Kabanata 72 Z A C H I A Parepareho kaming natahimik nang nahinto na ako sa pagtatanong. Para bang hinahayaan lang nila akong i-process lahat ng impormasyong nalaman. Sumasakit ang ulo ko hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nalaman ko na ang totoo, pero hindi ko magawang matuwa sa mga oras na ito. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Bumabalik lahat ng sakit at takot na naramdaman ko noon at tingin ko nararamdaman iyon ng dalawang kasama ko. Agad na niyakap ako ni Ate Yakira habang si Kuya naman ay naramdaman kong bahagya ding lumapit sa amin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang umiyak at ilabas lahat ng nararamdaman ko na ilang taon kong tiniis na labanan ng mag-isa. Narinig ko pang nagtatalo na silang dalawa, sinisisi ni Kuya si Ate Yakira sa p

