Kabanata 41 Z A C H I A Binilisan ko lang ang pagpapalit ko ng damit. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos dahil natatakot akong baka mag-away na ang dalawa sa baba kung magtatagal pa ako dito. Kung ano na lang ang damit na una kong nakita ay iyon na lang din ang sinuot ko. Hindi ko na masyadong natingnan ang sarili ko sa salamin sa sobrang pagmamadali. Mahirap na. Mukhang wala pa namang balak si Kuya na lubayan si Caleb. Mula nang umuwi kami galing sa outing ay tila naging kaaway na ang tingin niya dito. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin kaya ganito ang trato ni Kuya kay Caleb o dahil pakiramdam niya mas gusto ni Caleb si Kuya Sander para kay Ate Kira. Minsan naiisip ko din 'yon. Parang mas gusto nga ni Caleb na magkatuluyan si Ate Kira at Kuya Sander. Parang ayaw niya na sa kuya ko

