Kabanata 71 Z A C H I A Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa ginawa nila. Naiintindihan ko naman ang dahilan nila kung bakit hindi nila sinabi sa akin ang totoo pero karapatan ko pa din naman iyon. Karapatan kong malaman kung ano ang totoong nangyari noong gabing iyon. Karapatan kong malaman kung sino ang gumawa sa akin no’n. Pero naisip ko din na… desisyon ko din naman na talikuran ang kaso at kalimutan na lang ang lahat. Ginusto kong lumayo at takbuhan na lang ang mga nangyari sa akin kaya hindi ko sila masisisi kung bakit hindi na nila sinabi sa akin ang tungkol dito. Naisip siguro nila na hindi na mahalaga sa aking malaman ang totoo, na gusto ko na lang makalimot at magsimulang muli. Siguro natakot na silang magulo ulit ang buhay ko gayong sobra akong nags

