Kabanata 55 Z A C H I A Tumayo siya at dumiretso sa bathroom. Nang lumabas siya doon ay wala na ang condom na nakasuot sa kanya kanina. Yumuko siya para mahalikan ako sa noo bago ako sinikop sa kanyang mga braso at dinala sa banyo. Nilapag niya ako sa bathtub habang pinupuno niya iyon ng maligamgam na tubig. Nang medyo tumaas na ang tubig ay dinaluhan niya ako doon. Naupo siya sa likod ko at pinatay na ang tubig. Inilagay niya ang mga hita niya sa magkabilang side ko. Nakaupo na ako ngayon sa pagitan ng mga hita niya, ikinukulong ako. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko. Sumandal ako sa kanya at ipinaubaya ang buong bigat ko, pumalupot naman ang mga bisig niya sa akin. Yumuko siya at binigyan ng

