Kabanata 42 Z A C H I A Sinamahan ako ni Caleb sa pantry para kumuha ng mga gagamitin naming ingredients at kasangkapan para sa lulutuin naming lemon chicken. Akala ko magpapag-isa na kami kahit sandali lang pero hanggang sa pantry ay nakasunod sa amin si Kuya. Ayaw kaming lubayan at talagang ayaw pumayag na mapag-isa kaming dalawa ni Kuya. Wala tuloy akong gana habang nagluluto kami. Paano ba naman kasi, hindi din kami makapag-usap ng maayos ni Caleb dahil panay ang sabat ni Kuya. Kapag may sinasabi si Caleb lagi niyang binabasag o kinokontra. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at nagkakaganito siya sa kaibigan niya. Nakakalungkot din kasi nagkakaganito silang dalawa. Matalik silang magkaibigan noon pero ngayon parang ang laki ng nagbago sa kanilang dalawa. Hindi lang sa kan

