LORIE LOVE “Mas pinili mo talaga ang alam mong mas maraming pera,” sabi pa niya sa akin kaya nasaktan ako dahil ang buong akala ko ay mabait siya. “Tita, mali po ang—” Nagulat ako dahil bigla na lang niya akong sinampal. Pero mas nagulat ako nang sampalin rin siya ng asawa ko. “Sinaktan mo ako?” tanong niya kay Johann. “Dahil sinaktan mo ang asawa ko. Anong karapatan mo para sampalin siya?” galit na tanong ng asawa ko at bigla akong natakot sa aura niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka galit. “Dahil pinaglalaruan niya tayo. Sinaktan niya ang damdamin ng anak ko. Pinaasa niya ito at umasta siya na para bang wala siyang asawa,” sabi niya pero alam ko na alam niya na i-kwento ko na sa kanya ang tungkol sa asawa ko. Hindi ko lang sinabi sa kanya ang pangalan ng asawa ko dahil g

