Kabanata 20 Z A C H I A Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Maaga akong gumising para mahaba ang oras kong makapag-ayos. Bago ako natulog kagabi ay inayos ko na din ang mga susuotin ko. Gusto kong masigurong magiging maayos ang itsura ko sa araw na ito. Para kahit papaano ay bumagay naman ako kay Caleb. Nagpatulong na din ako kay Moira sa pagpili ng susuotin ko. Nag facetime kami kagabi para lang matulungan niya ako. Nahirapan pa siyang mamili ng susuotin ko dahil hindi niya type ang mga damit na nasa closet ko. Magkaiba naman kasi talaga kami ni Moira kung manamit. Masyadong conservative ang pananamit ko kumpara sa kanya. Minsan naiisip ko ding tumulad sa pananamit niya, wala lang talaga akong confidence. Pakiramdam ko kasi hindi bagay sa akin ang ganoon. Hindi naman kasi gano’n k

