Chapter 1: Behind the Mirror

1128 Words
Tatlong araw na lang bago ang kasal namin ni Vincent. Tatlong araw na lang, at sa wakas, magiging Mrs. Jennifer Santiago na ako. Dapat masaya ako, di ba? Pero bakit parang may nakatusok sa dibdib ko na hindi ko maalis? Parang may bumubulong na hindi ko dapat ituloy 'to. Na may mali. Pero hindi ko alam kung takot lang ba 'to... o totoo na siyang babala. "Girl, anlaki ng eyebags mo. Mukha kang hindi excited ikasal," sabi ni Mira habang inaayos ang strap ng dress niya sa harap ng salamin. Napatingin ako sa sarili ko. Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling mahimbing ang tulog. "Wala, pagod lang," sagot ko, pilit na ngumiti. "Last-minute preps. Alam mo na." Hindi agad nagsalita si Mira. Tiningnan niya lang ako ng matagal, tapos umupo sa tabi ko. "Jen... sure ka bang okay ka lang talaga?" Hindi ko na kayang itago. Kaya dahan-dahan kong ikinuwento sa kanya. Lahat. Yung gabi na 'yon. Yung restaurant. Yung babae. Yung sakit na parang sumasaksak sa'kin habang nakatingin ako sa kanilang nagtatawanan. Tahimik lang siya habang nagsasalita ako, at nung matapos ako, mahigpit niya akong niyakap. "Tangina siya." Napatawa ako kahit papaano. "Wag ka masyadong magmura, baka may batang nakikinig." "Ewan ko sa'yo! Jen, ba't mo pa itutuloy 'to? Kung ako sa'yo, kinalbo ko na 'yon habang hawak ko 'yung cake knife." Napayuko ako. "Kasi... mahal ko siya. Mahal ko pa rin. At ayoko na... ayoko na mapahiya. Lahat alam na ikakasal kami. Paano na lang sila Mama at Papa? Paano yung mga bisita? Yung church? Yung lahat ng inipon at inayos namin?" "Eh ikaw? Paano ka?" balik ni Mira. "Bakit parang lahat iniisip mo... pero sarili mo hindi?" Hindi ako sumagot. Kasi alam kong totoo siya. Pero hindi ko pa kayang harapin ang bigat ng desisyong iyon. Mas madali na lang na isara ang mata. Magbulag-bulagan. Nasa bridal shop kami kinabukasan. Time for final fitting. Suot ko na 'yung gown — ivory, elegant, classic. Pero habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, parang... hindi ako 'to. "Ang ganda mo, bes," sabi ni Mira habang umiikot sa paligid ko. "Pero... aminin mo, parang may mali, no?" Tiningnan ko siya sa salamin. "Ako lang 'to. Mali lang siguro 'yung tulog ko kagabi." "O yung taong papakasalan mo." "Mira." "Fine, shut up na 'ko. Pero ganda mo talaga. Pang-cover ng bridal magazine." Napangiti ako kahit papaano. Minsan, masarap din magpanggap na okay ang lahat. Lumapit sa akin si Mira at inayos ang laylayan ng gown. "Pero seryoso, Jen. Hindi mo kailangan ikasal para lang matupad ang expectations ng ibang tao. Deserve mo ng happy ending, hindi obligation." "Happy ending na rin naman 'to, 'di ba? I mean... ilang taon na rin kami." "Tagal ng relasyon doesn't equal forever, girl. Alam mo 'yan." Napabuntong-hininga ako. Oo, alam ko. Pero hindi ko pa kayang tanggapin. After the fitting, nagyaya si Mira na mag-mall para daw pampalipas ng stress. "Mag-milk tea tayo! Tapos nood tayo ng sine, basta wag lang drama. Baka magwala ka." "Okay, sige. Kahit ano basta wag ko lang sana muna makita si Liam. Sana wala siya dito ngayon sa mall nila." "Si CEO? Yung kuya ni Vincent?" tanong ni Mira, taas kilay. Tumango ako. "Oo. Ayoko siyang makita. Baka maalala ko lang lalo ‘yung gabi na ‘yon. Siya pa ‘yung nakakita sa’kin nung pinaka-worst moment ng buhay ko." "So