LORIE LOVE “Ready na ba ako? Ready na ba ang asawa ko na mahusgahan ng iba? Dahil kahit pa anong gawin ko ay hindi mabubura ang nakaraan at naging katulong niya ako. Pumatol ang isang mayaman na congressman sa isang katulong,” saad ko sa sarili ko. Bumalik na naman ang pangamba sa puso ko. Alam ko naman na mahal ako ng asawa ko pero ayaw ko rin talaga na masira siya sa iba. “Love, are you okay?” nagulat pa ako sa biglang pagsalita ng asawa ko. Nakabalik na pala siya. “Okay lang ako.” “Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” “Okay lang po ako, nagugutom lang,” pabiro na sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mag-alala siya sa akin. “Palapit na po akong matapos, sinalang ko na doon,” sagot niya sa akin. “Thank you, love. Kahit na hindi mo naman kailangan na gawin ay ikaw ang gumagawa,” sab

