Chapter 1

1303 Words
Knight's POV "Where are you going Knight? Hindi ka ba sasabay samin pauwi?" Tanong ni Mamita. "Magkikita pa po kami ni JP." 'Sorry Mamita. Kailangan kong magsinungaling sainyo.' "Okay. Mag-iingat ka." Inalalayan ko muna itong sumakay sa sasakyan nila. Nang makalayo na, biglang pumasok sa isipin ko ang nakakadiring pangyayari kagabi. Bakit kasi nagrerewind pa? 'Maghihiwalay na kami ng Daddy niyo.' Hindi ko rin lubos na maisip na darating ang araw na ito. Walang nagsalita samin kanina pero ramdam ko ang tensyon sa buong bahay. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nila, lalo na ni Kuya, ito kasi ang pinaka-malapit sa mga magulang namin. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko nang kaibigan sa mga oras na ito kaya tinawagan ko si JP ngunit hindi ito sumasagot. Nang may pumasok na text galing sa unknown number. 'Where are you? I'm hungry Baks.' Ayy! Sh*t hinihintay pala ako ng babaeng yun. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Nang makarating sa hotel, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa baka kasi may makakilala sakin dito. Kumatok ako ngunit bukas pala ang pinto. "Bakit ang tagal mo? Nagugutom na kaya ako." "Wow ha. Bakit hindi ka umorder?" Kumukulo na naman ang dugo ko sa babaeng to. "Tsaka wag mo akong artehan. Mainit ang ulo ko." "Edi sorry. Uuwi nalang ako." Tumayo ito at paika-ikang naglakad. "Pinapunta mo ako dito tapos aalis ka. Kung yan ang gusto mo, bahala ka." Bigla itong natumba. "Alam mo ang oa mo. If I know lahat ng babae may first time pero buhay pa naman sila." Hindi ito nagsalita kaya nilapitan ko at binuhat, binalik ko ito sa kama. "Hindi ako oa. Masakit talaga, palibhasa hindi ka babae kaya hindi mo nararamdaman yung sakit. Konting consideration naman kasi ikaw ang may gawa nito." Magtimpi ka Knight. Wag mong patulan ang kapwa mo babae. "Sorry. Okay na?" Sumimangot ito. "Ayusin mo yung sorry mo." "Sorry na po mahal na prinsesa. Okay na?" Nagthumbs up pa ako. "Okay." Nakakainis talaga ang gagitang to! May oras ka rin sakin. "Nagugutom na ako, gusto ko ng fried chicken." "Ako na oorder. Kakahiya naman sayo eh." Tumawag ako sa reception para mag-order ng makakain namin. Binuksan nito ang tv at nilagay sa cartoons. Ano ba to? Isip bata ang putek. Knock knock Binuksan ko ang pinto. "Goodevening Sir. Here is your order." "Thank you." Napakamot ako sa ulo. Hindi kasi ito gumalaw, parang gusto niyang ipaghanda ko pa siya tapos ihatid sa kanya. "Hey! Kumain kana." Lumingon ito sakin. "Yey. Thank you Knight." Pinatay niya muna ang tv bago lumapit sakin. "Sabay na tayo. Dito ka sa tabi ko." Tumabi ako sa kanya, hindi ko alam kung paano niya ako napapasunod. "Where do you leave? Ihahatid na kita bukas." "Secret, baka ligawan mo ako eh." "Yuck!" "Joke lang. Ito naman hindi mabiro, seryoso yarn? Sa executive village ako sa BGC nakatira." Medyo lumapit ito sa mukha ko na parang may sinusuri. "Alam mo infairness sainyong magkakapatid walang tulak kabigin, lahat kayo gwapo." Sumubo ito. "Ang ganda siguro ng lahi niyo." Medyo lumayo ako dito. "Wag ka masyadong lapit ng lapit sakin." "Hahaha. Bakit naman? Naaapektuhan ka siguro sakin noh?" "Pwede ba wag ka masyadong feeling." "Ayy. Oo nga pala Knight gusto kong makilala ang parents mo. Lalo na yung Mommy mo, gusto kong marinig yung love story nila ng Daddy mo." "Maghihiwalay na sila." Malungkot kong sabi. "Ha! Hindi nga? Sorry, hindi ko alam." "It's okay. Tapusin mo na ang pagkain mo." Tapos naglakad ako palayo sa kanya. ------------ Dalia's POV Gusto ko sana itong pigilan pero bigla akong nakaramdam ng hiya. 