alam niya?" "Hindi ko sure. Hindi kami nag-usap. Wala siyang sinabi. Umupo lang siya sa tabi ko buong gabi." She laughed. "Wag ka mag-alala, CEO 'yun. Busy. Imposible namang magka-time 'yong ikutin 'tong mall nila. Gusto mo tumawag ako sa office para itanong kung nasan si CEO?" Bago ako makasagot. Natigilan agad ako. Para akong binuhusan ng malamig na milk tea. Sa second floor, sa tapat ng isang bookstore, nakita ko siya. Si Liam. Nakatayo, kausap ang isang staff. Suot ang dark blue long-sleeve na nakalupi ang manggas. Pormal pero relaxed. Tila laging may iniisip pero kalmado. At tulad ng dati... hindi ko siya ma-figure out. "Bes, tara na," bulong ko. "Bakit?" tanong ni Mira, sumusunod ang tingin sa direksyon ko. "Ay pota... si Sir Liam 'yun ah!" Hinila ko siya papasok sa pinaka malapit na shop. "Nakita niya kaya tayo?!" kabado kong tanong. "Ikaw ang tanungin ko, bakit ka nagtatago?" Hindi ako agad nakasagot. Napatingin ako sa labas, tahimik na tinatanaw si Liam. Naaalala ko pa rin 'yung gabing umiiyak ako sa kalsada, lasing sa sama ng loob. Wala akong payong. Wala akong boses. Wala akong dignidad. At dumating siya. Si Liam. Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagtatanong. Umupo lang siya sa tabi ko. Buong gabi. Tahimik. Pero sapat 'yon para hindi ako mabaliw. Mula noon... hindi ko na siya muling nakita. Hanggang ngayon. "Bes," sabay kurot ni Mira sa braso ko, "yung ex mo hindi mo tinakbuhan, pero yung kapatid niya tinataguan mo?" "Wag kang maingay!" "Bakit ba? Crush mo ba 'yon?" "Ano ka ba naman? 'Di ba alam mo naman 'yung nangyari! Nakakahiya! Para ako noong basang sisiw." "Baka siya na talaga ang second chance mo, diba sabi nga nila—" "Tara na nga! Wala na siya, oh. Umalis na." Lumabas kami ng shop, medyo relax na ulit ang lakad ko. "Bes, aminin mo. Naisip mo rin na pogi siya lalo pag naka-formal." Napangiwi ako. "Hindi ko siya iniisip." "Hmm. Sabi mo 'yan ha." Pero pagharap ko— Nandun siya. Sa harap namin. Si Liam. Tahimik. Nakatayo. At halatang... narinig niya lahat. Tumingin lang siya sa amin. Walang imik. Walang ngiti. Napalunok ako. Si Mira, biglang ngumiti. Ako? Gusto ko na lang lumubog sa sahig. Bakit kasi ngayon pa? Hindi pa ko handang makita siya ulit! "How are you?" Ang gwapo ng boses niya. Mababa. Kalma. Walang emosyon pero may bigat. Agad akong siniko ni Mira na para bang kinilig siya. "How are you raw? Ay, bingi," bulong niya. "Narinig ko. Umayos ka nga diyan," mariin ko namang bulong pabalik. "Okay lang siya, sir. Ikaw daw ba ayos?" paladesisyon niyang sagot para sa'kin. Mas lalo akong nahiya. Napahawak ako sa noo ko pero agad din akong umayos nang malingon kay Liam. Hindi siya kumibo kay Mira. Diretso lang ang tingin niya sa'kin, na para bang ako pa rin ang hinihintay niyang sumagot. "Okay na ko. Salamat." Awkward akong ngumiti. "Good." Tumango-tango siya. "Luh, ginawa akong multo," saad ni Mira. Gusto kong matawa sa itsura niya pero di ko magawa kasi nakatingin pa rin sa'kin si Liam. Hindi ko na alam ang susunod na sasabihin. Hindi na rin naman siya nagsasalita pero bakit kasi ayaw niya pang umalis? "Kailangan ko na bang umuwi?" biro ni Mira. Mabilis kong kinuha ang braso niya. "Dito ka lang," mariin kong bulong na bahagya niyang tinawanan. "Bes, para kasing gusto ka niyang masolo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD