Chapter 5: The Message I Didn’t Ignore

727 Words
Nakatitig lang ako sa phone ko. One new message. Mula sa unknown number na hindi ko na kailangang i-save para malaman kung sino. Alam ko. Ramdam ko. “Did you get home safe?” Walang emojis. Walang kasunod. Hindi sweet. Hindi flowery. Pero ang bigat. Parang sa dami ng gulo sa paligid ko, may isang tao na tahimik lang pero totoong nag-aalala. Kaya bago pa ako madala ng overthinking, nag-reply ako. “Yes. Thanks.” Ilang segundo. Wala pa ring sagot. Tapos isang simpleng “Good.” ang dumating. At doon na nagtapos ang usapan namin. Pero sa totoo lang, pakiramdam ko may nangyari. Hindi dramatic, pero may nabuksang pinto. Isang simpleng window ng connection. At kahit ayoko pang isipin kung anong meron doon… gusto kong tignan. Kinabukasan, maaga akong gumising. Isang pangkaraniwang araw, pero may kakaibang pakiramdam. Siguro dahil gusto ko munang tumakas sa gulo. Kaya imbes na ayusin ang wedding list, nagdesisyon akong pumasok sa opisina. Ilang araw na rin akong hindi nagpapakita ro’n. Akala ng lahat, busy ako sa wedding — well, tama naman. Busy ako magpanggap na okay ang lahat. Pagdating ko sa building, ilang beses akong pinigilan ng sarili kong paa. Pero pinilit ko pa rin. Naka-slacks ako at blouse, dala ang laptop, at pilit inaayos ang sarili kong posture. “Ma’am Jen!” bati ng guard na nakangiti. Ngumiti ako pabalik. “Morning.” Pagpasok ko sa office, agad akong binati ng mabigat na katahimikan. Hindi dahil wala akong kausap, kundi dahil naroon si Vincent — sa kabilang dulo ng hallway, papalapit. Hindi ako nakagalaw agad. Pero siya, diretso lang ang lakad. Nang magkatapat kami, tumigil siya. “Jen.” “Vincent.” “Pumasok ka?” “Yup. May backlog.” Tumango siya. “Gusto mo ba—” “May meeting ako.” Hindi siya nakapagsalita. Tumango lang. Tapos umalis. At doon ko lalong na-realize… ang dami naming hindi nasabi. Pero baka mas okay na ‘yon. Baka ‘yung hindi pagkakausap, mas totoo pa kaysa sa pilit na pag-uusap. Pag-upo ko sa desk ko, sinimulan ko agad ang work. Spreadsheet. Reports. Reconciliation. At sa kaka-check ng inbox, isang email ang dumating — mula sa main office. Subject: Budget Realignment - Approved by CEO CEO. Ibig sabihin, si Liam. At hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ‘yung attachment. May notes sa gilid: “Approved with minor revisions. Good job.” Walang pangalan. Pero nakasulat mula sa executive account. Hindi ko alam kung standard ba ‘yon… o effort ba ‘yon. Pero kahit ano pa ‘yon, ngumiti ako. Sa gitna ng mga deadline at stress, may isang linya na nakapagpahinto sa buong araw ko. Pag-uwi ko, nadatnan ko si Mira na nakaupo sa kama ko, nagbabasa ng planner ko habang kumakain ng chicharon. “Nag-reply ka kay CEO.” Napalingon ako. “Ha?” “Tingin mo ba hindi ko makikita ‘yung smile mo kanina habang nakatitig sa phone mo?” “Work-related ‘yon.” “Oh? Did you get home safe ang work-related ngayon?” Napailing ako. “Isusumbong kita sa HR. Nangingialam ka ng phone ng iba.” “Wow, HR agad! Palibhasa may CEO na siya.” “Mira!” Tumawa siya. “Gusto ko lang marinig na inaamin mong may tinatago kang kilig.” Hindi ako sumagot. At dahil hindi ako nagsalita, mas lalo siyang sumigaw. “OMGGGGG! JEN!” “Tumigil ka, nakakahiya sa kabilang unit!” Pero kahit umiwas ako, hindi ko rin matatakasan ‘yung katotohanan — I replied. I replied and I cared. Kinabukasan, may schedule akong makipagkita sa church coordinator. Late na akong nakarating dahil sa traffic. Pagdating ko, may kausap na pala si Mama — nakatalikod sa akin ang lalaki pero kilalang-kilala ko ang tindig. Si Liam. Nagkatinginan kami ni Mama. “Anak, buti andito ka na. Kasama ko si Liam — nagkataong napadaan. Tinulungan ako sa design ng pew flowers.” Nagulat ako. Hindi lang dahil nandun siya… kundi dahil alam ko, hindi siya mahilig sa bulaklak. Hindi rin siya mahilig sa ganitong events. Tumingin siya sa akin. Tahimik. Pero ‘yung tingin niya… para bang sinasabi, “I meant it. You can ask.” At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang gusto ko na ring itanong… “Pwede bang ikaw na lang?” Pero hindi pa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD