Kabanata 40 Z A C H I A Agad niya akong pinagbuksan ng sasakyan nang nakalapit ako. Pumasok naman agad ako doon nang walang sinasabi. Ang buong akala ko ay iikot na siya para pumasok sa driver's seat pero agad akong nagtaka nang nanatili siya sa labas, nakahawak sa pinto ng front seat at nakaharap sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko at kinunutan siya ng noo. Hindi ko alam kung bakit nanatili siya doon at hindi pa umiikot para pumasok sa driver's seat. Nakakapanibago lang dahil hindi naman niya ito madalas na ginagawa noon. Bumuka ang bibig ko para magtanong kung bakit siya nanatili doon ngunit bago pa may lumabas na salita sa bibig ko ay nagsalita na siya. "How's your day?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Dito niya talaga gustong pag-usapan ito? Bakit hindi na lang siya pumasok dit

