Habang nakasakay ay napapa isip ako na bakit pa siya ang nakita ko bumalik tuloy ang panghihinayang na aking naramdaman pero susubukan kung bigyan ng kaligayahan ang aking sarili nang malimutan ko ang mga toxic kung nakaraan.
Niyaya ko si jay uminom sandali para makatulog agad ako pagdating sa bahay at sinabi ko kay jay lahat.
"Nakita ko si sanjhu jay sa hospital kasama ang ex niya.
Sumagot naman ito na hindi na nagulat.
"aah nagkita ba kayo sa hospital.?noong unang araw ko lang alam na bumalik na sila kasama yung tresha na ex niya noon"
" Aah ganoon ba bakit mo alam?
sumagot naman ito ng nakasimangot na may halong pagsisilos.
"Pina activate niya kase sa office ang card niya kaya alam ko.
aahhh ganoon bah..
Nagtanong naman ito ng malalim
"Mahal mo pa ba siya?
Kaya natakot akong sagutin nang totoo napaisip ako na kailangan ko itong sagutin ng katutuhanan at baka masaktan lang ito sa huli.
"Truthfully jay, Hindi korin alam kung may pagmamahal pa ba sa nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko lang ay parang humina ang katawan ko nang nakita ko siya kasama si tresha.
Hindi ito kumibo at parang alam na niya ang sagot kaya nag iba ito ng sagot
"Siguro naman masaya na siya sa buhay niya kasama ang ex niya hale ka na at uuwi na tayo may pasok kapa bukas.
Naawa ako sa kanya dahil alam kung mahal niya ako pero hindi ko yun masuklian kaya sumusunod ako sa lahat ng gusto niyang gawin, para kahit ganoon man lang mapasaya ko siya.
"Tara na nga "
sabay akbay sa kanyang balikat napangiti naman ito ng patago at binuksan ang kanyang sasakyan.
Pagdating sa bahay ay kaagad akong natulog, tulog din naman na si jenelyn kaya hindi na ako masyadong nag ingay.
Kina umagahan ay hindi ko maintidihan ang aking sarili dahil parang di lalakad ang mga paa ko kapag hindi ko inayus ang muka ko kaya naglagay ako ng kaunting makeup bago kami pumunta ni jenelyn sa hospital.
Pagdating ko doon ay ginawa ko agad ang aking gagawin dahil 9am pa naman ako kailangan pumunta sa kanilang kwarto at pagdating ng 9 ay ito naman ako nanginginig sa takot na makita silang dalawa nag ready ako sa aking sarili bago binuksan ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad na naman ang ka akit-akit nitong muka pero hindi ako nag patinag at kumalma ako pag lapit ko ay hindi ako nag salita confident ako na hindi mag rereact sa kanilang dalawa.
Habang nag iinject ay ramdam kung pinipigilan ni tresha ang tawa sa kanyang muka habang si sanjhu ay tumitig lang ito sa akin haggat maka labas ako wala itong imik at nahihiya itong magsalita.
Sanjhu pov}
Parang nakakatawa iisipin na ako ang nagbabantay kay tresha kahit may pamilya naman ito, pero mula nung paghatid ko kay tresha sa hospital at nalaman na doon na pala siya nagtatrabaho ay kinausap ko si tresha na ako muna ang mag babantay sa kanya since last day na naman ni tresh ngayon gusto ko kasing makita siya.
Masakit sa mata kapag nakikita ko siya kasama si jay kasi parang nag kakamabutihan na sila, pagpasok niya sa room ay tumingin agad si tresha sa akin at pinigilan ang tawa sa kanyang muka dahil naputol ang sinasabi ko sa kanya at hindi nakapag salita pagdating ni jisoo tinitigan ko siya sa muka at mukang wala nang pakialam ito sa akin.
Para talaga akong ginayuma ni jisoo,dahil kahit anong gawin ko ay mahal ko parin siya.Lalo na ngayon hindi na siya immature mas lalo pa itong gumanda dahil marunong na siyang mag-ayus sa sarili.
Gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko parin magawa dahil hindi pa buo ang loob ko.
Paglalabas niya sa room ay agad namang nag salita si tresha
"Why are you quiet there huh..
I don't think he cares about you anymore"
" Yes.. because she told me that she would forget about me and that's what I can't do to her.
-
11am ay sinabi ng doctor na pwede na kaming umuwi kaya hinatid ko si tresha sa kanyang bahay.
At bumalik sa condo na aking tinitirhan habang nasa bahay habang hawak ang cellphone ay nakatitig ako sa n# niya gusto ko siyang tawagan pero nahihiya ako and i know she's busy now. Babalik nalang ako sa pag mamanage ng paaralan bilang isang director.
Nalalapit narin ang aming Free Medication sa school sa lahat ng studyante, kaya kailangan ko nang bumalik sa trabho ko.