bakit. Maybe this is what they warned us about? Iyong mararamdaman mong attachment sa unang taong pag-aalayan mo ng sarili?
I am in pain, but I have no regrets either. Siguro ay ganoon kakampante ang aking puso para malamang hindi lamang katawan ko ang habol ni Khol.
He was gentle as we did it even when I knew he was struggling to control himself. Kitang-kita ko iyon kanina sa kanyang mukha ngunit inuna niya ang mararamdaman ko. Alam ko namang may karanasan na siya. Inamin niya na iyon sa akin noon, ngunit nagulat pa rin ako kanina sa lahat ng bagay na nagawa niyang iparamdam sa akin.
"Do you want anything? Pwede akong um-order o kaya ay bumaba para bumili," he said in a gentle voice.
Sinilip ko ang labas ng glass door patungo ng terrace. "Gumagabi na. Baka hanapin ka na sa inyo, eh."
He shook his head and tucked my hair. "Dito muna ko."
I smiled and drew small circles on his chest. "Baka masanay tayo masyado sa ganito."
Ngumisi siya. "Eh, 'di maganda."
Pabiro akong umirap. "Bata pa tayo, 'di ba? Baka sabihin ng mga magulang mo ang aga nating gustong mag-live in."
Ganoon yata siguro kapag mga bata pa. Mapusok. Excited sa mga bagay-bagay kahit hindi pa gaanong handa. Kaya lang kapag nasa ganitong edad pala, ang hirap pigilin ang mga sarili. Maswerte lang siguro ako dahil hindi gago ang boyfriend ko. Alam kong kahit umalis siya sa tabi ko ngayon, hindi siya sa kandungan ng iba didiretso.
He ran his fingertips up and down my arm. "Maybe I should start saving up for a house, hmm? So we can move in after college? Yeah. Gano'n din naman ang magiging plano. We'll finish college, support each other's dreams, get married and have the family we want. Kaya ko 'yon. I'll learn more ways on how to maximize my earning potential kahit nag-aaral pa lang. I'll save up so I can give you a good life."
I don't know why I felt a pinch in my heart when I thought of him laying all of his cards to secure a future with me. Para bang gusto niyang paikutin ang mundo niya sa akin. Para bang sa mga mata niya, ako ang numero unong prayoridad niya.
Hindi ko siya napilit na umuwi. We spent the night together, at sa buong gabing kasama ko siya't kayakap, hindi ko naisip ang malaking problemang kailangan kong harapin dahil kay Mama.
Sabay kaming pumasok gaya ng nakagawian. Ngunit dahil mayroon silang importanteng meeting sa club kung saan siya kasali ay hindi ko siya nakasabay kumain noong recess.
"Rona, mag-shawarma na lang tayo?" I asked.
"Sige." Inilingkis niya ang braso niya sa akin saka siya ngumiti. "Baka mag-La Salle pala ako sa college. May napili ka na ba?"
"Wala pa." I forced a smile. "Hindi ko pa rin sigurado kung makakapag-college ba ako," sagot ko habang naglalakad kami sa hallway ngunit mukhang narinig ni Lolita at ng mga kaibigan niya ang sinabi ko.
"Oh? Bakit naman hindi ka makakapag-college? Hindi ba . . . ginagatasan mo naman si Khol?" She smirked. "For sure isang hubad mo lang sa harap no'n, may pang-tuition ka na kaagad."
Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya. I felt small. Lalo guilty ako na may nangyari na nga sa amin ni Khol. Hindi ko man siya hinuhuthutan ng pera, parang . . . bigla akong nanliit.
"Balita ko pokpok nanay niyan, eh! For sure nagpaturo sa nanay para makabingwit ng mayaman!" one of Lolita's friends teased that made them laugh in a more scandalous way. Napayuko na lamang ako saka na hinatak si Rona upang umalis, ngunit imbes na dumiretso sa canteen, mabilis akong naglakad patungo sa pinakamalapit na ladies room.
Hindi ko na napigilan ang maluha nang makapasok kami ni Rona sa loob. Niyakap niya naman ako't pilit na pinatahan kahit naluluha rin siya dala ng awa sa akin.
"Sorry, Rona. Hindi ko lang napigilan. Minsan masakit pa rin kapag nasasabihan na ginagamit ko lang si Khol. " I sniffed. "Pero hindi naman 'yon totoo. Mahal ko siya kaya hindi ako dapat umiyak. Sana . . . huwag mong sabihin sa kanya, ah? Baka mapaaway na naman 'yon."
She sighed. "Ang tagal na nating friends. Hindi mo naman kailangan magsinungaling, eh. Kung hindi ka okay, nandito din naman ako. Kung minsan parang nagdududa ka na rin sa sarili mo dahil masyado nang pumapasok sa isip mo ang sinasabi ng iba, nandito naman ako para ipaalala sa'yong hindi ka katulad ng iniisip nila. Hindi lang naman din si Khol ang masasandalan mo. Best friends tayo, 'di ba?"
Payak akong ngumiti. "Oo naman." I sniffed. "Medyo . . . hindi ko pa lang talaga alam paano ko sasabihin sa'yo ang problema ko ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Tungkol saan ba?"
Sandali akong suminghot. "Si Mama kasi, eh. May sakit siya, Rona. Tapos gusto niya na . . . makipagkita ako sa isa sa mga parokyano niya."
Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Rona. "Diyos ko. Ibig mong sabihin ay gusto ka niyang pasunurin sa yapak niya para lang makakuha ka ng pera kasi may sakit siya?"
Tumango ako. "Hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Khol. Natatakot din akong sabihin kasi baka gamitin niya ako at pilitin na gatasan ang pamilya ni Khol. Ayaw kong mangyari 'yon."
"Pero paano 'yan? Saan ka kukuha ng pera?"
I sniffed. "Hindi ko pa alam. Iyong number ng lalakeng sinasabi ni Mama, sinaulo ko lang noong sinabi niya sa akin pero wala akong balak kontakin dahil ayaw kong sundan ang yapak niya."
Bumuntonghininga si Rona. "Gusto mo ba kausapin ko ang Lolo ko? Baka makatulong siya. May mga kilala siyang doktor saka baka makahiram tayo ng pera sa kanya."
"Kaso baka ilang taon pa bago ko siya mabayaran."
Ngumiti si Rona. "Mabait naman si Lolo. Magmula noong namatay si Lola, sarili na lang naman niya ang iniintindi niya dahil may sarili namang pera ang mga anak niya." She pulled her phone out. "Tatawagan ko siya mamaya. Hindi bale. Marami ring lumalapit kay lolo dahil matulungin siya sa mga kinakapos sa buhay. Hindi ka niya pipiliting magbayad kaagad kung wala pang pera."
Rona showed the screen to me, but the moment I saw the phone number under her grandfather's name, my heart nearly stopped.
It was the same number my mom gave me.
That number belongs to the man my mom wanted me to sell myself to for money . . .