Kabanata 56 Z A C H I A “I wouldn't have played if you had shown up sooner,” aniya sa isang mahinahong boses habang dinadampian ng halik ang balikat ko. Gulat at konting pagkalito ang naramdaman ko sa sinabi niya. Tinagilid ko ang ulo ko para tingalain siya. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata habang nakatuon iyon sa akin. “What do you mean? Do you think if we were the same age and we met earlier you wouldn't be a playboy?” Tumango siya, namumungay ang mga mata. “I played back then because I don't believe love is for everyone.” Itinaas ko ang kamay ko hanggang sa kanyang panga. Hinaplos ko iyon ng marahan. “At least you believe in love.” “Naniniwala ako doon pero hindi ako naniniwala na mararamdaman ko iyon.” Ngumiti ako. Para akong natutunaw sa sinasabi niya. “I wish

