Kabanata 36 Z A C H I A "Nirerespeto ko ang mga magulang mo, ang kuya mo, at lalo na ikaw. Kaya maghihintay ako. Ayokong madaliin natin ito at sa bandang huli magsisi ka lang. Ayokong madaliin ka dahil bata ka pa. Sa tingin ko tama lang ito para mas mapatunayan ko muna ang sarili ko sa'yo." Marahan akong umiling at agad na pinutol siya sa pagsasalita. "Hindi mo na kailangang patunayan ang sarili mo sa akin, Caleb. Sa tagal nating magkakilala, tingin mo kailangan pa iyon?" Nagtiim bagang siya. Nakataas ang kilay at seryoso pa din ang ekspresyon. "Kahit na. Iba ako bilang kuya at iba ako bilang boyfriend. Kailangan mong malaman kung paano ako bilang boyfriend para hindi ka na magulat kapag totoong tayo na. Ayokong biglain ka. Paano kung hindi mo pala ako gusto bilang boyfriend. Ayokong

