Chapter 16

866 Words
Pagdating sa bahay kinwento ko lahat kay jenelyn at grabe ang lungkot nito dahil mawawalan na raw siya ng kasama sa trabaho. Excited pa naman sana siyang makinig at kinilig pa ito hindi niya inasahan na masamang balita pala ang kanyang maririnig. "Nakakalungkot talaga wala na akong kasama papuntang trabaho. "Magsasama pa naman tayo papuntang sa labas hindi nga lang sa hospital wag kang mag alala dahil 1year lang naman ang sinabi niya. Sumagot naman ito na padyak-padyak ang kaliwang paa habang umuupo. "Nasanay na kase ako sa trabaho na nandiyan ka palagi, pero okay lang din kase iisa lang naman tayo ng tutuluyan hindi narin ako malulungkot. Masaya naman ako na naiintindihan niya ako natulog kami ng maaga dahil bukas ay papasok na naman kami sa trabaho. Habang naka higa ay napa isip ako kung bakit ako ang kinuha niya. Sampung oras kada araw ko siyang kasama siguro ang awkward non dahil ex ko ang tatrabahuan ko. Pagka umaga ay pauli-ulit padin ang aming ginawa maagang pupunta sa school at uuwi. Mga ilang araw ko ring hindi nakita si sanjhu sa kanyang paaralan. Mukang busy ito sa buhay niya mas ok rin naman sa akin na hindi siya makita dahil isang araw nalang ay sa kanya na ako magsisimulang magtrabho. Last day sa Medication sa kanilang paaralan apat na araw na hindi ko parin siya nakikita pati sa kanyang office wala lock din. Hindi ko alam kung saan ako bukas unang pupunta, ne hindi man lang niya sinabi. Sa aming huling trabaho ay ang dami naming tinapos para sa report sa hospital hinatid pa namin ang bawat folder kay doctor V at doon niya ako sinabihan na mula bukas ma-asign na ako kay Sir sanjhu kaya umo oh nalang din ako,wala naman din akong magagawa. Kaya 6pm na kami naka uwi pagdating namin doon ay agad kaming natulog at hindi na kumain. Kinaumagahan ito na ang araw na sa kanya na ako magtatrabaho 5am palang ay naghanda na ako at tumawag kay doctor V kung saan ako unang pupunta ngunit sinagot lang ako na ayusin ko raw ang trabaho ko dahil mula ngayun si sanjhu ang hihingian nila sa aking performance kung qualified ba ako or hindi for the next year. Kaya nag bihis ako ng damit na hindi pang nurse nakaka hiya naman kung magsusuot ako nang ganoon eh balak ko pa namang pumunnta sa skwelahan at baka nandoonnna siya. Pagpunta ko doon sa paaralan, thank god, dahil pag pasok ko ay hindi lock ang kanyang office kaya pumasok ako at naghintay sandali dahil wala siya sa kanyang silid.Mga ilang minuto ay dumating siya may dalang folder mukang busy ito sa kanyang trabaho. Good morning sir " sambit ko habang nakatayo pag pasok niya at huminto ito sandali at hindi nag salita umupo deritso sa kanyang upuan. Mag kape ka muna miss jisoo kay aga mo naman. Nagsalita na ito at binigay ang kape na nasa table niya dalawang mug kase ang naka handa sa kanyang lamesa. "Tapos na po akong mag kape sir. Salamat nalang po.! Ano po bang gagawin ko.? Sagot ko sa kanya habang hindi naman ito naka tingin at nag susulat lang sa kanyang lamesa sumagot naman ito. "Ma upo ka muna diyan sandali may hinihintay lang ako ihahatid kita sa iyong trabaho. Nag intay ako sandali at hindi alam kung saan tutingin kung sa kanya ba o sa mga gamit niya sa loob ng office. Nagsusulat lang kasi ito at naka yuko tumitingin lang ito sandali kung anong ginagawa ko. Napansin ko sa kanyang na parang masungit na itong magsalita di tulad noong una naming pagkikita.Bumalik na yata ang ugali ng lalaking to.Simula ng makasama niya si tresha. Mga ilang minuto ay may dumating na isang teacher at binigay ni sanjhu ang folder at nag paalam na aalis na kami at siya na ang bahala sa lahat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta nahihiya akong magtanong sa kanya susunod nalang ako sa kanya kung saan niya ako dadalhin. "Let's go... Tumayo ito at kinuha ang jacket niya sa likod ng upuan at inaaya akong umalis tumayo din naman ako agad at sumunod sa kanya sa sasakyan. Kanina pa ako na cu-curious kung saan niya ako ihahatid binuksan niya ang sasakyan at pinapasok ako. How sweet naman, naiisip ko sa sandaling iyon katabi ko kasi siya sa front niya ako binuksan kaya doon din ako umupo. Habang nasa sasakyan ay nag salita ito. "Why don't you talk.. You don't have any questions about your work. Kanina ko pa nga sana gusto itanong pero hindi ko nalang tinuloy.Natatakot ako sa kanya bihira na kasi ito ngumiti at nagsasalita. "Ahm..Ang alam ko kase doon din naman tayo pupunta kaya hindi na ako nag tanong. "Okay nandito na tayo." Pagdating namin ay familiar ang lugar bahay ni Auntie Magda ang aking nakita,kaya nagtaka ako akala ko ay hindi na siya rito naka tira. Pagpasok ko ay laking gulat ko nang nakita ko na naka wheelchair na si auntie at parang hindi na ito maka lakad. Awang awa ako sa kanya dahil subrang bait nito sa akin at nag mano ako kaagad. "Kumusta ka na jisoo Nagsalita ito na alam kung may dinadamdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD