Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. They are inside a restaurant. Kausap niya si Daddy, nando'n ang kabit ni dad at ang demonyita kong step sister. Mukhang may pinaguusapan silang napakaseryosong topic. Hinawakan ko ang kamay ni Clover ng akmang d-derederetso siya. Kapag dumaan kami sa harap ng restaurant na 'yan, makikita ako ni dad at ni Meast. Kung si Meast okay lang kasi makakasabi ako sa kaniya, pero sila dad hindi nila pwedeng malaman na narito ako. "Bakit? Ayos ka lang ba?" akmang lilingon na siya sa restaurant, ngunit agad ko siyang hinila pabalik. "Doon tayo sa kabila, mas maganda yata roon eh." "Huh?" "Basta roon na lang tayo!" "O-oo sige, 'wag ka na'ng high blood." "Teka nga muna, bakit ka nandito?" "May binisita ako, 'yong tita ko." "Ah, wala kang dala na sasakyan?"

