Kabanata 59 Z A C H I A Pinalandas ko ang palad ko sa kanyang dibdib habang nakaunan ako doon. Hanggang ngayon hindi ko pa din maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kapag napagbibigyan kami ng pagkakataong magkasama ng ganito. Iyong kaming dalawa lang at wala kaming ibang iniisip kundi ang isat-isa lang. Kung pwede nga lang na palaging ganito. Sana nga pwede na kaming magpakasal agad para lagi ng ganito. Tuwing gabi, uuwi siya sa akin at mayayakap ko siya ng ganito. "May business trip ako abroad sa susunod na linggo. Hindi ko pa alam kung hanggang ilang araw ako doon. Kung pwede lang sana kitang isama…" Hinalikan niya ang buhok ko bago napabuntong hininga. "It's okay. I'll wait for you." "Hmm… May gusto ka bang pasalubong?" Umiling ako. "Wala. Kiss mo na lang, pwede ba?" Nag-an

