The Truth About Mr. Knight

1218 Words
Knight's POV "Excuse me." Tawag ko sa sales lady. "Boss Knight kayo po pala yan. Ano pong size ang kukunin niyo?" "Size 8." Sabi ko, kilala na ako ng mga empleyado dito. Sino bang hindi nakakakilala sa Bros treses ng family Mayer. Isa si Dad sa stockholder ng mall na ito. "Ito po boss. Limited edition po ang sapatos na yan. Magugustuhan po yan ng taong pagbibigyan niyo." Natawa ako sa sinabi nito. Alam ko naman na magugustuhan niya ito, kaya nga ito ang napili ko. Inabot niya ang shoe box. "Boss nandiyan na naman ang mga fans niyo pero wag na po kayo mag-alala hindi sila lalapit sayo." "Ha?" Nagtatakang tanong ko, kaya pala kanina tumawag pa ako ng sales lady kasi walang lumalapit sakin. Kapag nandito kasi ako nag-uunahan ang mga yan na asikasuhin ako. "Pinagalitan po ng manager namin. Last time po kasi hindi nila inasikaso si Ma'am Rana nagalit po ata si Boss K." Paliwanag nito. Boss K is my brother Kyle Jr. "Ganun ba. Sige, aalis narin ako. Thanks." Hindi na ako nagtagal sa mall, bumili lang talaga ako ng shoes. Tumatawag na si JP, my bestfriend. Susunduin ko kasi siya para sabay na kaming pumunta sa after party ng grupo nila. Basketball player ito, nanalo sila kahapon pero ngayon lang gaganapin ang celebrasyon. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan papunta sa bahay nila JP. Nagtext narin ako na malapit na, mabuti nalang mabilis ang dala kong Mercedez Benz. Pagdating ko sa bahay nila, nakaabang na ito sa gate. "Hey bro." "Bro." Nakipagkamay ako. "Congrats to you and your team." "Thank you. Sayang wala ka kahapon, edi sana nakita mo yung moves ko. By the way sa VIP bar daw tayo sa BGC." "Waze mo nalang para maka-iwas tayo sa traffic." Sabi ko. Umabot ng isang oras ang byahe namin. Medyo traffic lalo na't friday ngayon. "Were here." Pababa na siya ng sasakyan nang iabot ko ang sapatos na binili ko para sa kanya. "It's a gift." "Wow! Limited edition to diba? Ang tagal kong naghanap nito. How?" "Connections, alam mo na yun. Para makabawi din, kasi hindi ako nakapunta sa game mo kahapon." "Thank you brother." Umakbay ito sakin. "Your the best. Let's go." Tumango ako at binigay ang susi ng sasakyan sa Vallet. Pagpasok sa loob ng bar bigla akong inubo. Tinakpan ko ang ilong at bibig ko sa dami ng usok na nalanghap ko. Naghalo halo ang ibat ibang flavor ng vape at alak. Sanay naman akong uminom pero hindi ako naninigarilyo. "You okay bro?" "Yes." Maikli kong sagot. "Our MVP is here." Sigawan ng mga ka team mates niya. "One of the Bro treses is also here." Nahiya nalang ako although kilala ko naman karamihan sa kanila, ganito talaga sila kaingay. "Tequilla for you guys." Inabot nila sakin ang isang baso ng tequilla. Nagkahiwalay kami ni JP nang akbayan ako ng isa sa kaibigan niya. Dito ako sumama para makipaginuman. Okay lang naman siguro uminom, wag lang magpaka wasted. "For our victory." Tinaas nila ang kani-kanilang baso. "Kampaii." Sigawan nila. Nakailang shot na ako at medyo nahihilo narin ako. "You okay? May papakilala ako sayo." Sabi ni JP at inakbayan ako. May mga babaeng lumapit samin. Tang*na ganun ako kabangenge, hindi ko napansin na marami na pala kaming kasamang babae. "This is Lexy. Ikaw na bahala sa kanya Bro." Pakilala ni JP at tinulak ako sa babae. "Hi handsome." Nanlaki ang mata ko nang makita ito sa malapitan. "Sorry, not interested." Sabi ko at mabilis itong iniwan. Mukhang kaedad na ng Mommy ko, ang kapal pa ng make up kaya mas naging matured itong tingnan. Hinanap ko si JP, busy pala ito sa kahalikang babae. Kumuha ako ng isang bote ng alak at tinungga ito. Bahala na! "Hi." Napataas ang kilay ko. "I'm not interested." Hindi naman talaga ako interesado sa mga babae. "Same." Tumabi ito sakin. "I'm Dalia Young." Nilahad niya ang kanyang kamay. Infairness maganda ito, on fleek ang kilay at nagbagay ang lipstick sa outfit niya. "Knight Mayer." "I know you. You and your brother are famous." Stalker siguro to. "Bakla ka diba?" Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig niya. "I'm not gay." "Sus. Wag ka na magdeny, amoy na amoy ko kaya." Sininghot ako nito kaya napaattras ako. Baka mamaya may lahing aso to, makagat pa ako. "Fine. You got me. Wag mo itong ipagkakalat ha." Tumango ito at biglang kumapit sa braso ko. "Sa wakas may kilala na ako. I'm safe here with you." "Safe?" "Yup. Alam mo na, sa mga lalaking manyakis." Tumingin ito sa paligid. "Hindi ko na alam kung nasaan yung kasama ko. Iniwan ba naman akong mag-isa." Biglang may lumapit saming dalawa. "This is for you guys." "No thanks. I'm done, pauwi narin ako." "Last na yan Knight. Pagbigyan niyo na kami." Kinuha ni Dalia ang isang shot glass pagkatapos binigay din sakin ang isa. "Cheers." Huminga ako ng malalim. Last na talaga to tapos uuwi na ako. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng inumin. Bakit parang mas matapang tong nainom ko ngayon? Lumipas ang sampung minuto may kakaiba na akong naramdaman, umiinit narin ang buo kong katawan. "Somethings wrong." Sabi ko bago nawalan ng malay sa mundo. ----------- Yumakap ako sa unan. Ang bango naman, mukhang bagong palit ng pillow case si yaya. What the h*ll! Bakit gumagalaw? Bigla kong minulat ang mata ko. "Aahhhh." Malakas kong sigaw. Nagising din ang babaeng katabi ko at napatingin sakin. "Aahhhh. Anong ginawa mo sakin?" "Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong ginawa mo sakin? Alam mo namang bakla ako diba." Inaagaw nito ang kumot kaya naman hindi ako nagpatalo. "Akin na to. Aray!" Sigaw niya. "Hoy bakit?" "Masakit yung ano ko." Para akong nabagsakan ng langit at lupa. Sh*t! Kung masakit yung ano niya ibig sabihin may nangyari samin. "Oh no! Hindi na ako virgin." Napatakip ako sa bibig. "Hindi, panaginip lang to. Gising Knight gising." "Oa mo naman. Line ko dapat yan eh, ako ang babae dito." Napakamot ako sa ulo. 'Ang dumi dumi ko na. Bakit naman ganito? Nakareserved kaya ang katawan ko sa lalaking mamahalin ko.' "Mapapatay ako ng parents ko." Bulong niya. Ring ring ring Hinanap ko ang phone ko, nasa bulsa pala ng pantalon ko. "Hello." Bungad ko. "Where are you? Anniversary nila Mommy. Please don't be late." "Okay. Papunta na ako." Sabi ko kay Kuya. Pinatay ko ang tawag at pinulot ang mga damit ko. "Ibibigay ko ang number ko. Call me if you need anything. Kailangan ko ng umalis." "Hindi ko kailangan ng number mo. Bumalik ka dito pagkatapos ng lakad mo." "Baliw ka ba! Ang layo kaya ng pupuntahan ko." "Basta bumalik ka. Ikaw ang may gawa sakin nito, mahiya ka naman. Hindi kaya ako makatayo sa laki ng armas mong bakla ka. Tsaka first time ko kaya wag kang mag-inarte." Pinakalma ko ang sarili ko. 'Knight maging mabait ka sa kapwa mo babae, kalmahin mo lang ang kalamnan mo.' "Okay Dalia." Ngumiti ako ng napakaplastic sa harapan niya. "F*ck you!" Bulong ko. "Anong sabi mo?" "Ha? Wala naman akong sinabi. I have to go." Inisnaban niya lang ako. Ichuserang frog to, para sabihin ko sa kanya hindi siya kagandahan. Mas maganda parin ako kesa sa kanya. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD