Umagang umaga ay napa iling ako sa ingay ni jenelyn ang ingay niya at ang tagal matapos maligo kaya pagkatapos niya kaagad akong naligo nang hindi ma late.
Pagdating ko sa hospital ay exact 8 na kaya bumayo ako agad.
Pagdating doon ay nag mamadaling sabi sa amin ng head nurse na kailangam raw namin sumali sa orientation dahil may magaganap na Free Medication sa isang paaralan para sa mga studyante.
Kailangan daw naming malaman kung ano ang dapat gawin in 5 days pero 3 hours lang everyday ang aming schedule.
Nagmamadali kaming pumasok sa room kung saan kami mag oorient. Nag simula na pagdating namin doon kaya umupo nalang kami agad at nakinig.
Hindi ko alam kung anong school ang aming pupuntahan mga ilang minuto ko din nalaman dahil pag click ng projector sa harap namin ay ang pangalan ng paaralan ay ang dati kung pinapasukan at ang may ari noon ay si sanjhu kaya natulala ako sandali pero natauhan din ng tinanong ako ng isang nurse.
"Jisoo diba naka pagaral ka sa school na yan kalahating taon nakita ko sa profile record mo eh...
Kaya sinagot ko siya na parang hindi ko masyadong naintindihan.
Nagsalita naman ang katabing nurse niya.
"Alam niyo ang director daw sa paaralang yan, bata pa at subrang gwapo parang Sanjhu Lim Gu, ata ang pangalan, yun daw yung tumawag kay Doctor V na tayo ang ma aasign doon mula bukas. "
Hindi ako sumali sa kanilang usapan at nakinig lang pinigilan ko naman si jenelyn mag salita dahil aakma sana siyang magsalita sa kanila.
Mula bukas doon kami pupunta sa paralang yun babalik na naman ang alaala ko doon at every class tatlong oras ang aming Medication na gagawin.
Pag katapos nang orient ay lumabas kami at hindi na mapigilan ni jenelyn ang kanyang sarili dahil excited na itong makita ang paaralan.
"Finally makikita ko narin kung saan kayo unang nagkakilala...at makikita mo rin doon ang gwapong si sanjhu
Kaya naisipan kung hindi ko panga pala na kwento sa kanya na nagkita na kami ni sanjhu ayaw ko rin naman during work hours ay mang disturbo yun sa akin habang kaharap si sanjhu.
Patuloy kami sa aming trabaho hanggat umabot ng hapon.
Kinabukasan ay nag mamadali kaming mag ayus, dahil doon sa paaralan kami ba bio ng attendance sumakay kami patungo roon at pumasok na sa isang room, bilang panimula sa aming gagawin ay nag lecture pa ang head nurse namin hindi ko naman nakikita si sanjhu kaya naka fucused ako sa aking trabaho.
Pag dating ng tatlong oras ay tinuro sa amin ng isang baguhan ata na teacher kasi hindi ko siya kilala.
Itinuro sa amin ang aming gagamiting room na gagawan sa aming report sa hospital.
Pagdating namin doon ay nagulat ako dahil ang room na itinuro sa amin ay katapat ng room ng director.
Ang alam ko kasi isa na siyang director ngayon kaya pinili ko yung table na hindi ako makikita sa tapat ng room niya.
"Jisoo bilisan natin to kase magpapasama ako sayo para libutin ang buong campus.
Sambit naman ito ni nergiel habang nagmamadali gawin ang report niya.
Binilisan ko ang ginawa ko para maka libut na kami sa paaralan.
Lumabas kami para kumain dahil tapos na kami sa aming ginawa kaya dinala ko sila sa canteen dahil doon may mga pagkain na pweding bilhin pagdating namin doon para bumili ay agad naman kaming pinuntahan ng teacher na dating nagturo sa amin.
Kailangan daw naming pumunta sa TLE room dahil may hinanda raw doong pagkain para sa amin.
Sumaya naman ang mga kasama ko dahil gutom at pagod ang mga ito.
Pagdating namin doon, laking gulat ko ay nandoon pala si sanjhu.
Umupo sa gitna ng lamesa sasabay pa ata sa amin kumain.
Habang papasok ay kinurot naman ako ni jenelyn sa subrang kilig nito na sasabayan kaming kumain ni sanjhu.
Habang lumalakad ay nag kwentohan ang head nurse at ang mga kasama naming teacher niyaya kaming pumasok at umupo sa harap ng lamesa.
Yumuko lang ako habang umuupo at dinalaw naman si jenelyn ng kanyang kagagahan at itinulak pa ako papunta doon sa pinaka malapit na upuan kay sanjhu.
Natabig ko ang lamesa kaya umatras ng kaunti kaya subra akong nahiya at umupo nalang doon. Inisip kong mamaya nalang kita gagantihan babae ka sa inis ko na hindi ko malabas dahil sa hiya inayus ko nalang ang aking muka na parang walang nagyari.