Kabanata 35 Z A C H I A Pagpasok namin sa kwarto ay agad natigilan si Caleb. Kumunot ang noo ko sa paghinto niya bigla pero nang sundan ko ang tinitignan niya ay napagtanto ko kung bakit siya huminto. Napaawang ang bibig ko at agad napakagat sa labi nang nakitang naroon pala si Ate Kira. Akala ko nasa labas siya kasama ng iba kaya niyaya ko dito si Caleb. Hindi ko alam na nandito pala siya. Bigla akong kinabahan. Baka kung anong isipin niya. Hawak-hawak pa naman ni Caleb ang kamay ko. Hindi niya iyon binitiwan. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Ate Kira habang tinitignan kami ng pabalik-balik. Mas lalo tuloy akong kinabahan. "Anong ginagawa mo dito, Caleb?" Hindi siya sinagot ni Caleb, kaya ako naman ang binalingan ni Ate Kira. Sa bagay, ano nga naman ang isasagot ni Caleb sa kanya ga

