Kabanata 19 Z A C H I A “Bakit nakasimangot ka?” tanong ko may konti pa ding ngiti sa mga labi. Tinapunan niya ako ng isang matalim na tingin. “How do you expect to react? Do you expect me to rejoice because you already know those things?” pasuplado niyang sabi. Pinigilan ko ang ngisi ko dahil mukhang galit na siya. “Sinasabi ko lang naman sa’yo na hindi na ako inosente pagdating sa mga bagay na iyan, at hindi na din ako bata. Alam kong nangyayari talaga iyan sa mga magkarelasyon at normal lang naman ‘yon, di ba? Lalo na sa panahon ngayon… Hindi mo na mapipigilan ang mga tao pagdating sa ganyang bagay.” Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin nang sabihin ko iyon. “I don’t know where this conversation is going.” Umirap siya kaya natawa ako. Ngayon ko lang nakita ang reaksyong ito

