Kabanata 60 Z A C H I A Loud background music greeted us as we entered the bar. Mabilis naming nahanap ang inuupuan ni Lawrence. May mga alak at pulutan na sa Lamesa. Mukhang um-order na siya habang naghihintay sa amin kanina. May isang beer na din na bukas. Mukhang nauna na siya sa aming uminom. Bigla tuloy akong na excite na uminom. Ito ang unang beses na mag-iinom ako kasama ang dalawang kaibigan ko. Sa tingin ko sobrang mag e-enjoy ako ngayong gabi. Naupo kami ni Moira sa couch na inuupuan ni Lawrence. Napapagitnaan namin siya dahil nauna siyang naupo sa gitna. "Kanina ka pa?" tanong ko nang nakaupo na ng maayos. Tumango si Lawrence. "Oo, bakit ba ang tagal niyo naman?" iritado niyang sabi. "Ito kasing si Moira, ang dami pang arte. Okay na nga ang suot ko kanina, pinapalitan pa