'Ang tanga tanga mo Dalia. Kaya natuturn off sayo yung mga lalaki kasi walang preno yung bibig mo.' Ring ring ring Kinuha ko ang phone ko sa bag. Dad is calling. Sh*t! Ihanda mo na ang sarili mo Dalia. "Hello Dad." Bungad ko. "Where are you? Hindi ka daw kasama ng kaibigan mo sa pag-uwi. Ano ba naman Dalia?" "Daddy chill. Nagkita lang kami ng highschool friend ko, konting get together lang kasi babalik na siya sa States next week." Gusto kong matawa sa pinagsasabi ko. "Don't fool me. Homeschooling ka." Sabi niya. Oo nga pala nakalimutan ko. "Go home right now." "Yeah I will. Dad I need to go, mag-usap nalang tayo pagdating ko. Byebye." "Dalia Young." Pinatay ko ang tawag. Buti pa si Dad may pakialam sakin, samantalang yung Mommy ko parang hindi na ako nageexist sa mundo niya. "Knight can you sleep beside me." "What! Ayoko nga." "Please. Wala akong gagawin sayo." Wala akong gagawin sa kanya kasi masakit pa hahaha. Ewan ko kung anong meron sa lalaking ito pero tuwing nakikita ko siya parang I feel safe. Siguro dahil bakla siya, diba ganun naman talaga kapag bakla malapit sa mga babae. "Fine. Wag mong aalisin yung harang na unan ha." Tumango ako. "Mabuti na't nagkakaliwanagan tayo." Humiga ito sa kabilang side ng kama. Halos hindi ko nga siya makita sa laki ng harang sa pagitan namin. Siguro naghintay ako ng sampung minuto nang tanggalin ko ang harang at yumakap sa kanya. "Hoy Dalia. Anong ginagawa mo?" Nakataas ang kamay niya. "Let me hug you. Para mabilis akong makatulog." "Ano ba yan? Bahala ka!" Tumalikod ito sakin, pero hindi ko parin inalis ang pagkakayakap sa kanya. Infairness ang bango niya, amoy baby na bagong ligo. Alam ko ang sabon niya, cetaphil ang sabon ng mayayaman. Ilang minuto ang lumipas nang dalawin ako ng antok. ---------- Naalimpungatan ako nang may yumakap sakin. "Knight. Sh*t anong oras na." "Ewan ko." Pagtingin ko sa orasan, gulat akong napatayo. 11AM na. "Knight wake up. Ihatid mo na ako." Sabi ko habang nagbibihis. "Knight." Sigaw ko. "Oo na." Tumayo ito at nagpantalon. Sabay kaming lumabas sa hotel. Siguro nauna lang siyang naglakad ng mga tatlong hakbang. Tumingin ako sa kanan at kaliwa, baka kasi may makakita sakin dito. Tahimik lang ako sa buong byahe. Battery empty na ako kaya hindi ko alam kung naka-ilang text or call na ang Daddy ko. Nakita ko ang phone ni Knight kaya kinuha ko ito. "Hey. Anong gagawin mo sa phone ko? Give it to me." "Wait lang. Ilalagay ko lang naman yung number ko." Infairness latest Iphone ang gamit niya. Sinave ko ang number ko, tinawagan ko rin siya para malaman ang phone number niya. "Kailangan kong makasiguro na macocontact kita. Malay mo nabuntis mo ako." Pangaasar ko. Nagmake face ito. 'Why are you so cute Mr. Knight?' "U-turn ka diyan tapos dito kana sa side magpark. Thanks Knight." Kumindat ako sa kanya bago lumabas ng sasakyan. Pagdating ko sa tapat ng gate nagdoorbell ako. Ilang minuto akong naghintay nang bumukas ang gate. Pagbukas nito isang malakas na sampal ang binigay sakin ni Mommy. "Kababae mong tao kung saan saan ka nakikitulog. Hindi ka ba talaga nahihiya sa pinaggagawa mo Dalia?" Galit na sabi niya. "Mom." "Don't call me that. Alam mo sa ginagawa mo mamamatay kami ng maaga ng Daddy mo sayo." "Hey, stop it." Singit ni Dad. "Ikaw nalang sana yung nawala, kung hindi dahil sayo buhay pa sana ang kapatid mo, kasama pa sana namin siya ngayon." "Dalia go to your room. Ako na ang bahala sa kanya. I'll talk to her." Tumango ako. Malungkot akong umakyat sa kwarto ko. Napasandal ako sa pinto. 'Bakit ang sakit parin? Diba dapat immune na ako sa sakit kasi ilang taon niya nang sinisisi sakin ang pagkawala ni Kuya.' Ting * Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Text ito galing kay Knight. "Are you okay? You forgot your wallet." Medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Keep it." Reply ko nalang sa kanya. Gusto ko siyang makita ulit pero mukang malabo na. Yes I have a contact number pero iba parin kapag personal mo itong kasama. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD